Prologue

23 1 0
                                    

"Are we clear?" The principal asked me after she discussed the Rules and Regulations.

"Yes po" Sagot ko at inayos ang bag ko tsaka isinukbit ito sa shoulder ko.

"Okay, Your room number is 204. Go upstairs then turn to your right. That's it." Masungit na sabi niya. Nagpaalam lang ako at lumabas ng office.

Hassle naman masiyado ang nilipatan namin na lugar. Kung bakit ba naman kasi dito ang trabaho ni Daddy eh! Pwede naman sa province nalang ulit. Wala naman akong ibang magawa kundi ang sumama sa kanirla or else maiiwan ako mag-isa.

Sinunod ko 'yung utos ng Principal. Marami akong nakakasalubong na estudyante na maaarte, 'yung iba naman ay tinitignan ako from head to toe at 'yung iba ay pinagbubulungan pa ako. Buti nalang nasanay ako na may ganiyang sa probinsiya namin.

"Excuse me, Is this room 204?" I asked a student when I entered the room. Sandali siyang natulala sa akin at dahan-dahan na tumango. Weird.

Umupo ako sa pinakadulo sa gitna. Siguro sobrang exclusive talaga nitong school, Akalain mo na nasa 15 chairs lang ang nasa loob ng classroom. 'Yung mga student naman kung hindi nagbabasa ng libro ay nagke-kuwentuhan. 'Yung iba ay nananatiling nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala na may bago silang kaklase.

"Dito ang room mo, Miss?" Tanong ng isang lalaki kaya umangat ang tingin ko sa kaniya. Tumango naman ako na may ngiti sa labi.

"Bakit?" Tanong niya ulit habang nakakunot-noo. Tumaas ang kilay ko sa tono ng boses niya.

"Excuse me?" I can't help myself not to raise my voice.

"I mean, bakit nandito ka? hindi ka ba naliligaw ng room na pinasukan?"

"Room 204 'to, 'di ba?" Tanong ko at ipinakita ang enrolment slip ko. Tinignan niya ang papel na ibinigay ko at ipinakita rin sa mga kaibigan niya.

"Pero bakit dito?" Tanong nung isa pang lalaki.

"Bakit? Ayaw niyo ba ako dito?"

"Hindi naman sa ganoon..... pero.... Nevermind" Sabi nung unang kausap ko at umalis na, sinundan naman siya ng mga kaibigan niya.

Ano bang problema nila kung nandito ako? Big deal? At bakit parang galit sila sa akin, eh wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll nalang sa social media ko. Some of my friends sent me a message that they already missed me. I missed them too! Habang nagi-scroll ako sa cellphone ko ay may pumasok na maiingay na mga babae, nasa 4 sila. Huminto sila nang makita ako sa upuan ko.

"Sino siya?" Tanong nung babaeng chinita sa lalaking nakausap ko kanina. May binulong ang lalaki doon sa babae na nagpa-curious sa akin. Halata ang gulat sa mukha ng babae matapos ang pakikipag-usap sa lalaki. Naglakad siya papalapit sa akin kaya pinatay ko ang cellphone ko, lumipad naman doon ang paningin niya.

"Hello?" Nag-aalangan na bati niya.

"Hi" I said and give her a small smile.

"Sabi sa akin ni Andrew na transferee ka at dito ang room.... mo?"

"Yup, may problema ba?" Tanong ko pero umiling lang siya at umalis na silang apat sa harap ko. 'Yung mga kaklase naman namin ay nag-iwas ng tingin sa akin at bumalik na sa kani-kanilang upuan. What the fuck is happening?

Binalewala ko muna ang gumugulo sa isipan ko at nag-focus sa teacher na papasok. Nagulat naman siya nang tumama sa akin ang paningin niya, gulat, tulad ng reaksiyon ng mga kaklase ko.

'Pagkatapos magpakilala ng teacher namin sa first subject ay bumaling ako sa katabi ko. Isang babae na nakasalamin pero makikita mo ang tinatago niyang kagandahan. Actually, lahat sila dito magaganda at well, uhm, gwapo rin ang boys?

Class SWhere stories live. Discover now