School-Chapter 6

178 4 0
                                    

Mina’s POV

Pinark ko yung car ko dito sa west wing nalang, madami kasing nagpapark sa east.

Pagkababa ko ng kotse sabay takbo…. Whaaaa… malelate na ata ako.

 Psssh… sana naman talag hindi ako malate, sana…… at sana……….. Sana hindi ko siya Makita…

  Hinihihangal ako pagkadating ko sa room, haaaay buti nalang wala pa yung prof buti nalang din di ko siya nakita..

 Ay bakit ko ba siya iniisip? At anong makita? Eh mamaya pang 10 yung class niya. Asa naman ako….. Anong asa????????????????????? Tae naman tong utak ko.

“Hooy gaga, kung makahingal. Daig pa aso, kulang nalang sumayad yang dila mo sa sahig.” Sabi pa ni Kate sabay hampas ah.. … sya yung Bestfriend kong sadista..

“Aray naman!” Reklamo ko. “Ayaw kong malate noh.” Dugtong ko pa.

Tumawa naman ito na parang baliw.. Ay sabagay baliw na man ito.

“Wala si prof, sayang effort mo.” Biglang sulpot ni Jean, friend kong bading.

Naalala ko tuloy si Nath. Ayy ba’t ba siya dumaan sa isip ko? Chupeh! Alis…

“Whaaaaaaaaaaaat??!! Tumakbo ako nangpakalayolayo tapos ganun lang???” Naiirita kong sabi..

“Eh sino bang may sabi sayong tumakbo ka?” sabi nitong kabuteng bakla, at nagcross pa yung braso…

“Chehh…!”  wala ako sa mood makipagtalo sa kanya…

“Punta tayong cafeteria… gutom na ako eh, di pa ako nakapag breakfast.” Reklamo ko… sabay haplos sa tiyan…

“Tara Kate.” Yaya k okay kate.

“Tara!” Sabi ni Jean. Sabay kabit sa braso ko..

“Ay sorry teh, di ikaw niyaya ko.Kate lang diba? May sinabi ba akong Jean?” Sabay irap sa kanya…

“Sabunutan kaya kita.” Tinaasan pa ako ng kilay ah…

“Sige, para di talaga kita ilibre….ililibre ko pa naman si Kate.” Sabay tingin ko kay Kate…

Nanliwanag mga mata nito. “Whoaaa….Tara na! nakooo…. Kaya bestfriend talaga kita eh.” Hinila braso ko sabay kirot sa pisngi…

“Hoy teka naman… libre mo rin ako Min…” Hinabol kame ni Jean.

Dito na kame sa cafeteria…

Kain lang nang kain, grabe naman tong si Kate, dahil libre halos inorder lahat ng available , di na naawa sa wallet ko… Pssssh… to namang si Jean diet daw siya pero lasagna, mango shake, calamares, at mango pie yung inorder… Diet pala yung ganyan?

Akala ko ba ako yung nagugutom dito? Eh ako pa nga tong lasagna lang and chocolate yung inorder…

“Hindi ka naman pa'tay gutom niyan?” Asar ko kay Kate…

 Tinignan lang ako ng masama at bumalik sa paglamon…

“Wag mo kaming istorbohin, nag coconcentrate kameng kumain.” Sabi nitong Jean pero di naman tumingin sa akin.

 Tumingin ako sa paligid.. Kaunti palang yung mga students, sabagay 10 palang naman..

Nabaling yung tingin ko…

Teka! Si Nathan ba yun?? O__O Ba’t siya andito..?

“Teka girls ah, may pupuntahan lang ako.” Sabi ko kina Jean and Kate.. at tumayo na..

Pumunta ako sa kung saan si Nath.

“Uyy… Nathalie.” Sigaw ko… di naman lumilingon… -_-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Gay LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon