Epilogue
Hailey's POV
Wedding Day...
Hindi ito ang inimagine ko na kasal ko. At hindi rin siya yung groom na inimagine ko. Akala ko dati si Kristoff ang para sakin. Pero siguro nga kaya hindi naging kami kasi si Gani talaga yung para sakin.
Nalaman ko na matagl na pala akong gusto ni Gani. Wala man lang akong ideya. Sabi niya ang manhid ko daw. Ako naman kahit kelan di ako nailang sa kanya. Napakakumportable niya lang kasama at kausap. Yun bang walang boring moments.
Ngayon na naglalakad na ako sa altar. Papunta sa kanya. Papunta kay Gani. Napapangiti na lang ako. Kasi may isang tao pala na kayang tumanggap sa kung ano talaga ako. Hindi ako perfect. Marami akong flaws. Makulit ako. Pero tinanggap niya ako ng buo. Kaya sinong di maiinlove sa kanya. Sinong di maiinlove kay Gani. Eh isa siyang ideal man. Maswerte ako at siya ang mapapangasawa ko.
"I now pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride."
Kristoff's POV
Sa di kalayuan nakamasid ako habang hagkan nila Hailey at Isagani ang isa't isa. Pasimple kong pinunasan ang mga luhang di ko alam na tumutulo na pala. Wala na talaga. Pero masaya ako na mukha namang siyang masaya. Ako sana yun. Kami sana ang ikinasal kung naging matapang lang sana ako at ipinaglaban ko yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero wala hanggang pagsisisi na lang ako. Tumalikod na ako bago pa nila ako makita. Lumingon ako at pinagmasdan si Hailey sa huling pagkakataon at sinabi ang matagal ko ng dapat na sinabi sa kanya.
"Mahal kita pero huli na."
Author's POV
Alam ko malungkot kayo di kasi sila nagkatuluyan pero nalungkot din ako muntik pa akong maiyak. I know I'm so weird. Kasi naisip ko masyado ng sunod sunod yung happy ending na story ko kaya naisip ko sad ending naman.
Bale sinulat ko to nung November 12. Walang kuryente dahil kababagyo lang at wala akong magawa kaya nagsulat ako. Isang upuan ko lang lang tong sinulat. Siguro isang upuan niyo rin tong mababasa. Pasensya na maiksi talaga akong magsulat. Bale sa susunod hahabaan ko ng kunti.
Salamat kung nakaabot kayo sa Epilogue. Sana basahin nyo rin yung iba ko pang stories. May plano akong sulatin. Series po. 2 girls, 1 boy, 1 lesbian, 1 gay. Sige po kitakits sa susunod kung story.
BINABASA MO ANG
Accepting You
Historia CortaPag mahal mo ang isang tao tanggapin mo ang lahat sa kanya. Kaya tanggap ko siya kahit... Bakla siya.