05

16 0 0
                                    

"Good morning po, Sir Renz. Nandito na po ba si Miss Feli?" Tanong ko kay Sir Renz na busy sa kaniyang laptop. Umangat ang tingin niya sa akin at ngumiti.

"Wala pa. You can wait here" Alok niya.

"Thank you po" Umupo muna ako sa upuan na inalok sa akin ng guro. Bumalik na si Sir sa ginagawa niya.

Noong sabado bago maghapunan ay umuwi na rin ako. Maraming kapitbahay nila ang iniimbitahan ako na bumalik doon pero naisip ko na bago magpasko ay babalik ako doon para mamigay ng kaunting regalo, Marami rin akong mga damit sa bahay na maliit na sa akin at hindi na nagagamit kaya naisipan ko na ibigay sa kanila. Pero hindi ko pinaalam sa mga kaibigan ko ang ideyang iyon.

Ilang minuto pa akong naghintay at nakita ko na si Miss Feli na papalapit sa kaniyang table. Hinayaan ko muna siyang mag-ayos ng gamit. Nagpasalamat na rin ako kay Sir dahil hinayaan niya na maghintay ako doon.

"Good morning Miss" Bati ko.

"Magandang umaga rin, maupo ka muna" Sinunod ko ang utos niya.

"Kamusta ka naman sa section S?" Paninimula niya.

Ngumiti ako, "Okay po. Masaya at kahit papaano po ay may kaibigan na ako."

"Mabuti naman kung ganoon" Sabi niya habang naglalagay ng blush on.

"Uhm, Miss, bakit niyo po pala ako pinatawag?" Curious kong tanong. Napatigil siya sa ginagawa niya at humarap ulit sa akin.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, "Hindi ka ba nagtataka kung bakit nasa section ka nila?"

"Nagtataka po pero ang sabi po ni Dr. Salazar na wala na daw po kasing slot sa ibang section."

"At naniwala ka naman?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot.

Nasa itsura ba ni Dr. Salazar ang pagiging sinungaling?

"Hindi mo ba gusto na mapasama ka sa mga katulad mo?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Na ni minsan ba ay hindi mo naisip na bakit ka nasa section S gayong hindi naman ganoon ang estado ng buhay mo. Hindi ba sumagi sa isipan mo na gumawa ng paraan para makasama mo ang nasa ibang section?" Umiling ako.

"Kung ako po ang tatanungin, mas gugustuhin kong manatili kung nasaan man ako ngayon. At kung gagawa man po ako ng paraan ayun ay ang magkaroon ng diskriminasyon sa paaralan na 'to"

Natahimik si Miss. I don't want to sound rude pero nag-iinit ang dugo ko kapag naaalala ang dinaranas nila Sherryl dito.

Huminga siya ng malalim, "Okay. I understand you. I'll help you."

"Po? Paano po?"

"Read your Student handbook" Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Uhh... okay po. Pasok na po ako. Thank you po" Sabi ko at lumabas na sa faculty room. Anong gagawin ko sa Student handbook?

Pagkarating ko sa classroom ay nandoon na ang mga kaibigan ko, Kumaway lang sa akin sila Janine since hindi naman kami magkakatabi.

"Bakit late ka ata?" Bungad ni Sherryl.

"Kinausap ko lang si Miss Feli" Tumango-tango siya at nagfocus na sa sinusulat sa notebook niya. Naupo na ko at nilabas ang notebook ko para sa first subject. Tulad pa rin ng dati, tinitignan ako palagi ng teachers except kay Miss Feli at Sir Renz. Sila lang naman kasi ang mabait na teacher para sa akin, well kasi sila palang ang nakakausap ko sa labas ng classroom.

Nang maglunch break ay sabay-sabay kaming kumain, this time ay kasabay na namin si Rain. Nagbabaon rin siya. Pero dahil wala akong baon ngayon kailangan kong bumaba sa canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Class SWhere stories live. Discover now