Chapter 3
Kristoffer's POV
"Pinalayas kasi ako samin."
"What? Bakit?" gulat na sabi ni Hailey.
"Nalaman kasi ni Daddy na...Bakla ako. Eh galit na galit yun sa mga bakla, kaya ayun. Tapos ngayon naghahanap ako ng part-time job."
"Meron akong alam pero di ko alam kung papayag ka."
"Sige, ano ba yun?"
"Tutor me."
"Hah. Bakit? Eh diba matalino ka naman."
"Wow. Ba't mo alam?"
"Ahm. Narinig ko lang sa isang kablock mo."
"Ahh. Tama ka matalino nga ako pero gusto kitang tulungan."
"Eh useless naman na itutor kita eh mas matalino ka pa nga yata sakin eh."
Parang biglang namula si Hailey.
"Hoy. Anyare sayo. Ba't ka namumula dyan."
"Eh kasi pinuri mo ako. Kinikilig ako hihihi." May papalo palo pa siya sa braso ko. Kinilig talaga siya dun para yun lang.
"Baliw."
"Kung ayaw mo ako itutor meron pa akong alam, tamang tama naghahanap sila ng part-time."
"San?" Nabuhayan naman ako ng loob.
"Sa coffee shop nila Tita."
"Omg. Salamat. Sige san ba yun? Mag-aapply na ako." Hay ang swerte ko pa din talaga.
"Sa ****** malapit sa ****** Hospital."
"Ah medyo malapit lang pala sa school."
"Oo, marami ngang tumatambay dun na kablockmates ko. Oh ba't ganyan pa rin mukha mo? May problerma ka pa?"
"Meron pa eh."
"Ano?"
"Wala pa kasi akong nahahanap na matitirhan."
"Hmm. Gusto mo sa bahay ka lang tumira?"
"Ano? Nakakakahiya." Hala nakakahiya naman yun.
"I insist. Okay lang talaga tska ako at yung mga maids lang ang nakatira ngayon sa bahay. Wala naman lagi sila Mommy at Daddy, lam mo na business trips."
"Pero-"
"Ano ka ba. Hindi naman tayo magtatabi pero kung gusto mo pwede rin naman."
"Baliw. Ayoko sana pero sige na nga." Tinanggap ko na din mapilit siya eh. Tsaka wala naman malisya.
"Yehey! Sa bahay ko na titira si Crush!"
"Hoy! Wag ka ngang sumigaw." Baliw talaga.
"Sorna naexcite lang si ako."
"Hailey, salamat talaga hah."
"Oo naman, basta ikaw."
Kumindat pa. Baliw talaga. Inirapan ko na lang siya. At simula nga ng araw ding yun kila Hailey na ako tumira.

BINABASA MO ANG
Accepting You
Cerita PendekPag mahal mo ang isang tao tanggapin mo ang lahat sa kanya. Kaya tanggap ko siya kahit... Bakla siya.