Chapter 16: Senseless (Unedited)

58 1 0
  • Dedicated kay my late grannie
                                    

CHAPTER 16: SENSELESS

Keisha's POV:

        Hinding-hindi niya ako maiintindihan. Hinding-hindi niyo ako maintindihan. Pinilit kong magpatatag pero wala eh, tumulo pa rin ang luha ko. Masakit isipin na ang taong mahal mo ay tinalikuran ka and the worst is hindi ka naiintindihan.

        Ang mga luhang ito nakakainis. Pero may mga tao mang nagdaan ay alam kong hindi naman ako mahihiya dahil nasa ospital ako at nasa tapat pa ng ICU. Naiintindihan naman nila ako kung bakit ako umiiyak.

"Anak?" ngumiti ako sa kanya pero hindi iyon umabo sa mga mata ko

"Everything will be okay. Itatransfer na ang papa mo sa private room" ha-?

"Totoo ma?"

"Oo! Kaya huwag ka ng umiyak diyan. Halika na!"

        Kinuha ko ang ibang mga gamit namin at inilagay nga sa private room. Wala na ring tubo sa bibig ni papa na panggamit para sa paghinga. I know that he will survive.

        Bago pa man makaalis sila sa kwarto ay tinitingnan si papa. Im glad na okay na ang papa ko.

"Nurse, kumusta po si papa?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang kunin ang mga bagay na ginamit niya sa vital signs ni papa

"Okay na po ang vital signs niya. Iyong paghinga naman niya ay hindi na masyadong mataas kumpara noong mga nakaraang araw"

        Hinalikan ko kaagad sa noo si papa at napangiti naman siya sa akin. Garalbal pa ang boses niya pero okay na sa akin iyon. At least ay hindi na nahihirapan si papa.

"K-kumusta ka na anak ko?" paghahaplos niya a pisngi ko

"Ok-kay lang po ako papa. Sabi ko nama po sa iyo eh na gagaling ka po"

        Binati namin ang doctor sa pagpasok niya sa room ni papa. May sinabi siya sa mama ko na hindi ko narinig pero nakita kong nakangiti si mama.

"You can now eat ms. Sovana. Pwede ka ng kumain ng kanin, pero hinay-hinay lang sa pagkain ha para hindi mabigla si sir" sabi niya kay mama "at! Pwede ka na ring maglakad-lakad uli mr. Sovana. Thanx God nga dahil iyong ibang nagkaroon ng komplikasyon at nagpa-opera ay matagal sa ICU room pero siya pagkatapos ng opera? One day lang sa ICU room. I'm glad you made it mr. Sovana" 

        Nginitian namin si papa at nagpaalam sa doctor bago siya umalis.

"Wow! Papa. Makakalakad na po kayo. Dapat kumain tayo ah, huwag matigas ang ulo para gagaling na talaga tayo" nagtawanan kami at ngumiti naman si papa

"Mana ka pa rin sa akin anak matigas talaga ang ulo mo"

"Aray naman papa kakasabi ko na nga na huwag matigas ang ulo eh at hindi matigas ang ulo ko papa, good girl na nga ako e. Tingnan mo okay na ang kompanya natin. Alam mo ba na nagtatrabaho ako ng mabuti at pinag-aralan kong mabuti ang mga projects papa para mas magiging proud ka sa akin"

"Hmmm. Ikaw talaga anak. Alam naming magaling ka. Kaya mo iyan. Big girl ka na diba?" sabi naman ni mama sa akin

"Hmm. I'm always your little girl ma and pa"

"Naku, naku" magkayakap kami ni mama at papa

        Okay na sa akin ang ganito. 

"Woah! Tito. Kumusta?" bungad sa amin ni Erick

"Ano ka ba Evans. Ginugulat mo naman ang tito mo. Baka mabinat si pa sa'yo ah" sabi ni mama

        Ako naman ay tahimik na nakikinig sa kanila. Hindi ko rin siya masyadong pinapansin, sa tuwing may kailangan lang talaga.

"A happy family stays together. Diba Keisha?" inakbayan niya ako "Uy! Bakit ang tahimik mo kan? Smile ka naman. Eeehh. Tatawa na iyan" at kiniliti ako ng lalaking ito kaya napatawa na ako

"Ano ba Erick! Nakikiliti ako"

"O siya, kumain ka muna anak"

"Sakto, may dala akong pagkain" sabi ni Erick

--- 

        Lumabas muna ako sa kwarto ni papa para makaiwas sa kanya. Nakakatawa lang na isiping umiwas ka sa kanya para hanapin ang puso mo kung saan ngaba ito nangingibabaw. Godknows na gustong-gusto ko siyang kurutin talaga as in kanina pa lang kasi palagi niyang pianapatawa si papa.

        Erick is really makulit eversince. 

"Oh! Alone ang Keisha ko. Wazzup?" napailing nalang ako sa kabaliwan niya. May lungko pa ba ito sa buhay o puro nalang saya? Hindi ko na nga siya pinapansin pero andito pa rin siya ang saya-saya.

        Kumusta naman iyan? Parang ako pa ang namomroblema sa pag-iwas ko sa kanya. Lumabas na nga ako sa kwarto pero nakasunod pa rin siya.

"Bakit hindi nagsalita si Keisha na mahal ko? Naoverwhelmed ba sa pagdating ko?"

"Ang yabang mo pa rin ano?" I blurted out. Hindi ko na nga napigilan ang sarili kong sagutin siya. Ang lokong ito kung ano-ano ang pinagsasabi.

"Hug naman jan, hindi mo ba ako namiss?" handang-handa na siya na yakapin ako pero hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pag-iinom ng kape

"Uuwi na ako, pupunta pa ako sa opisina mamaya"

        Inaayos ko ang mga gamit ko at nagpaalam na kay mama doon sa kwarto at kay papa. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakatulala lang si Erick

"I'll drive you home"

"Okay"

        These days are really the weirdest of my life.  

...to be continued

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon