Chapter 4: Intramurals - Who's that Mystery Guy?

84 1 0
                                    

CHAPTER 4: INTRAMURALS - WHO'S THAT MYSTERY GUY?

Keisha's POV: 

Intramurals na! Ako ay excited pero kinakabahan. Ako ba naman daw ang kunin nilang player sa Scrabble, ang gusto ko Chess eh! Pero sige na nga! Kahit na wala akong ka alam-alam sa mga english words na mahihirap nakakalamang pa rin naman ako sa score.

Ay naku! Kung hindi lang talaga ako binaggit ni Erick! Sige na nga! Panindigan na. Sinasabihan ko na sila kaagad na hindi ako siguradong mananalo, may tiwala naman sila sa akin. Ako pa daw! Ang president sa section namin. Hindi naman first honor. President lang, diba dapat ang pinakamatalino. May aasikasuhin pa kaya ako, buti na nga lang maraming nagvolunteer na maglaro sa iba't ibang games kaya hindi kami mahihirapan at may marami ring substitutes.

Nagpaalam na ako sa mga magulang ko. Kung maaga silang aalis sa bahay para sa trabaho nila, mas maaga ako. Kami rin kasi ni Erick ang inaasahan ni ma'am na maging leader, kapagod nga iyon kami lang dalawa. Buti na nga 5 days ang intramurals at ang nakasad lang ay single game. Kung sinong matalo ay hindi na makakalaban pa. Kung double sana may chance pa ang talong maging champion. Pero single lang eh.

Lalabas na ako, kailangan kong maging mas maaga pa kaysa sa players. Sigurado akong nandoon na ri si Erick. Huh? Sino 'yong lalaking nasa gilid lamang ng bahay namin? Mukha naman siyang nagulat n'ung nakita niya ako dahil tumalikod kaagad, ang ganda ko namang multo. Sus! Baka stalker namin 'to ha. Hala ka! Baka kalaban 'to ni papa at papatayin kami ng pamilya namin. Huwag naman sana. Pero ang tangkad niya ah. Kahit nasa likod siya ng kotse niyang nakatayo, kitang-kita ko na mataas talaga siya. Nakajacket pa siya ng black, shet! Ang gwapo mo naman pong maging killer manong. Pero gwapo lang 'yon habang nakatalikod.

"Ms. Sovana?" ay tulala ako sa lalaki! Napatango nalang ako sa driver ko at pumasok na sa kotse.

Ilang minuto at nakarating na kami sa skul, lumabas na ako at 'nag thank you' kay manong. Nagmamadali naman daw akong pumasok sa classroom. Andito na ang players, saan kaya si Erick? Tiningnan ko ang schedule, hindi na ako naghanap. Laro pala nila ngayon, soccer player siya.

Ang aga ko na naman, ako na naman ang unang dumating dito sa classroom. Sino kaya 'yong guy na 'yon? Nag switch on nalang ako sa ilaw, ang dilim ba kasi baka may mumo nalang na lalapit sa akin.

*Forward 

"Kyaaaaaaaaaahhh.. .. . Ang gagwapo ng players"

"Section A for the win! Kaya niyo 'yan"

"Waaaaaaaahhh. .. . Goal" nagsisigawan na sila at ako naman hindi ko makita, paano ba naman 'yan may upuan naman pero gusto ko sa malapit eh kaya nakatayo ako dito sa baba. May pwesto naman sana d'un sa bench.

"Erick! Galingan mo!!!" -ako. Akala niyo kayo lang marunong sumigaw ha.

Nagsisigawan ang dalawang panig. Categorize ang laro namin. 1st year vs. 2nd year and 3rd year vs. 4th year. Kung sinong manalo sa dalawa, siya ang ilalaban para sa champion.

Whoah! Si Erick ay namamawis na. Wet look! Ang score ay 0-0 pa. Lapit ng mag 45 minutes. Dapat makapuntos na kami ngayon para wala ng extension.

Lapit ng mag goal ng section ng kabilang grupo. Nagtatakbuhan at nag-aagawan lang sila ng bola, at last nakuha ni Rod ang bola at............

"Yeheeeeeeeeeyyy!!!! GOAL!"

"Go Erick! Ang galing mo!" sigaw ko. Siya ang nakagoal

Happy kami lahat ng kaklasi niya dahil panalo kami. Binuhat nila si Erick at nakisiksikan ako sa kanila para pumunta kay Erick. Tapos nilang buhatin ay napansin niya ako kaagad. May nagcongratulations sa kanya, ba naman oh basta star ang daming fans. Ngiti ngiti naman daw si Erick sa mga babae at may nagpapicture pa. May humalik pa sa cheeks parang sa labi lang. PDA! Yuck! Pwe!

Lumapit na siya banda rito, yayakapin na sana niya ako...

"Oops! Ang dungis mo. Layo ng kunti. Congratulations Erick!!!" nawala ang ngiti niya sa mukha. Hahaha, ayoko kayang lumapit sa'yo, ang bahu mo, mabaho at amoy babae. Yuck! Kadiri!

"Iyan ba ang isasalubong mo sa akin, ako nga ang nakagoal oh. Tsk!" lumabas na kami sa crowd para makahinga, ang dami kasing estudyante sa side namin.

"Pawis ka na kasi hehehe"

"Arte naman oh, panalo na nga kami, kabadtrip!" bulong niyang sabi na nakatingin sa kabila eh rinig ko naman

Niyakap ko siya, hmm! Ang bango niya. Ano kayang pabango niya. Niyakap din naman niya ako.

"Ako na mamaya, wish me luck ah?" sabi ko nalang 

"Oo naman! Ikaw pa ang galing mo eh!" sabi niya sabay halik sa ulo ko. Pumikit nalang ako. I feel secured when I'm with him. Nakahalik na naman siya sa akin, hayy buhay. Okay, hinayaan ko nalang siyang gawin 'yon kahit noon ay si Shaun lang ang pinapahalik ko. Ngayon ay sila ng dalawa. Nakangiti nalang ako nito. Nasa ganitong posisyon pa rin kami ng ilang minuto.

Someone's POV: 

Nagulat nalang ako nang lumabas na siya sa bahay nila kaya napatalikod ako ng 'di oras. Hindi niya ako pwedeng makilala. L*nt*k! Naeexcite na kasi ako na makita siya.

Para akong stalker anu? Kaaga-aga andito ako sa tapat ng bahay nila. Pumasok na ako kaagad sa kotse ko n'ung nakita kong lumayo-layo na sila. Sinundan ko naman 'yon pero hindi sa malapitan, malayo lang. Alam ko namang sa skul ang punta niya.

Intramurals pala nila ngayon kaya naman pala ang aga niya, hindi ba siya natatakot sa multo? Ang dilim pa nga naman. Pero siguro players 'to ng skul ang nasa ground. Pinagmasdan ko lang siya na pumunta sa classroom, kita lang naman dito sa labas dahil ang classsroom nila ay nakaharap lang sa highway at nasa 2nd floor.

Napangiti nalang ako nang biglang nag ilaw ang classroom nila, ibig sabihin siya ang nauna? Kawawa naman, gusto ko sana siya puntahan kaso hindi pa daw ako ngayon makikipagkita sa kanya.  Put*! Pinagbawalan ba  naman akong makipagkita sa kanya. Anong saysay ng pagpunta ko dito sa lugar na'to!

Ako nga ay naawa sa kanila lalong-lalo na kay Keisha dahil hindi ako naniniwalang sila ang pumatay kay pop, ang papa ko. Mabait ang pamilya nila at hinding-hindi nila magagawa 'yon. Matagal na akong nakapagmove on sa pagkamatay ni pop. Sana naman wala ng issue dito, ayokong mag emote na naman dito.

*Forward 

Para naman akong nakakaawa nito, nandito lang sa labas na nakashades para hindi mamukhaan ng mga  tao dito. Hindi kami skulmeyts ni Keisha pero may nakakilala lang sa akin. Humble lang ako pero rami naman daw nagkacrush sa akin, naman! Sa mukhang 'to pero secret lang. May girlfriend na ako eh.

Hindi na ako makapagtiis. Argh! Paborito ko ba naman ang sports na 'soccer', hindi lang paborito. Marunong din naman akong maglaro pero konti lang.

Whoah! Grabee! Wala pa ding nagkakascore lapit na ang oras ah? Nagsigawan ang dalawang grupo at nawala ang sigaw ng isang grupo nang makuha ito ng kabilang grupo, at akalain mo sila ang nagkagoal. Naagaw ba naman ni Rod, player pala ang mokong na'to? Hindi ko alam ah. At Erick daw ang pangngalan niya, narinig ko sa pamilyar na boses.

Nakakatawa naman, nakatingin lang ako sa kanila. Hayy makauwi na nga sa condo ko, may jetlag pa ako. Nang mapansin ko si Keisha. Haha, aksyon na sana siyang yayakap pero lumayo naman si Keisha. Maya nalang ako uuwi nakita ko na naman si Keisha.

Sinundan ko lang sila nang makalabas sa mga estuyante, hay! Ano ba 'yan hindi ko makita. Hindi ako makatiis, naglakad ako sa kabilang side. Lumayo-layo ako sa kotse ko. Nawala nalang ang ngiti ko sa nakita ko.

 . .'til next update :)  

THANKS for reading

============================================== 

Lapit na ang class kaya UD ako habang may time pa 

- kjanepurple

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon