"Good afternoon po" Bati ko sa mga nakaka-salubong ko na teacher sa faculty.
Ngayon kasi ang araw na pinapapunta ako ni Sir Renz para sa special seatwork ko. Hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa akin kung sino ang nagbigay nung notes. Si Rain ba?
Pagkatapos kasi no'n. Hindi na siya ulit namamansin kaya ganoon rin ako. Pero, siya kaya ang nagbigay sa akin ng papel?
Ang paa ko naman ay may pasa pa pero hindi na siya masakit kaya patuloy ko pa rin nilalagyan ng cold compress. Hindi ko alam kung tama ba na ipagpatuloy pa 'yon pero gumagaling naman ang injury ko kaya, tama siguro?
"Oh Ms. Sevilla" Bati ni Sir.
"Good afternoon po sir"
"Tapos na ba ang klase mo?"
"Yes po" Kapag friday pala kasi ay half-day lang. Pero kapag Monday to thursday 8AM to 5PM ang klase.
"Okay maupo ka muna diyan. May pupuntahan lang ako saglit." Paalam niya.
"Sige po" Sabi ko at umalis na siya. Inilibot ko ang mata ko sa cubicle niya.
Malaki ang faculty nila, siguro dalawang classroom namin. Sama-sama na ang lahat ng high school teacher dito. Mayroong mga teacher na busy sa paggawa ng lesson plan, 'Yung iba naman ay may kausap na students.
Para sa akin, ang pagiging guro ang isa sa mahirap na propesiyon. Imbis na magturo ka nalang ay kailangan mo ring bantayan ang estudyante mo. Na hindi lang dapat knowledge ang maibibigay mo sa kanila, pati na rin ang tamang pag-uugali. Pero mukhang nahihirapan sila dahil sa takbo ng utak ng mga estudyante dito.
Mababait naman ang mga estudyante dito, siguro nagagaya lang talaga nila si Kim sa katarantaduhan, to the point na hindi nila alam na nag-iiba na ang tingin sa kanila ng mga scholar.
"I'm sorry. Kailangan kasi ni Dr. Salazar 'yung mga papers" Panghihingi ng paumanhin ni Sir Renz nang makabalik siya. Ngumiti lang ako sa kaniya. Umupo na siya sa swivel chair niya at hinanap ang sasagutan ko.
"Here" Sabi niya at inabot sa akin ang white paper na may mga math problems.
"Naaral mo naman na siguro 'yan 'no? Or kailangan ko pang ituro?"
"Okay lang po. Gets ko naman" Sabi ko at binuksan ang bag ko para kunin ang ballpen at paper ko.
Sinimulan ko na ang pagsagot, si Sir naman ay may ginagawa sa laptop kaya hindi ako naiilang na sagutin ang questionnaire.
Nagpaiwan sina Janine sa classroom. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nila akong hintayin doon. Kaya minadali ko na rin ang pagsagot ko dahil gusto ko na umuwi.
"Sir? Tapos na po." Sabi ko at inabot sa kaniya ang papel ko.
"Okay. Ibabalik ko nalang ito sayo sa Monday." Sabi niya.
Sinimulan ko na ang pag-aayos ng gamit ko. Magpapaalam na sana ako pero inunahan niya akong magsalita.
"Can we talk for a minute?" Seryosong sabi ni Sir.
Ang guwapooooooooooo.Feeling ko namula ang mukha ko, "Tungkol saan po?"
"Simula kasi nang dumating ka, ikaw na ang nagi-stand out sa klase ko. Nape-perfect mo ang quiz and active ka sa recitation. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Naghahanda na ngayon ang Math department para sa Mathematics Month. Ang GS ay nagkakaroon ng contest simula grade school hanggang high school. And sa section niyo, ikaw ang napili ko na contestant dahil sa potential mo." Diretsong sabi ni Sir. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko.
YOU ARE READING
Class S
Teen FictionLumipat si Renice Sevilla sa isang paaralan na pang-mayaman o mas kilala bilang Gregorio School. Ngunit dahil karamihan sa lugar nila ay mayayaman, napunta siya sa section kung saan makakasama niya ang mga scholar, ang mga estudyanteng pinag-aaral m...