Epilogue (Uned.)

62 1 0
                                    

EPILOGUE

Keisha's POV:

*150 days after

        Simula nang pagkikita namin ni Shaun ay palagi nalang akong nakatunganga. How could he possibly guard me from afar? Kalaban namin sila, kalaban namin siya. Bakit ba hindi ko maintindihan ang isang kagaya niya? Naintindihan ko naman siya noong okay pa kami pero bakit ngayon parang nagbago siya? But then naintindihan ko na iyon makalipas ang ilang buwan.

        Dapat nga ay hindi na ako mamomroblema sa ngayon dahil nakulong na rin iyong lalaking nagtangkang pumatay sa ama ko, kahit na anong panigurado ko sa kompanya ay may nakakalusot pa rin pala dahil isa siya sa mga tauhan ko. Isa siyang kawalan sa kompanya namin dahil isa siyang magaling at matalinong empleyado. Hindi ko maisip na maggagawa pa rin pala niya ito. He's mysterious pero alam ko na ang empleyado kong iyon ay may mabuting kalooban. Hindi ko lang maisip.

        At ang mastermind ng lahat? Walang iba kundi si Mr. Roquin, ang tito ni Shaun. Hindi ko alam kung paano nalaman na matagal naman iyon. Aside sa papa ko ay pati rin pala ama ni Shaun. Nakita nila ang ama niyang buhay pa sana pero inilibing na siya.

        Ang mga pangyayaring ito, hindi ko alam kung pagsubok pa ba itong dinanas namin o hindi lang talaga kami para sa isa't isa kasi pamilya na, hindi ibang tao ang magkakalaban. Nilagyan ko ng bulaklak ang papa ko at pati ama ni Shaun.

"Everything happens at may mga bagay na nananatiling walang sagot" sabi ng katabi ko. Inakbayan ako ni Erick at ipinilig ko nalang ang ulo ko sa balikat niya at hinalikan iyong ulo ko

--- 

Third Person's POV: 

        Nandoon lamang sa sementeryo si Keisha at Erick samantalang hindi nila alam na nandoon rin pala sa malayo si Shaun nagbabantay lang kay Keisha. Wala naman siyang magagawa dahil alam niyang nakatali na ang dalaga, pinilit niyang magpakita ng nararamdaman sa dalaga para maangkin niya ito pero umatras lang siya sa patagong relasyon nila dahil alam niyang hindi parin siya mapapatawad ng dalaga.

*Kinabukasan 

         Keisha is walking down the aisle slowly trying to absorb her thoughts. Ito na talaga araw na ito, wala na talagang atrasan, sabi ng isip niya. 

        Habang naglalakad siya ay nakikita niya ang groom niya, her groom is smiling at her. Nakita niya kung gaano kabait ng mukha nito at kamahal siya ni Erick, she sees it through his smile. Biglang nakaramdam siya ng kirot sa naisip nito. Tiningnan niya ang mama niyang hinahatid siya sa altar.

        Nakita niya ang mga taong uma-attend ng kasal nila. Napakarami nila at sa hindi niya ine-expect na nanjan din pala si Shaun na nag-aattend.

        Habang naglalakad ay naisip niya ang pinag-uusapan nila ni Erick bago nagsimula ang kasal.. 

        Nag-aayos siya ng sarili niya sa salamin at dahil na rin sa kaba ng nadarama niya ay hindi siya mapakaling naglalakad pabalik-balik nang bigla siyang napatili dahil may taong biglang pumasok sa loob.

"Sshh. Huwag kang maingay. Hindi nila pwedeng malaman na andito ako" pilit akong pinapakalma ni Erick

"Bakit ka ba nandito? Magsisimula na ang kasal in minutes" huminga siya ng malakas na sign na para bang ang bigat ng pakay niya sa bride nito

"If you think this is what you hope for, go on pero kung hindi" nahihirapang sabi ni Erick

"Ano bang pinagsasabi mo Erick please" naiiyak na sabi ni Keisha. Nahihirapan lang siya sa sitwasyon na ito

"Alam kong mas matalino ka Keisha. I'll be engage in a battle if  I must"

"Erick, huwag kang ganyan" namamaos na sabi ni Keisha. Hinahawakan niya ang dalawang braso ng groom niya at nanghihina dahil sa usapan nila

"Diba sabi ko sa'yo simula noon na gusto ko smile ka kasi mas cute ka kapag nakangiti ka at diba I assured you na hinding-hindi kita iiwan" niyakap niya lang ang bride niya at napaiyak na nga si Keisha

"Erick naman!"

"Oh! Huwag ka ngang umiyak. Iyakin ka talaga. Basta, you will always be my crush"

        Sasabat pa sana si Keisha pero hindi nalang siya nagsalita. Puno ng emosyon ang nadarama niya kaya pinunasan na ni Erick ang mga luha niya at kahit pilitin niyang huminahon ay hindi pa rin siya pumigil.

"Huwag ng umiyak. Please, kahit ngayon man lamang smile for me" tumulo na nga ang luha ni Erick at pinunasan naman niya iyon agad 

"Anak, Erick" bago pa man sila makarating sa pari ay pinigilan na niya si Erick sa paghatid niya sana sa altar 

"Erick, you will always be my friend, closest to my heart, someday you'll find the one for you. Thank you" she hugged him and runaway 

--- 

        

        Keisha is running para makalayo sa lahat. Naiiyak man siya dahil iniwan niya si Erick doon pero nagpapasalamat siya sa sinceridad ni Erick. She's such a lucky person to have him in her life. 

        Tumakbo siya ng tumakbo dahil hindi niya rin alam kung paano magmaneho, nahihiya siya sa driver niya kung uutusan niya lang ito.

''Baby, shit! Get in" bago pa man siya makasakay sa kotse niya ay binuhat na nya ang dalaga para makasakay

        Walang nagsasalita sa kanila sa kotse at pagdating ng isang building ay binuhat na niya agad si Keisha at pumasok sa isang room

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ng binata sa kanya. Dahil sa halo-halong emosyon ay hinalikan na niya ng tuluyan ang binata, si Shaun.

"Damn! I am so sorry. Shit!" Shaun hissed

"I get it now. Missing you means loving you" Keisha

"And I never stopped loving you baby, never in my existence"

        They made love inside the room

End

============================ 

        Uunahan ko na kayo, I'm really not feeling well kaya medyo quick ang epilogue and honestly, my works were really fast when it comes to epilogue I think, kahit anong pilit ko maikli lang talaga ako magsulat din. And, announcements are just posted in my page Kjanepurple.

I Miss You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon