Chapter 2

66 2 0
                                    

Chapter 2

Kristoffer's POV

Hay, ang kulit talaga ni Hailey. Buti na lang di kami magkablockmates. Block A ako at siya naman, Block B. Parehas kami ng course, Psychology. Simula first year hanggang ngayon na graduating na kami, di ako tinitigilan ni Hailey. Masasabi kong sanay na ako sa kanya. Ewan ko ba kahit anong pambabara ko sa kanya eh gusto pa rin daw niya ako. 

Pero hindi si Hailey ang pinoproblema ko kundi si Daddy. Nalaman na niya kasi na bakla ako. Nagulat nga ako. Pano niya kaya nalaman? Sa school kasi bakla ako pero sa bahay pinipilit kong maging lalaki. Galit na galit siya kanina. Hala, pano kung palayasin niya ako. Hmm. di naman siguro. Pero mali yung akala ko.

"Kristoffer! Lumayas ka! Ayan na lahat ng gamit mo. Makakaalis ka na sa bahay na to. Wag na wag ka ng magpapakita sakin." galit na sabi ni Daddy.

"Pero Daddy, san ako titira?"

"Ikaw ang bahalang maghanap kung san ka titira, problema mo na yan. Wag kang hihingi ng tulong sa Mommy at mga kapatid mo, pag nalaman ko lang talaga na humingi ka ng tulong, aba'y malilintikan ka sakin."

Naiiyak ako pero pinigilan ko. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko at malungkot na umalis ng bahay. San na ako titira ngayon? Buti na lang may savings ako kaya di ko pinoproblema ang allowance ko pero mauubos din yun. Kelangan ko humanap ng part-time job. Naiisip ko para makalibre sa tuition ay mag-apply ako na maging Student Assistant. Yun bang alipin este tumutulong sa mga professors. Libre kasi ang tuition tapos may allowance pa. Buti na lang natanggap ako builang S.A at mabait pa yung prof. na tutulungan ko, halatang kunti lang ang ipapagawa sakin. Pero kailangan ko pa ring maghanap ng part-time job. Hays.

"Hoy."

"Ay palaka. Hailey, nakakagulat ka naman."

"Eh kasi ang lalim ng iniisip mo, may problema ka ba?"

Ano kaya sabihin ko sa kanya or hindi.

"Dali na, sabihin mo na sakin, malay mo makatulong ako."

"Pinalayas kasi ako samin."

Accepting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon