FOUR

180K 4.4K 1.8K
                                    

MAINGAT akong lumabas mula sa kwarto ni Xydrien at bumaba para magtungo sa kusina. Agad kong hinahap si Manang Soling at noong nakita ko siya, nakahinga ako nang maluwag.

"Manang Soling may first aid kit po ba tayo dito?" tanong ko kay Manang.

Nahihiya pa rin akong harapin siya pero wala naman na akong magagawa. I should act civil. Nagtataka siyang tumingin sa akin pero itinuro niya kaniyang kuwarto.

"Tignan mo na lang sa loob ng kuwarto ko, hija. Nandoon iyon sa loob ng banyo. Ikaw na ang bahalang mangalkal," sabi niya bago bumalik sa kaniyang ginagawa.

Agad akong pumasok sa kaniyang kuwarto bago tinungo ang kaniyang banyo. I opened all cabinets and in the third cabinet I saw it. I immediately clutched it and held it against my heart like it's the most precious and vulnerable thing in the world.

Tumigil muna ako at nag-isip ng mga kailangan pang dalhin. Before going back to Xydrien's room, I grabbed a small basin and poured lukewarm water on it. I pulled out a small towel too.

"Salamat, Manang," saad ko sa kaniya pagkalabas ko ng kaniyang kwarto.

She just nodded her head without looking at me. Dali-dali akong lumabas ng kusina. I climbed the stairs and I silently walked towards Xydrien's room. I slowly opened and closed the door carefully, avoiding to wake or stir him up.

Dahan-dahan akong naglakad at inilapag ang dala kong gamit sa mesa sa tabi niya. Umupo ako sa tabi niya bago siya tinitigan ulit habang natutulog. He is sinfully handsome and peaceful while sleeping. Marahan kong hinawi ang buhok niya sa gilid noong nakita ko itong nakaharang sa kaniyang noo.

I sighed before going back to business. I put the towel inside the basin and let the cloth absorb the water. While waiting, I carefully pulled down the blanket that I gave him earlier and I unbuttoned the buttons of his sleeves before rolling them up. Since he was curled up, I couldn't unbutton his polo to wipe his body.

I know. I know. Ano nga ba ang pumasok sa isipan ko para gawin 'to? Siguro nakokonsensiya ako at dahil na rin siguro sa sinabi ni Manang Soling kanina. Hindi ko alam pero hanggang ngayon naglalaro pa rin sa isipan ko ang sinasabi niya kanina.

When the towel was fully sucked, I grabbed it before squeezing the water out and slowly wiping it up on Xydrien's unharmed face, neck, and arms. Saglit akong napatigil noong pinupunasan ko ang kaniyang leeg. Hindi ko masyadong makita iyon dahil nasa gilid iyon pero parang may kung anong nakaguhit doon.

Akmang titignan ko pa iyon ng masinsinan pero nahigit ko ang aking hininga noong gumalaw siya. Malalaki ang mga matang tumingin ako sa kaniyang mukha, nag-aabang kung bubuksan niya ba ang kaniyang mga mata pero nakahinga ako nang maluwag noong nanatili pa rin siyang tulog.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagpatuloy sa pagpupunas sa kaniya. Medyo hirap pa akong punasan siya dahil natatakot ako na bigla na lang siyang magising. Pagkatapos ko siyang punasan ay kinuha ko na iyong first aid kit na nasa mesa. I opened it before looking for what I needed.

I pinched an exact amount of cotton and dropped some betadine on it afterwards. I set aside the kit before looking at his face and studying his bruises.

I can already tell that this wound stings too much by the depth of it engraved in his skin, though it's not that deep but it's not that shallow either. I slowly press the cotton on his face very carefully.

Alam ko namang hindi siya masasaktan kasi tulog siya pero marahan pa rin ang paraan ng pagdampi ko ng bulak sa kaniyang mukha.

Natigil ang kamay ko sa ere noong tumutok ang aking mata sa kabuuan ng kaniyang mukha.

Under the Sky of Diamonds | ✔︎ (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon