Chapter 20: From Afar

48 1 0
                                    

CHAPTER 20: FROM AFAR

Shaun's POV:

        Nang dahil sa pagkarinig ng mga kasamahan ko sa plano ng mabait kong ama ay pinuntahan ko kaagad sila sa ospital at dala na rin ng plano naming kumuha ng nuses's uniform dahil napansin naming may plano siyang pumasok sa kwarto ni tito. We have this skill kaya kayang-kaya namin silang pantayan but not what I expected. Huli na ako ng dating. Before I punched him ay hinila na siya ng mga kasama ko at inilagay sa isang lugar kung saan hindi siya makikita.

        Alam kong napipilitan lang ang gagong iyon sa mga inuutos ng ama ko pero sobra na siya, hindi nalang siya nanghihingi ng tulong sa iba para hindi mangyari ito. Tumakbo ako para alisin ang dextrose na nakatusok sa ugat ni tito bago pa ito lumala.

        Alam naming baril ang pinag-uusapan nila pero posibleng hindi niya ito sundin at gagawa siya ng ibang paraan na magdusa si tito. Pareho lang naman ang naging epekto nito, makakapatay din ang gamot na iyon. Alam naming ayaw na ayaw niya gumamit ng baril dahil simula pa lang na maging tauhan siya ng mabait kong ama, hanggang sugat lang siya kung makahawak ng baril. Hindi niya kayang pumatay gamit ang baril.

       Bago puntahan sina Keisha ay sinuntok ko ng malakas ang gagong iyon. Pagkatapos noon ay pumunta kaagad ako sa kanila. Ni wala akong naggawa kaya niyakap ko nalang silang parehong mag-ina. 

        Hindi na tama itong mga ginagawa ng mabait kong ama. Sobra na siya. Akala ko ba ay kompanya lang ang gusto niya pero bakit sa pagpatay ay iniisip niya ito? Mamamatay tao siya. Hinding-hindi ko siya kikilalaning ama at ilalayo ko sina mam sa kanya.

        Pero bago pa man iyon ay gagawa ako ng paraan para pagbayaran niya ang mga ginawa niya. Pinapanood ko ang video na nandoon siya and burn it right away to send to Keisha para malaman nila ang mga pinaggagawa nito.

        Nagpaumanhin nalang ako sa sinulat namin para sa sekretarya niya dahil hindi pwedeng makita ito ng iba.

        I'm on my way to Keisha's house when suddenly may van na humaharang sa dinadaanan ko kaya bumusina ako. Ang gago dahil hindi ito umalis. Lumabas nito ang demonyo kong ama. Este! Hindi ko ama. Ang tito kong walang puso.

        Lumabas na rin ako para kausapin siya..

"Anong pinaggagawa mo sa kanya? Akala ko ba kompanya lang ang gusto mo. Mamama-"

        Bago ko taposin ang sasabihin ko ay sinenyasan na niya ang mga tauhan niya at pinagsusuntok ako. Gaganti na sana ako kaso may dalawang tauhan niya na hinigpitan ako ng hawak para hindi makapalag.

"Hindi ka kumilos. You're weak like your dad and this time ay hindi ko na palalagpasin pa ang mga kabwisitan mo. Sagad na sagad na ako sa iyo. Palagi mong hinaharangan ang mga plano ko" napayuko ako dahil sa pagsuntok ng isa pang gagong tauhan niya sa tiyan ko. Ginamit ko ang technique para makawala sa kanila.

        Sinuntok ko silang lahat pero hinang-hina ako dahil sa pagsuntok nila kanina sa sikmura ko.

"Naalala mo ba ang mga pinaggagawa ko sa'yo bago mo makasalimuha sila sa Party? I had the record" pinindot niya ang cellphone niya at narinig ko nga ang mga pinag-uusapan namin

"Ngayong patay na ang kanyang ama, makakaya pa kaya niyang bumangon ngayong alam na niyang pati ka pala ay may balak na masama sa kompanya nila?" WTF!

       Tumalikod na siya para pumunta sa van na iyon pero tumakbo ako para suntukin siya, ginamit ko ang technique para makapatay ng tao pero nahuli ako ng mga tauhan niya. Nadapsilan lang ang kanyang mukha imbes na sa leeg ko iyon patatamaan.

"Wrong move lad" sinenyasan niya ang mga tauhan niya at pinagsusuntok ako ulit. God knows that I really wanted to go over Keisha's house para magpaliwanag. Napaubo ako sa daan at umalis na sila at bago pa lang dating ang mga kasamahan ko.

"Oh my gosh! Nakakainis sila. Kawawa ka naman pogi. Ang mukha mo"

"Tigilan mo na nga iyan!" saway ng isa pang kasamahan ko. Inalalayan nila ako at tinulungang makapunta kaagad sa kanila ni Keisha

"Pero gusto mo pa bang pumunta doon? Hindi lang iyon maniniwala sa iyo. Alam mo namang hindi ka na tinrato niya na parang may pinag-uusapan kayo" Carl hissed

"Naku! Paano na iyan? Anong mangyayari sa inyo ng love story niyo?" tanong ng isang nagbabaklaan dahil sa naalala niya iyong baklang nagkagusto siguro sa akin

"Bahala na. Tutuloy ako doon. Kailangan kong magpaliwanag"

        Wala na silang naggawa kundi ihatid nalang ako.

        Tumakbo ako para pumunta sa kanila kahit nahihirapan ako sa paglalakad pero nakita ko nalang na nagcollapse si Keisha sa harapan ko at tinulungan si tita na saluin siya.

"Keisha! Let me explain"

--- 

Keisha's POV:

        Naggising ako na malalim na ang gabi. Bumangon ako at doon ko lang napansin na nandito nga si Shaun na nag-aabang sa akin. Hindi ba ito palalayasin ni mama? Alam naman nito ni mama diba na may plano ito sa ikakasama ng kompanya namin?

"Keisha, okay ka na?"

"Okay na" hindi ko siya tiningnan. Napako lang ang tingin ko sa sahig. Ayokong pakisamahan ag taong naging parte ng kalungkutan ko ngayon dahil hindi ko kayang makita siyang magdusa dahil sa ginawa namin kanina.

"May mga bagay talagang gagawin kahit napipilitan. Even the ant gives what he desire to all his people to have them satisfied" hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

        Tumingin ako sa kanya at doon ko lang napagtantong may sugat pala siya sa mukha. May parte ng isip ko na gusto siyang lapitan para tanungin ang mga iyon pero kinokontrol ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at tahimik at tumingin naman sa ibang direksyon.

"Anong gusto mong sabihin sa akin mr. Roquin? I don't have time to guess your riddles or understand your poems" matigas kong sabi

        Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit ang kamay niya sa akin pero nawala rin iyon.

"A guardian failed to protect his angel once more. Can we pull through once again? Please"

        Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga bagay na ito sa akin. I could feel some butterflies inside my stomach. Alam kong hindi ko ito dapat maramdaman, ang pamilya ko. Ang papa ko, bakit niya naggawang magtaksil? Akala ko ba ay partner kami sa negosyo.

        Bakit pakiramdam ko ay iniisahan lang nila ang pamilya namin? To think of that, pinagbentangan kami ng pamilya nila sa pagkamatay ng ama ni Shaun. Noong tumagal ay nagkamabutihan ang pamilya namin at nagkaroon pa ng partnership ulit sa pagitan ng pamilya namin.

        Ginawa lang ba niya ang pagbalik sa akin para saktan ako at pagkatapos akong saktan ay makukuha na nila ang inaasam nilang magandang negosyo? Na matalo ang mga kalaban?

"Kung magsinungaling ka lang para saktan ako ay huwag-"

     Bago pa man ako makapagsalita ay hinapit na niya ang beywang ko at hinalikan. Parang magic ito na kusang pumikit ang mga mata ko.

      Kusang kumilos ako para halikan siya. Idiniin pa niya ang beywang ko nang maalala ko ang mga pinaggagawa niya.

     Inilayo ko medyo ang sarili ko sa kanya at tumingin sa kanya. Nabago naman ang anyo ng hitsura niya sa ginawa ko.

     "Not like this Shaun. Huwag mo ng paglaruan ang p-puso k-ko" bahagya akong napayuko at sinisi ang sarili ko dahil sinabi ko ang mga bagay na iyon

     "Hindi kita pipilitin but I'm always here guarding you from afar"

...to be continued
 

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon