CHAPTER ONE
...
A/N: This chapter is dedicated to my one of my dearest supporters. She is Eya Gorido. This is my way on how to say thank you 'cause she suggested the title.Zoeia's POV
"Hoy, Raoen! Kumain ka na sabi ng gulay!" inis kong singhal sa kapatid kong babae.
"Ayoko ng talong na 'yan!" sigaw nito at itinuro ang ulam naming talong na nasa hapag-kainan.
Jusko naman 'to oh. Bakit ba ang arte ng tiyanak na 'to?
Kasalukuyan siyang nasa harap ng mga pagkain kasama na roon ang isda at kanin upang kumain na sana nang ihain ko ang isa pang ulam ngunit agad itong napangiwi.
Wala sina mama at papa sa bahay. Mamayang hapon pa ang uwi nila sapagkat may nilakad ang mga ito. Siguro tungkol sa work o sa bahay na tinitirahan namin ngayon. Hindi kasi talaga kami dito nakatira dati at kalilipat lang namin noong isang buwan. Ang pagkakarinig ko, may koneksiyon ang pamamahay na ito kay Papa kaya dito kami lumipat.
Since wala sina mama at papa, ako naman ang inatasang magbantay sa pitong taon na tiyanak slash maarte slash bruha kong kapatid.
Talong na nga lang, ayaw pang kumain. Sarap tusukin ng tinidor 'tong tiyanak na nasa harapan ko eh.
Pinandilatan ko ito ng mga mata at umaktong kukurutin pero tumawa lamang siya habang ginagaya ako.
"Kumain ka na kasi ng gulay! Sumbong talaga kita kina mama at papa. Ang sarap-sarap kaya niyan!" panakot ko rito ngunit binelatan lamang ako.
Heyep keng teyenek ke...
"Ayoko nga sa talong! Nandidiri ako." Aba't talagang bruha na 'to at nakapuot pa.
Cute ka girl? Mukhang timang.
"Ano namang nakakadiri sa talong? Ha? Hakdog ka! Saka huwag kang magpuot diyan, hindi bagay! Para kang timang! Kapag ako nainis sa'yo, mapapalo talaga kitang tiyanak ka." Gigil na gigil na ako sa batang 'to, jusko. Kadiri amp.
"Ate, nakita mo ba itsura niyang talong na 'yan? Ha? Hakdog ka rin! At cute ako, ikaw mukhang mangkukulam BWAHAHAHAHA!" Tingnan mo 'tong kulungo na 'to. Tumawa ba naman na parang isang witch, eh siya ata 'tong mukhang mangkukulam eh. Binaliktad pa ako.
Napairap naman ako sa ere at nilapitan siya.
"Kita ko ang itsura ng talong, masarap tingnan. Ano'ng problema mo doon?" pagtitimping tanong ko rito at tiningnan siya ng matalim.
"Ate, oo nga, masarap ang itsura KUNG luto na. Eh 'yong itsura kapag hilaw pa? Nakakadiri, 'di ba? Para siyang ano..." nilapit niya ang pagmumukha niya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka niya sinabi ang mga katagang iyon. At sa huling lintaya naman ay pabitin niya itong binanggit.
Juskong tiyanak. Pitong taon pa nga lang pero ang tanda na kung makipag-usap.
"Anong parang ano?" giit ko.
"Basta parang ano..." tugon nito at bahagyang tinulak pagmumukha ko saka siya umakmang nag-isip nang matino.
Bruhang palaka, ang bastos ng ginawa niya sa akin. Sarap ipalapa sa aso ang tiyanak.
"Parang ano nga?!" sigaw ko na talaga sa inis at agad niya naman akong nilingon nang may nakakalokang ngiti.
Muntanga talaga 'to.
"Parang talong ng lalaki!" sigaw rin nito sa akin at bigla siyang napahalakhak.
Namilog naman ang aking mga mata sa sinabi niya. Talong ng lalaki? Bastos 'to ah! Ang bata-bata pa tapos...
BINABASA MO ANG
HUWAG KANG LILINGON
HorrorIsang pamamahay ang nababalot ng kababalagahan na siyang konektado sa padre de pamilya ng mga naninirahan dito. Isang hindi pangkaraniwang nilalang ang nagpaparamdam sa mga anak ng mag-asawang Felix Castallano at Martha Castallano na sina Raoen Cast...