Kinabukasan ay late akong nagising kakanood ng Thai series. Nakakaadik naman kasi!
'Pag pasok ko ng gate ay wala ng mga estudyante na nakakalat sa ground. Late na talaga ako! Sana hindi pa nagi-start ang class.
Dali-dali akong umakyat ng hagdan at kung sinusuwerte nga naman, dala ng kantangahan ay hindi ko napansin ang isang step. Kaya imbis na maka-akyat ay nahulog pa ako. Napakagandang umaga talaga.
Umupo ako sa isang hagdan at hinilot saglit ang paa ko. Buti nalang at wala nang estudyante, kung hindi may makakakita sa akin.
"Ms. Sevilla, anong ginagawa mo diyan?" Napaayos ako ng upo nang may tumawag sa akin sa taas. Bumaba naman siya papunta sa akin.
"Nahulog po ako eh" Sabi ko habang chine-check kung nagkasugat ba ako.
"Okay ka lang ba? Kaya mong tumayo?" Tanong ni Sir Renz. Nakakahiya, Siya kasi ang first subject namin every wednesday. Late na nga ako, naaabala ko pa siya.
"Okay lang po Sir. Uhm, namumula lang po 'yung tuhod ko." Sabi ko kaya napatingin siya sa doon. Buti nalang at mataas ang socks namin, pero feeling ko may pasa na ako sa paa.
"Sandali, umupo ka lang diyan at tatawag ako ng kaklase mo para dahil ka sa clinic" Sabi niya pero tumayo ako.
"Hindi na po, okay lang po ako oh. Kaya ko pong tumayo" Sabi niya.
"Ms. Sevilla. Maupo ka diyan. Ako ang mapapagalitan sayo. Hintayin mo ang kaklase na tatawagin ko" Saway niya sa akin kaya bumalik ako sa pagkaka-upo. Si Sir naman ay umakyat na at pumasok sa room.
At sino naman ang magagalit? Para naman akong prinsesa na hindi pwedeng masaktan.
Sana 'wag niya na i-announce ang katangahan ko dito sa hagdan.
May narinig akong nag-'Tss' kaya tumingin ako sa taas. Si Classmate kong nagsabi na 'Baka wala kaming choice'. Eh sa hindi ko siya kilala eh. Ako lang kasi ang tranferee kaya hindi na nagpa-introduce yourself nung Monday.
"Ikaw... ang pinatawag ni Sir?" Tanong ko at sinubukang tumayo. Bumaba siya para kunin ang bag ko sa akin. Isinukbit niya 'yon sa likuran niya.
"Obvious ba? Lika na kailangan madala sa clinic 'yan" Sabi niya at hinawakan ako sa balikat at braso para alalayan.
Lumayo ako sa kaniya, "Hindi na, kaya kong maglakad"
"Ikaw bahala" Sabi niya at nauna nang bumaba since nandoon ang clinic. Hagdan nanaman!
Ramdam ko ang sakit ng binti at paa ko habang bumababa. Kung si Sherryl nalang sana ang tinawag ni Sir, baka nagpa-alalay talaga ako. Bakit ba naman itong si kuyang hindi ko kilala ang pinadala niya?
"Wala na bang ibibilis 'yan? Nagtuturo na si Sir sa itaas" Sabi niya. Nasa baba na kasi siya at nakasandal doon sa pader. Edi ikaw na ang hindi injured.
"Bumalik ka nalang doon, amina 'yang bag ko. Salamat nalang" Sabi ko.
"Tss. Ang lakas makipag-away, talo naman sa hagdan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Hindi ako nakikipag-away ah."
"Bilisan mo na diyan, kung nagpa-alalay ka sa akin eh 'di sana kanina ka pa nasa clinic at nakabalik na ako sa room."
"Like what I've said. You can go back to our classroom." Sabi ko at kinuha ang bag ko sa kaniya nang makababa na ako. Nagba-badiya nanaman ang luha sa mata ko.
Ang sakit na nga ng paa ko tapos ganoon pa ang sasabihin niya sa akin? Ngayong binibigyan ko siya ng choice siya naman itong ayaw bumalik doon sa taas.
YOU ARE READING
Class S
Teen FictionLumipat si Renice Sevilla sa isang paaralan na pang-mayaman o mas kilala bilang Gregorio School. Ngunit dahil karamihan sa lugar nila ay mayayaman, napunta siya sa section kung saan makakasama niya ang mga scholar, ang mga estudyanteng pinag-aaral m...