CHAPTER THREE

14 2 0
                                    

CHAPTER THREE


A/N: This chapter is dedicated to Miyamizu Mitsuha. She's my new supporter on Facebook, chour. Ito na 'yong thank you ko sa'yo.

Zoeai's POV

Aalis kami ngayong araw upang makapag-enroll sa pinakamalapit na paaralan mula sa tinitirhan namin. Kasama ko ngayon si Raoen at ako ang magiging gabay nito samantalang naiwan sina Mama at Papa sa bahay.

"Ate, excited na akong pumasok. Ayoko kasing sa bahay lang mauubos ang oras ko. Ate, hindi ko talaga guni-guni 'yong nangyayari. Alam kong totoo iyo—"

"Naniniwala na ako sa iyo, tiyanak. Huwag kang mag-alala, ha? Narito lang ako palagi. Babantayan at iingatan kita sa abot ng aking makakaya," putol ko rito at nais ko sanang sabihin sa kanya ang nanyari sa akin kahapon ngunit mas mabuti ang manahimik na lamang upang hindi siya mas lalong matakot.

Mabilis lumipas ang oras at tapos na ang sadya namin sa paaralan. Nakauwi na kami at pinapapasok ko agad ang kapatid sa loob at ako ay nagpaiwan muna sa labas. Tatawagan ko na muna sana si Drex ngunit wala akong load kaya itsa-chat ko na lang siya– ang ka-non-label relationship ko.

Heyep din 'to eh, napakaano ng bibig, kung anu-ano na tuloy naririnig ng kapatid ko. Hindi ako nakapagbukas ng cellphone simula no'ng nangyari kay Raoen sa banyo kaya paniguradong may iilan na itong mensahe.. Kung nagtataka kayo kung ba't wala akong natatanggap na tawag mula sa kanya ay sa kadahilanang hindi ko binigay ang numero ko nyahaha.

Nag-log in ako sa Facebook at may isang mensahe galing kay Drex. Tae, one message lang talaga? Ganito ba talaga kapag pangit? Isa lang ka-chat, 'di pa online. Saklap huhu.

Pinindot ko na lang ang pangalang Drex Miranda at binasa ang kanyang mensahe…

Drex Miranda: Hey, I am asking you if you want my eggplant, pfft. Ba't mo s-in-een?
Hey! Mag-reply ka nga!
Ano ba?!
Zoeia! What happened? Mag-online ka na.
Bahala ka diyan!

Iyon ang chats niya na bahagyang ikinatawa ko. Eggplant amp, pftt.

Zoeia Castallano: Eggplant mo mukha mong tukmol ka! Kapatid ko ang nakarinig ng voice clip mo! Kung anu-ano na tuloy pumasok sa utak niya! Isa pa, hindi ako nakapag-online kasi masyado akong busy eh.

Ayokong sabihin at ikwento sa kanya sapagkat pinapaalalahanan kami ni Papa. Mas mabuti na nga muna ang walang makaalam dahil posible ring hindi ito maniniwala at baka pagsabihan pa akong nasisiraan.

"Zoeia! Pumasok ka na rito!" rinig kong tawag ni Papa sa akin kaya dali-dali akong nag-log out at agarang pumasok sa loob.

"Isa pang habilin, huwag na huwag kang tatambay sa labas ng bahay at huwag mong pababayaang nakabukas ang main door ng alas singko ng hapon. Maliwanag?" maawtoridad na sabi ni papa sa akin at tumango lamang ako habang nakatungo.

Hindi ko na maintindihan ang biglang pagiging istrikto nito. Maaaring ganito lamang ang kanyang pakikitungo sapagkat gusto niya kaming nasa maayos na kalagayan lalo na sa mga kababalaghang nagaganap sa bahay. Ayokong sumuway sa kanya kaya itinatak ko sa aking isipan ang kanyang mga habilin.

"Pumasok ka na sa iyong kwarto." Agad naman akong nagtungo sa kwarto matapos marinig iyon.

Dumiretso na agad ako sa kama at palundag na humiga habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto.

Ilang minuto akong ganoon ang postura ngunit maya-maya pa ay may narinig akong animong may kumukuskos sa kisame. Agad bumilis ang tibok ng aking puso at napalunok ng ilang beses.

"Ma! Pa! T-tulungan ninyo a-ako!" Kay Raoen ang sigaw na iyon mula sa labas! Jusko, bakit siya humihingi ng tulong? Ano ang nangyayari sa kapatid ko?

HUWAG KANG LILINGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon