Chapter 3: Shoulder

84 1 0
                                    

CHAPTER 3: SHOULDER

Erick's POV:

Malapit na kaming mag intramurals. Phew! Kaya palagi kaming naglalaro ngayon. Exercise na rin 'to, ang tagal ko ng hindi nakapaglaro dahil klase naman at kung may time makakalaro ako lalong-lalo na kapag weekends pero hindi kagaya ngayon na malaya kaming maglaro. Yuhooo!!! Kahit na class hours.

Bumalik na naman ako sa pagkabata, hahahah. Oks lang iyon! Highschool pa naman kami at ayokong magmukhang matanda. Sa gwapo kong ito noh. 

"Erick!" 

"Keisha? Tapos ka na?"

"Oo. Ikaw? Matagal pa ba iyang game niyo?"

"Tapos na. Hinihintay na lamang kita" nakatayo pa ako dito at nagstretching kaya baka akala ni Keisha ay hindi pa tapos ang game namin, ang sakit kasi sa katawan. Ang tagal naming hindi nakapaglaro ng ganito katagal.

"Asus. Ba't mo naman ako hinihitay? Girlfriend mo ba ako?"

"*Wink! Pwede" inakbayan ko siya hahaha. Natutuwa ako kapag nakikitang nakasimangot siya, ang cute niya eh.

"Pwede ka jan! Ayan ang dahilan na wala ka pang girlfriend hanggang ngayon. Ang hilig mo kasing mangtripping eh" hahaha, ako pa! Pero espesyal ka sa akin ;)

"Hindi mo pa kasi ako sinasagot. 1 year na oh. Akala mo makakalimutan ko iyon. Nu beyen!" kagaya lang ng neseye ne eng lehet, hahaha. Ang saya kasama ang babaeng 'to. Kawala ng sakit sa katawan. Pwede ng magmasahe sa akin, hahaha. 

"Eh! Erick naman. Alam mo namang may boyfriend  ako" tss -_-! Saang  banda?

"Kung may boyfriend ka saan nga? Ipakita mo nga? Hindi na iyon babalik. Ang taong iyon? Pinaasa  ka lang n'un. Maghanap ka na kasi at sigurado akong sasaya ka sa piling ko yieeehh" siniko ko siya

"Naku Erick! Anong pinagsasabi mo? Babalik iyon noh" tumigil siya bigla "sana" at nakayuko

"Halika nga rito" umupo kami sa ground at niyakap  ko siya at hinihimas-himas ang likod niya "huwag ka ngang ganyan. Huwag kang malungkot ha. Andito ako, hinding-hindi kita iiwan. Smile ka nga, mas cute ka kapag nakangiti ka" hinawakan ko ang dalawang pisngi nya para mapasmile siya

"Salamat  Erick ha :)" alam kong malungkot siya ngayon, kitang-kita sa mga mata niya. Sanay na ako kung malungkot siya, parati naman eh. Kaya alam ko kung ano ang dinaramdam niya kahit hindi pa niya sasabihin, kahit hindi pa siya iiyak dahil minsan ko lang 'tong nakitang umiiyak . Hindi pwedeng mag artista dahil napakastraight ng mukha niya.

"Anong iniisip mo jan ba't nakangiti ka?" sabi niya. Hindi ko namalayang nakatingin pala siya sa akin. Pero yakap na yakap ko pa rin siya hanggang ngayon.

"Wala lang. Naiisip ko lang kung sana kung tayo ngayon hindi ka masasaktan ng ganito" ang feeling ko nito, tss! Para naman akong may pag-asa.

Tumawa lang siya "ikaw talaga Erick! :)" at pinisil niya ang ilong ko

"Ba't mo pinisil ang ilong ko? Ikaw ha  may paglihim kang pagtingin sa akin?"

"Paglihim na pagtingin agad? Hindi pa pwedeng gusto lamang?" nabigla ako d'un ah!

"Pareho lang iyon. At bakit ba hindi mo pa ako sasaguting pareho lang man tayong may gusto sa isa't isa?" tanong ko. Kumawala na siya sa yakap

"I just prefer to be like this. I don't wanna ruin our friendship Erick :) Sige ka kapag maiinlab ako sa'yo ng tuluyan sino ang makakasama mo sa tuwing goodvibes ka o badvibes aber?"

"Ikaw lang naman at sige na nga friend lang tayo pero may request ako sa'yo Keisha?"

"Ano 'yun?"

"Pwede kahit minsan MU tayo?"

"Hmmm?" nag-iisip pa siya. Naghihintay ako sa sagot niya at nag aksyon siyang tinaas niya ang dalawa niyang balikat ibig sabihin ay 'ewan'

"Huwag na nga nating pag-usapan ang mga bagay na iyan, ang importante magkasama tayo ngayon" sabi ko

Nakangiti lamang siya. Nakaupo kami ng mga ilang minuto at niyakap ko siya na nakatagilid kami. Siya naman ay nilagay ang ulo niya sa balikat ko. Gusto kong ganito na lamang kami. Pwedeng huminto muna ang oras para parati nalang kaming ganito? Kakamiss din kasi ang babaeng 'to.

Crush ko kasi 'to since elementary at nagconfess ako sa kanya sa highschool na namin. 3rd year highschool pero hindi naman naniniwala sa aking gusto ko siya kasi daw ang lakas kong mangtripping at ngayong 4th year na kami, 1 year na nga akong nanliligaw sa kanya pero wala pa ring epek, wala pa ding nangyari, hindi pa din ako sinagot. Mahal pa rin siguro niya ang bf niya kuno! Pero wala naman.

Saan kayang lupalok ng mundo ang boyfriend niya kuno? Gusto kong makita siya at sabihing 'uy! pwedeng akin na ang girlfried  mo since wala ka namang pakialam sa kanya dahil ni hindi ka nga nakipagkausap sa kanya kahit sa internet man lang ay wala ka?'. Gusto kong sabihin sa kanya harap-harapan ang mga salitang iyon pero paano? Hindi ko nga alam kung nasaan na siya.

Hanggang pangarap lang ba 'tong pagkacrush ko sa kanya? Ang importante ay magkasama kami ngayon. 

Nandito na ang mga driver namin para sunduin kami. Gusto ko na ngang magmaneho pero wala pang lisensya. Natakot naman akong mapunta ang sasakyan sa mga polis!

 . .'til next update :)  

THANKS for reading

- kjanepurple

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon