01

25 1 0
                                    


Hindi ko alam pero wala akong ganang pumasok ngayon. Dahil sa mga kaklase? Hindi. Schoolmate? Hindi. Teacher? Hindi. School system? Oo. Pero kung hindi ako papasok hindi mag-iiba ang kinagisnan ng mga estudyante doon.

"Mom, Anong meron sa school na pinasukan ko?" Tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng breakfast namin.

"Why? Hindi ba maganda doon? Puro mayayaman na tulad natin ang nag-aaral doon." Sabi niya na ikina-ikot ng mata ko.

"Did you just roll your eyes on me, Renice?"

"No mom, I roll my eyes for those students and teachers." Sabi ko at isinubo ang bread.

"Anong problema sa students at teachers doon?" Tanong ni Daddy.

"Eh kasi dad, kahapon ilang beses akong tinanong kung bakit ako nasa section S. Eh doon naman po talaga ang section ko. Tapos may clown doon na nambubully ng estudyante." Sabi ko. Bumulong ako ng, "Sayang tuloy 'yung isang towel na binigay ko doon."

"What did you do to the bully?" Tanong ni Dad at ibinagsak ang kubyertos. Uh-oh.

"Reynaldo" Awat ni Mom. Here we go again.

Noong nasa province kami, hobby ko na ang umaway ng bully. Ang sabi ni Dad kapag inaway ko ang bully, bully na rin daw ako. Ganoon ba 'yon? Hindi ba pwedeng niligtas ko lang ang binubully?

"Kausap ko po kasi 'yung kaklase ko and then bigla siyang binuhusan ng juice. And when I ask my classmate, ang sabi niya sanay na raw sila sa ganoon. And guess what? Anak ng may-ari ng school ang pasimuno sa pang-gaganon. Hindi naman ako makakapayag na nanonood lang ako ng ganoon at walang gagawin." Paliwanag ko sa parents ko.

"Renice, I know what you're trying to do. I also know that you know the differences between the right and wrong, okay? Don't go behind your limit." Paalala ni Dad. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ko pinagalitan. O hindi ko lang talaga nabanggit 'yung ginawa ko sa clown? hehe.

Pagkatapos ng breakfast ay umalis na rin ako. Hinahatid ako nila Mom tuwing papasok tapos ay susunduin ako ng driver kapag uwian na.

Ito nanaman tayo sa tinginan at bulungan sa paligid ko. Dapat na ba akong masanay sa ganito? Aga-aga mga nakatambay sa ground. Bakit hindi sila sa library dumiretso tutal maaga pa? Nasasayang ang tuition na binabayad nila. Perks of being rich.

Pagkapasok ko ng room ay wala pang gaanong tao at hindi rin nila ko pinapansin. Hays, I miss my friends! Gustuhin ko man makipag-kaibigan sa kanila pero sila na mismo ang naglalgay ng wall sa mga pagitan namin, How can I make a move?

"Hi? Ito na pala 'yung panyo mo. Actually, pinag-iisipan ko pa kung isasauli ko ito o hindi. Naalala ko kasi 'yung sinabi mo kay Kim kahapon." Sabi nung kaklase ko na binuhusan ng Juice kahapon. Kim pala ang pangalan ni Clown.

"Hello. uhm, Pwede bang kunin ko 'to? Baka kasi pagalitan ako ni Mommy kapag nabawasan pa ako ng panyo, nabawasan na nga ako ng towel." Natatawang sabi ko na ikinatawa niya rin.

"Thank you talaga kahapon ah? and ano.. Sorry rin sa mga nasabi ko. Ayoko lang na pati ikaw madamay, eh baguhan ka pa naman." Sabi niya. Ngumiti ako.

"Wala 'yon. At sanay na ako sa ganoon. May ganoon sa school namin pero hindi tulad kahapon, masiydong malala si clown ay este Kim." Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Friends?" Alok ko at inilahad ang kamay. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kamay ko.

"Sure ka ba?" Sabi niya na parang hindi makapaniwala.

"Oo naman." Sabi ko. Tinanggap niya naman ang kamay ko.

"Sherryl"

"Renice"

Class SWhere stories live. Discover now