Chapter 1

103 4 0
                                    

Chapter 1

Hailey's POV

Andito ako ngayon sa school, hinintay ko siyang dumating. Sino? Syempre yung crush ko si Kristoffer. Lagi ko siyang hinihintay. Inaagahan ko talagang pumasok para makita ko siya. Ayan dumating na siya. Hay, ang gwapo niya talaga. Buti na lang di na siya sikat sa mga girls. Bakit hindi na? Kasi lagi niyang tinatarayan at binabara ang mga ito? Kaya naturn off yung mga girls. Inalis na siya sa list ng kinahuhumalingang papa sa school. Di kasi interesado sa mga girls si Kristoff, sa mga boys siya interesado. Tama kayo ng basa, bakla siya. 

Pero bakit ko nga ba siya gusto? Simple lang, gusto ko lang siya period. Wala naman kasing dahilan kaya ko siya nagustuhan. Nagising na lang ako isang araw na lagi ko na siyang hinahanap at lagi ko na siyang gustong makita. Nag-usap na ba kami? Syempre naman oo. Lagi ko siyang kinukulit. Makulit pa naman akong tao. Naiinis nga siya sakin eh. Ito lalapitan ko na siya.

"Hi baby, good morning."

"Anong baby? ano ako sanggol? at walang good sa morning. Ano ba yan everyday na lang kinukulit mo 'ko."

"Syempre naman kasi gusto kita. Alam mo naman yun diba."

"Oo alam ko, everyday mo ba namang sinasabi."

"Sige bye baby. See you mamayang lunch."

Inirapan niya lang ako. Pag lunch kasi tumatabi ako sa kanya. Nung una syempre ayaw niya pero nung tumagal di na siya umaapela. Sanay na sakin ang baby ko hihihi.

Accepting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon