Chapter 7: Closure (Unedited)

59 1 0
                                    

CHAPTER 7: CLOSURE

Keisha's POV:

        Marami ng nangyari sa buhay ko and I must be mature enough to face it. Pumasok ako sa isang relasyon at gagawin ko ang lahat para hindi mawala ito. Mahal ko si Erick, mahal namin ang isa't isa. Ayoko ng may humiwalay pa sa amin.

        I was preparing myself dahil magkikita kami ngayon ni Shaun. I'm puting some accessories and a light make up. Bagay lang naman ito for an ordinary day. I was about to put my final accessory which is my necklace pero nagsalita si Erick..

"Are you sure you want to wear that? Bigay ko sa iyo iyan" bakit niya ba ito tinatanong?

        May mga bagay ba sa isip niya na nagdadalawang-isip siya? Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Was he being doubtful of me? Sa relasyon namin?

"Erick, you don't need to ask that. Of course, ikaw ang mahal ko kaya susuotin ko ito. Ano ba namang klaseng tanong iyan? Are you still doubtful?" bumuntung-hininga siya ng malakas at umupo ulit sa kama

        Para ngang may doubt pa rin siya para sa akin. We've been in a relationship for years, three years and a half to be exact at marami kaming pinagdadaanan. Alam kong sa panahong bago pa kami ay hindi ko pa rin makalimutan si Shaun at nakokonsensya rin ako sa kanya minsan dahil palagi siyang nasa tabi ko at hindi ko lang siya pinapansin.

        Parang may sarili akong mundo, may sariling iniisip. Kami naman pero iba ang nasa isip ko. SI Shaun. Pero noon iyon, we've been through so many obstacles. Doubtful pa rin siya. Dahil ako ay matagal ng patay ang isipang iyon, si Erick na ang palagi kong iniisip at inaalala.

"I'm afraid that it will happen, ngayong andito na si Shaun sa Pilipinas" bumuntung-hininga ako at hindi na pinapatuloy ang pagsuot ko ng kwentas. Kung ito lang ang dahilan na bibgat ang mga kalooban namin ay mas mabuting hindi nalang ako pupunta.

"Don't say that. It won't happen. Ikaw ang mahal ko, alam mo naman iyon diba? Hindi na ako pupunta" nagsisimula na akong tanggalin ang hikaw ko at sapatos na kanina ko pang sinusuot

"No. Just go. Para na rin sa ikakagaan ng loob mo. It's okay. I understand you"

"Are you sure about that? Kung gusto mo, sasama ka nalang?"

"Okay lang. May tiwala naman ako saiyo, Keish eh. Hindi mo ako bibiguin" ngumiti siya at iyong salita sa huli niyang ibinigkas ay parang doble ang ibig sabihin noon.

"I won't" there's no turning back already. Ikaw ang present ko. Hindi na ako babalik pa sa past ko.

        Hindi na ako humirit pa dahil sa huli ay mas pipiliin ko pa rin naman ang makakagaan ng loob ko. A closure. Dapat ko ng hiningi ito dahil matagal na panahon na iyon. Ayoko ng patatagalin pa ang bagay na matagal ng wala, gusto ko lang na wala na totally. And this is my total assurance that I've already moved forward.

        Nagpahatid ako sa driver namin at pumunta na sa restaurant na sinabi ni Shaun. Alam kong hindi na niya ako kukunin pa sa bahay dahil alam naman niyang may boyfriend ako at alam kong nirerespeto ako ni Shaun kaya ako lang ang pumunta sa restaurant na nagpahatid na sa driver.

        Pagkapasok ko sa restaurant ay nakilala ako agad ng waitress at itinuro ako sa VIP room. Pagkadating ko ay wala pa siya kaya naghintay nalang ako dito.

        Na sa pagmuni-muni ako nang biglang bumukas ang pintuan at narinig ko siyang may kausap.

"Yes, yes! It is exactly the point--Oo oo-babalik din ako diyan dude. Don't worry" I heard him chuckled at parang hindi pa rin niya siguro napansing andito na ako nakaupo kasi isasarado pa niya ang pintuan so bali nasa peripheral vision niya ako. Medyo dim kasi ang light kaya sigurong hindi niya ako makita.

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon