Chapter 6

45 1 0
                                    

Chapter 6

Lumipas ang mga araw mas lalong naging close sila Hailey at Kristoff sa isa't isa.

"Baby." tawag ni Hailey kay Kristoff.

"Oh?" sagot ni Kristoff.

"Uy. Di na siya nagrereklamo sa pagtawag ko ng baby." pang-aasar ni Hailey.

"Sanay na kasi ako sa kakulitan mo." sagot ni Kristoff.

"Makulit ba talaga ako?" nakapout na tanong ni Hailey.

"Sobra as in sobra." lalo namang nagpout si Hailey dahil sa sagot ni Kristoff.

"Malapit na ang graduation. Anong plano mo?" turan ni Hailey.

"Di ko pa alam eh. Ikaw ba anong plano mo?" sabi ni Kristoff.

"Uhm. Magmamasters ako tapos after magdodoctoral naman." sagot ni Hailey.

"Wow, kinareer mag-aral." mapang-asar na turan ni Kristoff.

"Syempre, ang sarap kayang mag-aral." nakangiting sabi ni Hailey.

"Pero bakit di mo pa alam? Eh malapit na ang graduation, weeks na lang oh." pahabol na sabi Hailey.

"Ewan, di ko pa talaga alam." sagot ni Kristoff.

"Hmmm sana bago maggraduation, malaman mo na." komento ni Hailey.

"Sana." pagsang-ayon ni Kristoff.

Ilang araw bago ang graduation, napagdesisyunan ni Kristoff na umalis kila Hailey. Nag-iwan na lang ito ng sulat.

"Salamat Hailey sa pagpapatuloy. Salamat sa lahat ng naitulong mo sakin. Sana makabawi ako sayo in the future."

Simula din ng araw na yun ay hindi na nagpakita pa si Kristoff kay Hailey. Hindi na pumasok si Kristoff. Ayos lang naman kasi wala na ding ginagawa sa school nila. Tapos na rin kasi ni Kristoff ang clearance nito.

Graduation Day...

Umuwi na ang parents ni Hailey para sa Graduation nito. Sayang ipapakilala pa naman sana ni Hailey sa parents niya si Kristoff kaso bigla na lang itong umalis. Nabasa din ni Hailey ang sulat na iniwan ni Kristoff bago ito umalis. Nalungkot ang dalaga lalo na simula nun ay di na nito nakita ang binata. 

Tapos na ang graduation. Summa Cum Laude si Hailey. Masaya naman si Hailey kaso mas masaya siguro ang dalaga kung nakita niya si Kristoff. Di rin kasi umaattend ng Graduation ang binata. Andito sila ng parents niya sa isang restaurant ng isang 5 star hotel. 

"Congratulations, baby." sabi ng Mommy ni Hailey.

"Were proud of you, baby." sabi naman ng Daddy ni Hailey. 

"Thank you Mommy. Thank you Daddy." nakangiting sagot ni Hailey.

"Baby, may sasabihin pala kami sayo." sabi ng Daddy ni Hailey.

"Ano po yun?" tanong ni Hailey.

"Anak, naalala mo ba yung sinabi mo samin dati na okay lang na iset up ka namin sa isang arrange marriage." sabi ng Daddy ni Hailey.

"Opo, bakit po?"tanong ni Hailey.

"Baby, napag-isipan kasi namin ng Daddy mo na ipakasal ka kay Isagani." sabi ng Mommy ni Hailey.

"Pero di ba pinsan ko si Gani." naguguluhang sabi ni Hailey.

"No baby, ampon lang si Isagani." sabi ng Mommy ni Hailey.

Di naman mag-sink in kay Hailey ang lahat ng sinabi ng kanyang mga magulang. Sa kabilang table naman ay may nakamasid at nakarinig ng kanilang napag-usapan.


Accepting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon