Chapter 7
Hailey's POV
Matapos ang graduation ay wala na talagang naging balita kay Kristoff. Para siyang nawala na parang bula. Nalaman ko din kay Tita na, nagquit na daw si Kristoff bago pa maggraduation. Pinuntahan ko naman siya sa bahay nila pero hindi na talaga siya dun nakatira. Asan na kaya siya? Bakit bigla na lang siyang nawala? May nagawa ba ako na ikinagalit niya? Sana sinabi niya kung san siya pupunta. Hays.
Summer ngayon. Ineenjoy ko na kasi pag nag-June na eh papasok na ako. Masters in Psychology syempre yung kukunin ko. Dun naman sa sinabi ni Mommy at Daddy. Di pa rin ako nagbibigay ng komento. Totoo naman kasi na sinabi ko dati sa kanila na okay lang sakin kung iset up nila ako for arrange marriage pero sinabi ko yun nung highschool pa ako. Grabe lang na naalala pa nila yun. Nakakagulat lang din talaga na di ko pala pinsan si Gani. Okay naman si Gani di ba at least kakilala ko na yung papakasalan ko pero pano si Kristoff. I mean walang kami pero gusto ko siya. Grabe din ang isang yun nawala talaga na parang bula. For now, engaged na kami ni Gani. Kagabi lang actually yung Engagement Party namin. After ko daw magdoktoral tsaka daw kami ikakasal. Marami pa akong time para mag-isip kung itutuloy ko pa tong kasal or hindi.
Isagani's POV
Matagal ko ng alam na ampon ako. 13 years old ako nung sinabi nila Mom and Dad sakin yung totoo. Nung una nalungkot ako pero narealize ko maswerte ako kasi kahit ganun mahal na mahal pa rin ako ng mga kumupkop sakin. 15 years old naman ako nung narealize ko na gusto ko si Hailey. Naisip ko na wala namang masama kasi di naman kami magkadugo. 3 years ang tanda ko sa kanya. Hindi naman malayo diba. Tapos simula nun pinapakita ko na special siya sakin. Di ko naman magawang magtapat kasi nahihiya ako. Kaya naman sobrang nagulat ako na si Hailey pala yung ipapakasal sakin nila Tita at Tito. Akala ko kasi anak ng bisiness partner nila. Masaya ako na siya ang papakasalan ko. Ang bait sakin nila Tita at Tito kasi sakin nila ipapamana yung kumpanya nila. Well, I gained their trust, pinaghirapan ko tong posisyon ko. Bale Vice President ako ng kumpanya ngayon. Next year, ako na daw ang president. Ang swerte ko talaga. Siguro marami akong nagawang kabutihan nung past life ko kaya sobra akong blessed ngayon. Masaya talaga ako sa mga nangyayari. Excited na ako sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Accepting You
Short StoryPag mahal mo ang isang tao tanggapin mo ang lahat sa kanya. Kaya tanggap ko siya kahit... Bakla siya.