To: Sherryl, Jay, Joy, Janine, Albert, Yael, France, Rain
See you tomorrow guys!! Maaga aalis sila Mom for work, Can I go there at 10AM? ^.^
Binitawan ko ang cellphone ko at pumasok sa CR para mag-half bath. Pagkatapos ay nagsuot ako ng pajama at nagpatuyo ng buhok.
After dinner ay puro paalala sila Daddy na kesyo mag-update daw ako sa kanila from time to time. Always bring Kuya Roger with me. No alcohol. Curfew at 6PM.
Sobrang excited na ako! Bago matulog ay inilagay ko muna sa maliit na backpack ko ang mga dadalhin ko para bukas. I also bring my film camera. Sayang at wala dito si Susan.
Speaking of Susan, Ang last usap namin ay matagal na. Feeling ko busy rin siya sa acads. Gusto kasi ng parents niya na i-maintain ang pagiging honor student kaya ang ending, kayod talaga siya sa kaka-aral. Sila Mom naman, Basta daw ay tigilan ko ang pakikipag-away sa mga bully at makapagtapos ako sa pag-aaral ay masaya na sila. Pero kahit ganoon ang sabihin nila ay iinaayos ko pa rin ang grades ko medyo pumapalya lang doon sa 'wag makipag-away. Nag-iinit ang dugo ko sa kanila eh.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Bumaba muna ako sa kusina at nakakita ako ng sticky note na nakadikit sa ref.
'Yung mga paalala namin kagabi, Renice. Kung gusto mo makaulit sumunod ka. Make sure na walang nakasaksak na appliances sa kwarto mo kapag umalis ka, I sent extra money on your account. Be a good girl <3
Lumawak naman ang ngiti ko tsaka binuksan ang ref para kunin ang fresh milk. Umupo ako sa dinning table at kumain ng cereal. Habang kumakain ay nagche-check ako sa phone ko kung anong pwedeng bilhin sa online shop. Natigil ako sa ginagawa nang magtext si Janine.
From: Janine
Good morning girl, magdadala ka ba ng kotse mo mamaya? Hanapan ka namin kung saan pwede magpark kaso medyo malayo sa amin.
To: Janine
Yes please. Okay lang naman maglakad. See you later.
Sinend niya sa akin ang address kung saan ako magpa-park at magtext daw ako sa kaniya kapag malapit na kami sa Macapagal. Binilisan ko na ang pagkain ko para makakilos na.
I wore high waisted pants, oversized shirt at rubber shoes. Mas maganda kung kumportable ako sa suot ko at tsaka hindi naman mall ang pupuntahan ko or what.
"Good morning Kuya, Sa Macapagal po tayo. Ito po 'yung address" Sabi ko pagkapasok ko ng Van. 'Yung civic kasi ang dala nila Daddy sa office.
"Dito po tayo pupunta, Ma'am? Malapit lang po ito sa bahay namin eh" Sabi ni Kuya habang nagda-drive.
"Talaga po? Gusto mo pa ba umuwi pagdating natin doon? Kasama ko naman po 'yung mga kaibigan ko." Sabi ko sa kaniya at itinigil ang pagce-cellphone.
"Ay hindi na po, Kabilin-bilinan po ni Sir Reynaldo na bantayan po kita kahit saan ka po magpunta."
"Eh sabi mo po doon lang ang bahay niyo. Hindi naman ako aalis doon and you have my number, call me immediately kapag tumawag si Daddy sayo." Nakangiting sabi ko.
"Hindi na po. Baka mayari pa po ako"
"Hay nako kuya, Ikaw din. Sayang ang chance, baka hinihintay ka na ng asawa mo." Pangongonsensiya ko sa kaniya.
Hindi siya umimik at ngumiti nalang sa akin. Alam ko naman na gusto niyang umuwi. Stay in kasi siya sa bahay dahil kapag wala akong kasama ay siya ang nandoon. Ilang weeks ko palang siyang nakikilala pero parang nakakatandang kapatid ko na siya. Ni minsan ay hindi ko siya nakusap tungkol sa pamilya niya pero isang beses ay narinig ko na mayroon silang problema sa bahay na tinitirahan nila.
YOU ARE READING
Class S
Teen FictionLumipat si Renice Sevilla sa isang paaralan na pang-mayaman o mas kilala bilang Gregorio School. Ngunit dahil karamihan sa lugar nila ay mayayaman, napunta siya sa section kung saan makakasama niya ang mga scholar, ang mga estudyanteng pinag-aaral m...