Chapter 4
Hailey's POV
Masaya ako. Bakit? Kasi nasa iisang bahay kami ni crush nakatira. Blessing in disguise yung nangyaring pagpapalayas ni Tito kay Kristoff pero di ako masaya na pinalayas siya like kawawa naman si crush. Buti na lang to the rescue ako hihihi.
Everyday sabay kaming kumain, sabay din kaming pumunta ng school at sabay din kami sa pag-uwi. Hay. Para na ngang kami eh pero hindi pa. Oo hindi pa kasi di pa niya ako sinasagot.
"Baby, tayo na lang kasi."
"Ano ba Hailey, ayan ka na naman."
"Kasi tinganan mo parang tayo pero hindi." nakapout na sabi ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin na bakla ako. Bakla ako forever at gusto ko, lalaki."
"Pero wala ka namang boyfriend eh."
"Well, wala pa. Baka soon." Kilig na sabi ni Kristoff.
Wala na lang akong sinabi at nagpout na lang ako lalo. Hay kahit ganun yung sinasagot niya lagi sakin, di ako susuko. Makukuha ko din siya. Magugustuhan niya rin ako. Di ako nawawalan ng pag-asa. Wala akong pakealam kung ako ang parang lalaki saming dalawa. Para sakin kung gusto mo ang isang tao, sabihin mo kasi di dapat yan tinatago. At hello 2020 na kaya okay na din na maging vocal sa feelings at manuyo ang mga babae. Wala akong pake sa sasabihin ng ibang tao. Basta gusto ko siya tapos ang usapan.
Ilang months na lang kakagraduate na kami. Excited na ako. Plano ko mag-aral pa ng masters hanggang doctoral. Okay lang naman kila Mommy at Daddy. Di naman nila ako pinepressure na magtake over ng business kasi andyan naman si Isagani, yung pinsan ko. Okay lang sakin na siya ang magmana ng kumpanya kasi wala talaga akong interes sa business. Tsaka deserve ni Gani na magtake over. Napakagaling din kasi niya. Speaking of bigla siyang dumating dito sa bahay.
"Napadalaw ka?"
"I'm just checking on you balita ko matatagalan bago umuwi sila Tita at Tito."
"Yes, parang nagkaproblema ata sa isang branch sa US but for sure maaayos din nila yun."
"Yeah sila Tita at Tito pa ba. Kaya idol ko sila eh."
"I know." Since bata pa kami idol na talaga ni Gani sila Mommy at Daddy.
"Ehem."
"Oh Kristoff, tamang tama ipapakilala kita kay Gani."
"Kristoff, si Isagani. Gani, si Kristoff."
"Wait, sino siya baby?"
"Ahmm. My friend." Boyfriend sana sasabihin ko kaso di naman kami eh. So sad.
"Sige, alis na ako may meeting pa ako sumaglit lang ako just to check on you. Bye, baby."
"Bye, Gani." sabi ko sabay wave sa paalis na si Gani.

BINABASA MO ANG
Accepting You
Short StoryPag mahal mo ang isang tao tanggapin mo ang lahat sa kanya. Kaya tanggap ko siya kahit... Bakla siya.