Chapter 5

50 4 0
                                    

Chapter 5

Kristoff's POV

"Baby? Sino yun" bulong ko.

"Huh. May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko sino yung lalaki kanina."

"Ah si Gani ba, siya yung magmamana ng company namin."

"Bakit siya? Ba't hindi ikaw?"

"Kasi di naman ako interesado sa business. Mas gustong kong ipursue ang psychology."

"Ang swerte mo naman sa mga magulang mo, napakasupportive nila sayo."

"I know, kaya love na love ko sila."

"Sana all." Hay, ano na nga balita kay Mommy at sa mga kapatid ko. Di ko sila kinocontact dahil baka magalit si Daddy.

"Wait, baby san ka galing?"

"Ah nanggaling ako kila tita mo."

"Oh ano kumusta?"

"Yun tanggap na ako, pwede na daw ako magstart sa weekend."

"That's good."

"Oo nga eh. Salamat talaga hah."

"No problem, sabi ko naman sayo, basta ikaw."

"Di ko talaga alam kung pano makakabawi sa mga naitulong mo sakin."

"Pwede kang bumawi."

"Pano?" 

"Be mine." nakangiting sagot niya na nagpatigil sakin.

Natigilan man pero nakabawi din agad ako.

"Yun ang hindi pwede."

"Bakit naman baby?"

"Tinatawag mo akong baby pero may tumatawag din sayong baby." di ko alam ba't naiinis ako. 

"Wait si Gani ba? Eh pinsan ko lang yun. Ganun talaga ang tawag niya sakin. Sila Mommy at Daddy nga baby pa din tawag sakin hehehe. Ikaw hah selos ka noh?" nagseselos nga ba ako? Nope, hindi. Hindi pwede.

"Hin-Hindi ah." ba't ako nauutal ano ba yan.

"Oh ba't ka namumula, bistado ka na." sh*t namumula ba ako. Why?

"Hailey, tigilan mo nga ako."

Tumawa lang siya at inapunan ako ng mapangasar na ngiti. Nag-walk out na lang ako. Bahal siya dyan.

"Pikon!" narinig kong sigaw niya nung medyo nakalayo na ako.

Pero kahit sinabi niya na magpinsan sila, bakit feeling ko may mali. Hays guni-guni ko lang ata to. Ano bang nangyayari sakin? Ba't parang affected ako? Gutom lang to. Makakain nga.


Accepting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon