Chapter 8
Hailey's POV
4 years later...
Andito ako ngayon sa mall. Naisip kong magshopping. May nakita akong familar na lalaki. Wait si Kristoff ba yun. OMG! Siya nga. Muntik ko na siyang di makilala. Parang ang dami niyang pinagbago.
"Kristoff?"
"Hailey?" medyo gulat na sabi nito.
"Long time no see." sabay naming sabi. Sabay din kaming natawa.
"Kumusta?" tanong ni Kristoff. Napatingin naman siya sa kamay ko. Sa singsing ko specifically.
"Ah ito ba. Ikakasal na kasi ako." Ipinakita ko sa kanya ang singsing. Awkward kong sinabi na ikakasal na ako. Ang weird lang kasi.
"Ahh. Good for you."
"Ikaw kumusta? May boyfriend ka na ba?" ito talaga curious ako.
"Oo meron, matagal na nga kami."
"That's good to hear. Sige una na ako. Bye. See you soon." nagpaalam na ako kasi ang awkward talaga. Wala na rin kasi akong masabi.
"Bye."
Hindi yun ang inimagine ko na pagkikita namin ulit ni Kristoff masyadong awkward. Hays.
Kristoff's POV
Alam ko na ikakasal ka na. Gutso ko sanang sabihin. Matagal ko ng alam, 4 years ago pa. Andun lang naman ako sa kalapit na table nung sinabi yun ng mga magulang ni Hailey na magpapakasal sila nung Isagani. Sabi ko na nga ba may gusto sa kanya yung hayop na yun. Nagkataon lang na andun ako kasi nagkita kami nung friend ko. Siya yung friend ko na tumulong sakin para mangibang bansa.
Umalis ako nun kasi naguguluhan ako sa feelings ko para kay Hailey. Bakla ako pero nagugustuhan ko siya nun. Plinano ko na magpakalayo layo para mag-isip. At dahil pa sa nalaman ko na ipapakasal si Hailey lalo lang nagpakumbinsi sakin na umalis. Anong laban ko sa Isagani na yun. Magiging tagapagmana eh ako kakagraduate ko lang at tinakwil pa ng ama. Wala akong maipagmamalaki sa magulang ni Hailey. Kaya pumunta din ako ng ibang bansa dun ako nagtrabaho. Nag-ipon ako.
Two years ago, bumalik ako ng Pilipinas. Sa tingin ko sapat na yung naipon ko. Plano ko na ding magtapat kay Hailey na mahal ko siya. Kaso parang huli na ako. Nakita ko sila ni Isagani sa isang restuarant. Ang saya nilang tignan. Ang sweet at nagtatawanan pa sila. Kainis kasi may napapatingin pa sa kanila at sinasabi na bagay sila. Nalungkot ako kaya napagdesisyunan ko na bumalik na lang ulit sa New York.
Bumalik ako ngayon sa Pinas para makita siya. Nabalitaan ko kasi na after graduation ni Hailey sa doctoral ay ikakasal na sila ni Isagani. Nagsinungaling ako kanina kay Hailey, wala naman akong boyfriend, hindi nagkaroon kahit kelan. Kasi nagbago na ako matagal na. Lalaki na ulit ako. Binago niya ako ng di ko namamalayan. Katulad ng pagkakahulog ko sa kanya. Pano niya kaya nagawa yun? At siya lang ang nagustuhan ko sa talambuhay ko. Siya lang kasi ang andun at tumaggap sakin sa kung sino ako noon. Pero nakakalungkot lang isipin na walang naging kami at huli na ata ako.

BINABASA MO ANG
Accepting You
Short StoryPag mahal mo ang isang tao tanggapin mo ang lahat sa kanya. Kaya tanggap ko siya kahit... Bakla siya.