CHAPTER TWO
…
A/N: This chapter is dedicated to Joany Alfarero. Again, this is my way on how to say thank you for her non-stop support to me.Zoeia's POV
"Ate, what if totoo 'yong nangyari kanina sa banyo?" muling pag-uusisa ni Raoen sa akin.
"No, hindi iyon totoo, tiyanak—este Raoen."
"Ate tikbalang—este Zoeia naman eh! Natatakot na ako. Gusto kong malaman 'to nina mama at papa." Naluluha na niyang bigkas at halata sa tono ng kanyang pananalita ang takot.
Kasalanan ko, mukhang na-trauma na ang kapatid ko. Hindi ko na lang sana siya sinigawan nang hindi umabot sa puntong 'to.
"Shh, nandito lang ako, tiyanak. At isa pa, huwag na muna nating sabihin 'yong nangyari kanina kina mama at papa, okay? Uuwi na sila maya-maya at pakiusap lang na huwag mo munang banggitin sa kanila," giit ko sa kanya. Tumango na lamang ito at niyakap ako habang nakahiga kami sa kama niya.
"Sleep ka na, Raoen," bulong ko at nakita ko namang pumikit siya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay naramdaman ko nang tulog na ang kapatid ko kaya dahan-dahan na akong tumayo at nilisan ang kuwarto niya upang pumunta sa sala.
Hindi pa man ako nakababa ng hagdan ay may narinig akong nag-iingay na kutsara at plato sa kusina. Baka narito na ang mga magulang namin. Nilingon ko ang main door na iniwan kong sarado kanina na ngayon ay sarado pa rin. Nagtataka akong tinitigan ito at dahan-dahang nagtungo sa pintuan ng kusina upang silipin kung bakit parang may kumakain dito.
Halos hindi ako makagalaw sa aking nakita. May isang babaeng umaakmang kumakain kahit walang laman ang isang plato nasa harapan niya at kutsarang hawak nito. Nanunuyot na ang mga lalamunan ko kaya't paulit-ulit akong lumulunok ng laway kahit hindi ko na maramdamang may laway pa ako, dahil sa takot.
Hindi ito pangkaraniwang nilalang. Hindi siya tao at mukha siyang dalaga sa kanyang itsura kahit ito ay…
Kaluluwa na.
Nilipat ko ang tingin sa lababo nang biglang umagos ang tubig doon. Halos manindig lahat ng mga balahibo ko kung bakit at paano nangyari 'yon. Kahit natatakot ay nilakasan ko ang loob upang ibalik ang tingin sa babae ngunit wala na ito.
Bigla namang humangin ng sobrang lamig at dumadampi ito sa aking balat dahilan upang manindig ang mga balahibo ko sa katawan.
Gusto ko nang kumaripas ng takbo ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Unti-unti lumalamig ang bahagi ng batok ko at isang malamig na bulong ang aking narinig dahilan upang ako ay halos mamatay na sa kaba.
"Huwag kang lilingon," tila'y isang hanging babala nito.
Halos lumabas na ang puso ko dahil sa takot at halos mawalan na ako ng hininga sa aking narinig. No, no, this can't be. Hindi maaaring totoo ang sinasabi ni Raoen sa akin. God, help me.
Napapikit na lamang ako at nagdarasal kahit ako ay pinagpapawisan na ng kasing lamig ng yelo.
Dyos ko, tulungan Mo ako. Tulungan Mo kami ng kapatid ko.
Gusto ko nang tumakbo ngunit paano? Hindi ko man lang maigalaw ang aking mga paa at hindi ko man lang mawagang imulat ang aking mga mata dahil sa takot na baka makita ko na ito sa mismong harapan ko.
"Zoeia, ano ang ginagawa mo riyan sa pintuan ng kusina? Bakit pawis na pawis ka at bakit ka nakapikit?" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang marinig kong bumukas ang main door at iniluwal sina mama at papa.
Agaran kong iminulat ang mga mata at mabilis na tumakbo patungo sa kanila at halos mangiyak-ngiyak na sumalubong sa kanilang dalawa.
"Anong nangyari sa iyo, 'nak?" takang tanong sa akin ni mama.
BINABASA MO ANG
HUWAG KANG LILINGON
HorrorIsang pamamahay ang nababalot ng kababalagahan na siyang konektado sa padre de pamilya ng mga naninirahan dito. Isang hindi pangkaraniwang nilalang ang nagpaparamdam sa mga anak ng mag-asawang Felix Castallano at Martha Castallano na sina Raoen Cast...