Chapter 5: A Stranger With A Familiar Feeling

68 1 0
                                    

After 7 months of hiatus. I'm back! :) 

==================================== 

CHAPTER 5: A STRANGER WITH A FAMILIAR FEELING

Keisha's POV: 

"Sige Erick, babye"

"Sure kang okay ka lang dito? Hihintayin nalang kita. Mamaya na ako uuwi"

"Nope, it's okay. Papunta naman dito si manong. Mag-iingat ka pauwi"

"Ok. Bye Keisha" 

Umalis na ang sasakyan nila. Ako nalang ang mag-isa dito sa waiting shed. It's been a long day para sa aming mga estudyante. Ang saya ko dahil nanalo ako sa Scrabble. Oo na, naniniwala na ako sa sarili ko. Kahit naman simple ang game na'to ay pinupuri ko na ang sarili ko. Sisikapin kong maging Champion ng Scrabble.

Hindi ko nga alam kung may Scrabble pa nga sa College kasi sa ibang Academy ay walang Scrabble kung may Intramurals. Hmm... Okay. Maybe ay Chess naman ang sasalihan ko kapag College na ako.

Umuuwi na ang mga estudyante. Kaunti nalang ang nandito dahil ang iba ay umuuwi na. Hindi naman kasi ako pwedeng mag tricycle dahil sinanay na nila ako ni Dad na hatid-sundo palagi.

Maghihintay nalang ako sa pagdating nina Manong.

--- 

"Ma, Pa.. lalabas lang muna ako sandali" okay lang naman dahil nasanay na sila sa akin 

Lumabas ako sa bahay dahil hindi ako mapakali. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kaninang umaga lang ay may taong nakatayo sa gilid ng bahay namin at ngayon ay hindi ko maggawang kalimutan ang lalaking matangkad, gwapo kung nakatalikod at nagulat siya n'ung nakita ako.

Sino ba siya? Is he a spy? A killer? A stalker? Ano? I'm curious. Bakit bigla nalang siyang nakatalikod pagkakita ko?  Lumabas ako para mawala 'tong iniisip ko. May security guards naman sa labas kaya wala silang dapat poproblemahin ni Papa at Mama and besides, kitang-kita lang naman ng mga security guards ang lugar kung nasaan ako nakaupo.

This is my favorite place. Everytime I am sad, happy, angry, confused and nothing to do ay dito ako palaging nakatambay. Malamig kasi ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin. Tapat nito ang isla na hindi lang isa kundi more than that.

Nakakaaliw nga ang mga ilaw sa dagat kapag titingnan tuwing gabi. Ang mga isda at mga mangingisda.

Dahil sa bored ako ay naglakad-lakad lamang ako. Hindi naman sa kalayuan ang nilalakad ko. Kitang-kita pa rin naman nila ako. Sa haba ng bahay namin ay may security guards sa kada wall. Nakikita kong may naglalaro. Soccer? Matingnan nga. Ang pinakapaborito kong laro pero hindi pa ako nakakapaglaro. Ang tangi ko lang maggagawa ay manood lang sa mga players.

Nakita kong kasali si Erick. Hindi ba siya napapagod? Kakalaro lang niya kanina. Sabagay, may laro pa sila bukas. Nanonood lang ako at parating nakangiti sa tuwing nakikita si Erick. Paano ba naman kasi, sa tuwing kukunin niya ang bola para makagoal na ay inaagaw iyon ng kalaban. Parating tinatadyakan niya ang ground sa tuwing aagawin ito ng kalaban.

Nanonood lang ako at itinuon ang tingin kay Erick nang biglang may tumabi sa akin. Hindi ko naman siya kakilala kaya palihim na nilayo ko ang sarili sa kanya para may space iyong kinauupuan namin sa gitna.

"Ang saya maglaro ng soccer noh at ang galing ng isang player d'un, parang may gusto ka d'un" he chuckled lightly. Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napalingon ako. Halata ba talagang si Erick lang ang tinitingnan ko? 

His voice is familiar pero hindi ko makita ang mukha niya. Kinakabahan ako. Hindi ko namalayang nasa hood na pala niya ang kamay ko at akmang kukunin ito para makita ang mukha niya pero pinigilan niya ako.

Tumikhim siya at inilayo ang kamay ko "alam mo, sobrang miss ko ang lugar na'to. Nandito ako dahil binalikan ko siya. Mabuti naman at may nag-aalaga sa kanya habang wala ako" sobrang-sobra na talaga ang kaba ko. Bakit ba niya sinasabi ito sa akin? Close ba kami? Kilala ba niya ako?

Magsasalita na sana ako nang tawagin ako ni Erick. Napalingon naman ako kay Erick para pansinin siya pero paglingon ko ay wala na siya sa tabi ko.

"May ipapakilala sana ako sa'yo. I don't know h-his n-name at bigla nalang siyang nawala" ano ba 'yan Keisha? Bakit ka nauutal?

Napakunot naman ang noo ni Erick na tingnan ako "baka guni-guni mo lang iyon Keisha. Wala naman akong nakita"

"Nakita ko talaga siya katabi ko kanina"

"Hala ka! Multo iyon" kinakabahan na nga ako sa lalaki kanina, tinatakot pa ako eh

Sinimangutan ko lang siyang tiningnan. Ako ba tinatakot niya? Tss. Nadagdagan pa iyong kaba ko eh.

 . .'til next update :)  

THANKS for reading

- kjanepurple

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon