EIGHT

167K 4.4K 2.5K
                                    

MY hand twitched and I was about to grab his polo but he suddenly pulled away from me, almost immediately. My throat released a disappointed whine but suddenly I was pulled back to reality when I heard the driver clear his throat.

"Nandito na tayo, boss."

Agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko sa pagkapahiya. Mabilis akong lumayo kay Xydrien at dali-daling binuksan ang pintuan ng kotse para lumabas. Noong nakalabas na ako ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. The embarrassment is still there but at least I could already breathe properly.

I placed my fingers on my lips and I panicked when my heart started to create havoc inside my ribs.

What's wrong with me? This is wrong! you can't feel this, Eirysia. You have Crinx. Crinx, think of crinx.

I closed my eyes before calming myself down. I immediately imagined Crinx's smiling face and because of that I felt a slight throb. Guilt started to eat my heart. Hindi ko alam kung saan ako makokonsensiya, dahil ba sa hinayaan kong halikan ako ni Xydrien o dahil ba nagustuhan ko iyon?

I'm so sorry, Crinx.

Malalim akong napabuntong hininga at napahilamos sa aking mukha. My emotions are everywhere and I couldn't keep them steady. To distract myself from everything that has happened, I looked around and my eyebrows slightly lifted when I saw what's in front of me.

"Bakit niya ako dinala dito? Paghahaluin niya ba ako ng semento?" bulong ko sa aking sarili.

Nasa isang construction site kami ngayon. Napatingin ako sa paligid at may mga tao akong nakikitang nagtratrabaho. 'Yong iba ay may hinihilang tali at may itinataas silang kung ano tapos 'yong iba naman ay may buhat na baldeng puno ng semento.

Mayamaya pa ay may nakita akong lalaking papalapit sa kinaroroonan ko na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. Mabilis na sana akong babalik sa loob ng sasakyan dahil natatakot ako sa klase ng ngiti niya pero narinig ko ang masayang pagsigaw niya.

"Naku, magandang araw po Mr. and Mrs. Montrehor! Welcome ho!"

Bigla kong nahigit ang aking paghinga noong bigla na lang may pumulupot na braso sa aking bewang. Sa sobrang haba ng braso niya umabot sa harap ng tiyan ko ang palad niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at halos mahimatay ako noong hinapit niya pa ako papalapit sa kaniya.

"Good day, Engr. Tashire," bati pabalik ni Xydrien.

"Mabuti po at napadalaw kayo rito, Mr. Montrehor!" magiliw na saad ng lalaki.

He nodded at the guy before looking at me. "He's Engr. Greogo Tashire. He's the one in charge of building this hotel."

Nahihiyang ngumiti ako sa lalaking nasa harap ko. Natakot pa ako sa kaniya kanina dahil bigla-bigla na lang siyang ngumiti sa akin. Ang creepy kaya no'n.

"Nice to meet you po," saad ko sa kaniya na siyang ikinangiti niya bago tumango.

"I'm planning to check the progress of the building with my wife," ani Xydrien.

"Ay sige ho, Mr. Montrehor." He then guided us inside the on-going infrastructure.

Bago kami pumasok, sinuotan muna ako ni Xydrien ng construction helmet. Nagdala rin pala siya ng sapatos ko kaya pinagpalit niya ako roon bago kami tuluyang pumasok. Nagreklamo pa ako noong una dahil hindi iyon bagay sa suot ko pero wala na akong nagawa noong hinawakan niya ang paa ko at isinuot iyong sapatos sa akin.

Habang nagiikot kami sa loob ay nakahawak lang siya sa bewang ko habang ako naman ay tumitingin lang sa paligid. He was holding my flat sandals even though I insisted that I should hold them.

Under the Sky of Diamonds | ✔︎ (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon