Chapter 17: Her Love Vs. Happiness (Part 2) Unedited

60 1 0
                                    

CHAPTER 17: HER LOVE VS. HAPPINESS (2)

Keisha's POV:

        Hindi ko alam kung paano aawatin ang dalawa dahil hindi naman sila nakikinig sa akin. Sinubukan kong lapitan si Erick para pigilan ito pero natatakot ako dahil hindi sila humihinto.

"Erick! Ano ba? Huwag kayong mag-eskandalo rito"

        Nang dahil sa sound proof ang opisina ko ay hindi alam ng mga body guards ang mga pangyayari at lalong-lalo na ang sekretarya kong malapit lang sa opisina ko.

        Nang dahil sa pagkairita ko sa nakikita ko dahil supossedly ay busy ako ngayon sa mga binabasa ko pero hindi ko magawa dahil may mga taong immature na ginagawa sa harap ko kaya naman napasigaw ako..

"Mr. Villaros and Mr. Roquin, will you please stop that? Too unprofessional!" tumigil naman sila at nakita kong puro duguan iyong mukha at bibig nila

        Ugh! Nakakainis. I have felt mixed of emotions lalong-lalo na iyong tumitingin sila sa akin na nakahingal pa. I don't wanna see that faces. Kaya naman ang ginawa ko ay hinila iyong isa sa braso.

"Erick, let's go! I will tell tito for what you've done" bago pa man kami makaalis ng opisina ko ay tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod

"Mr. Roquin, just reschedule your appointment with me and I am not sorry. Both of you acted childishly" pagkatapos kong sabihin iyon ay hinila ko na iyong kasama ko at pumunta na kami sa bahay

--- 

"A-aray!" idiniin ko pa iyong bulak na may kasamang betadine sa sugat niya. Nakakainis kasi.

"Buti nga sa'yo"

"Huwag mo namang lakasan. Ang sakit. At an-" magsasalita pa sana siya pero diniinan ko na naman ng bulak iyong bibig na dahil may sugat din iyon doon

         Pagkatapos ko siyang gamutin ay umupo na kami pareho sa sofa at pinagmasdan siya ng maigi. Tiningnan ko lang siya pero iyong titig ko ay malapit ng lumabas iyong dalawang mata ko dahil sa galit ko.

"Ano bang nasa isip mo at naggawa mo iyon? Have you seen na may importante siyang sasabihin sa akin at busy ako. In short, bakit ka nagkakaganyan?"

"Have you seen him Keisha? Naniniwala ka bang may importante iyong sasabihin sa iyo? I've seen it in my own eyes Keisha, HE LOVES YOU!" idiniin niya talaga ang huling mga salitang sinabi niya sa akin at nabigla ako doon

        Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Maski ako ay may naggawa sa kanyang kasalanan, my conscience still haunts me at ginawa ko iyong pag-iwas sa kanilang dalawa hindi lang dahil sa paghanap ng puso ko kundi nakokonsensya ako kay Erick.

        Nakokonsensya ako sa kanya na may kasama akong iba dahil committed ako sa kanya. Wala siyang ginagawang masama noong naging kami pa. Walang-wala, kung meron man ay aksidente lang iyong nangyari. But I don't care what happened dahil naiintindihan ko naman siya pero ako? Hindi reasonable ang nangyari sa akin. At hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin sa kanya.

"Mahal ka pa rin niya Keisha"

        Hindi ako makapagsalita. Parang hinila ang dila ko pabalik. I wanted to respond pero wala. Wala akong ni isang salitang nasabi.

        Matagal kaming nasa ganitong posisyon na magkatabi lang na maupo at walang sinasabi. Katahimikan.

"Erick, I don't want to ruin this"

"Naguguluhan ka lang Keisha, don't decide easily. Think of yourself. Naguguluhan ka lang. Huwag mong pilitin ang isang desisyong hindi mo gusto"

"Erick, stop" nagkaroon ng ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita. Tila nag-iisip kami pareho ng sasabihin sa isa't isa.

"Naririnig mo ba ito Keisha? Nararamdaman mo ba ito?" tinuro niya ang puso ko at tumingin naman ako sa kanya pero napako lang ang mga mata ko sa sahig. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sabihin ni Erick ito sa akin.

        I don't want to react. Naguguluhan pa ako. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa buhok ko. 

-- 

        Wala kaming ginawa ni Erick kaya nagstay nalang kami ng isa pang oras and we decided to visit papa. Noon ay kung magstay kami ng matagal ay magcucuddle kami pero walang cuddle na nangyari kanina. It changed at hindi ako bobo na hhindi ko alam kung bakit. 

"Hello papa" niyakap ko siya at masaya naman sila ng mama. Sinubuan ni mama si papa ng soup at iyong jelly ace

"Kailan ka ba makakauwi papa? Hindi na ako makapaghihintay"

"Very soon anak" ngumiti naman ako sa sinabi ni mama

        Nagkuwentuhan lang kami at nagtawanan. Gumagaan talaga ang paligid kapag kasama mo ang pamilya mo at lalong-lalo na andito si Erick. Palabiro talaga. Nagkuwento pa kami ng nagkuwento hanggang sa may dumating na bisita..

        Nilingon namin iyon at si Shaun ang dumating. Natuwa naman si papa sa pagbisita nito. Hindi ko na rin napigilang ngumiti kahit na naiilang ako dahil magkasama na naman iyong dalawa.

"Kamusta na po tito?"

"Mabuti lang. Nakakakain na rin ng kaunti" mahinahon at nakangiting sagot ni papa

        Nagkumustahan lang sila. Nang sa matagalan ay nandito kami ni Erick sa gilid at nagdadaldalan sila kasama ang mama. Siguro dahil sa silang tatlo lang ang palaging nag-uusap kaya nag-give way kami. Umupo kami sa gilid at pinapanood ang TV ng tahimik.

        Panaka-naka ay napapansin kong tumitingin si Shaun dito pero bakit siya ganyan? Hindi ko makita ang emosyon niiya? 

         Sabagay, ganito naman siya simula nang pinagtabuyan ko siya. 

        Ano ka ba Keisha? Bakit ka ba nagkakaganyan? 

        Kasi naman ay okay naman kami pero ngayon? Wala ng pansinan. 

        Natural! Hello! Pinagtabuyan mo kaya.

        Hindi ko pinagtabuyan noh. Binibigyan ko lang ng space ang sarili ko.

        Pareho na rin iyon. 

        

        Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Ano ka ba Keisha? Huwag ka ng mag-isip jan at mas lalo ka pang maguguluhan. Pagkumbinsi ko sa sarili ko.

        Nabalik nalang ako sa ulirat nang nagpaalam na si Shaun sa kanila at pati sa amin. Hay! 

        Hindi ko na alam ang gagawin ko. Space nga ang kailangan ko pero parang ang unfair ko. Nagtatalo ang isip ko dahil sa pagmamahal ko sa pamilya ko at sa sarili kong kaligayahan. 

...to be continued 

     

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon