Part 10: Double Date Pt. 2

213 12 0
                                    


Scarlet's P.O.V.

Naghihintay lang kami ni Tiffany dito sa arcade kasi ang mga boys na daw ang bibili ng mga token.

Sinabihan ko nga siya na sana habang naghihintay siya dito saamin ay bumili na sana siya.

Then she will just shrugged it off.

Nakita ko na sila Gab naglalakad saamin. Kaya sinalubong ko na sila.

Sumunod naman si Tiffany saakin.

"wow! Ang dami niyo namang binili!" natatawang sambit ko.

Pano naman kasi isang supot ng tokens ang binili nila.

"para maraming ticket at para makabili tayo ng prizes dun ohh" turo ni Gab sa claw machines.

"dun muna tayo sa basketball" turo ko dun sa mga machine na magsho-shoot ka ng bola sa ring.

Sumunod naman sila.

Tatlong machines lang ang available kasi yung iba ay ginagamit.

"uhhmm i'll stay here nalang hindi din naman ako maruning magbasketball" maarteng sabi ni Tiffany.

Pumuwesto ako sa gitna. Kumuha ako ng token sa bag ni Gab at inilagay iyon sa may hole kung saan dito ilalagay ang token.

Tumunog ang machines ng mga katabi ko pati narin saakin.

Nagsimula ng gumulong ang mga bola papunta saakin.

Agad naman akong kumuha ng mga bola at ipinag-sho-shoot ito sa ring.

Unti lang ang mga bolang hindi ko napasok karamihan ay nashoo-shoot ko pasok sa ring.

Namatay na ulit ang machine kaya tinignan ko na ang score ko kung ilan ang nashoot.

241

Wow ang dami naman pala!

Nakita ko na ang daming ticket na lumabas sa machine.

Napasigaw ako ng "yes!" kaya nabaling saakin ang dalawang kasama ko.

"nice!" sabi ni Gab tinignan ko naman kung ano ang kanyang score.

158

May ticket din na lumabas sa machine niya. Tinignan ko rin ang kay Alexander.

354

"wow! Dami naman!" sigaw ko sakanya. Kailangan ko kasing sumigaw kasi maingay dito sa Arcade.

Mayabang naman siyang tumango. May humila sa kamay niya at dinala siya sa claw machine.

Nagkatinginan kami si Gab at kinuha sa machines ang mga ticket namin.

Nakita namin si Alexander na iti-natry ang claw machine pero hindi naman niya makuha ang mga prizes sa loob.

Naalala ko tuloy iyong 10 years old ako ay nasa claw machines ang mga bomba at kailangan mo iyong makuha bago sumabog.

Nagtagumpay naman ako nai-defuse ko naman.

Kaya lumapit ako kay Gab at bumulong.

"go to the next claw machine, pull the lever left and right 4 times then claw it" bulong ko.

Iyon ang trategy na ginamit ko noon.

Tumingin naman siya saakin kaya tumango ako.

"is this the way you say that you like me to claw a stuff toy for you?" natatawang sambit niya.

Inirapan ko naman siya.

Natawa naman siya. "sige na nga" sabi niya at pumunta sa haparan ni Alexander para magkatapat sila.

Mafia In DisguiseWhere stories live. Discover now