Prologue

329 15 3
                                    

Please read the story description first ^_^

🌕

March 2010

Fred's POV

"Let's take a break, dad. You seem stressed out. Good thing its summer vacation already." Sabi ni mommy habang nag uusap sila ni daddy dito sa sala while massaging his back. I'm on my gameboy with my ten year old brother.

"Hay. Grabe naman kasi yung drop ng sales. Hindi ko akalain. Eh saan naman tayo pupunta this time?"

"Somewhere malapit lang para anytime you want to get back to work its just an hour away or so. Does Boracay sound a bit too common na?"

"Hmmm" dad smiled.
"No. I know you love that place."
He added.

Niyakap ni mom si dad at hinalikan.

"Yes. Ok. Boracay it is." Dad said.

"Yes!!! Ok I will book our flight for next week!" Excited na sabi ni mommy.

Well doon lang naman kasi sila ikinasal. Kaya gustong gusto ni mommy ang lugar na yun. It is special daw for her. And lagi na lang kasi kami nag babakasyon lately sa land at ibang bansa. Last time was in Finland at walang dagat doon. Ang ganda tingnan how althroughout these years, my parents are still so in love with each other. It inspires me to find that girl soon in the near future. I want a love lile that -something that lasts. But I am scared too. Sila din kasi ang rason kung bakit ayaw ko pa mag girlfriend.

We live here in Talisay, Cebu. My dad owns the biggest herbal and therepeutic  oil company sa bansa. So practically, ang mga nakikita niyo sa pharmacy at grocery na mga oils ay kami ang mga nag su-supply ng mga yan. Bata pa lang ako, na established na ni dad ang company niya. I am so proud of him and I always look up to him. I have an older sister and a younger brother. Kaka graduate ko lang ng high school and just turned 17 last week. And yes, I am ready for this vacation. I needed this.

Lagi na lang kasi school, mall, at house ang routine ko. My friends are invited naman sa bahay if gusto nilang tumambay but dad also has strict rules for us to live by. Especially, sa lovelife. Lalo na sa ate ko noon. Growing up, I saw how ate kept mum about his suitors but then nahuhuli din siya and she faced some consequences. Buti na lang sila pa rin ng lalaking sinagot niya noong college siya and he is doing his best to save. Ayaw kasi ng dad na "hindi financially stable" ang magiging asawa ng ate ko. Naiintindihan ko rin naman si dad syempre prinsesa ni dad si ate. Pinaghirapan niya ang kumpanya at ang pera niya kaya may right naman si dad na mangialam sa buhay namin.

Kahit anak ako ni Francis Castillo at may mamanahin man ako, nakakatakot pa rin para sa akin na humawak ng malaking pera. Kaya ito ang rason na hindi pa ako nanliligaw eh. Yung mga barkada ko may mga girlfriend na. Natatakot kasi ako na baka hindi naman ako ang habol nila eh. Hindi naman sa nagmamalaki o nagmamayabang. Pero may possibility diba? Na baka pera ko lang habol nila at hindi pagmahal ko. Kilala na kasi ako ng mga estudyante sa school. Pero gusto ko talaga yung babaeng mamahalin ako na bilang ako lang at wala ng ibang rason.

Bata pa rin naman ako. Marami pang oras. Hindi ko na muna iisipin yun.

Jackie's POV

"Awwww! Ouch!!! Waaaaa!!!!"

"Jacqueline!" Sigaw ng mommy.

"Diba sabi ko sayo samahan mo muna si Jamielyn sa banyo?! O ayan nadapa tuloy!"

"Sorry mi kasi naman tumatawag pa tong teacher ko eh may final requirement pa daw kami sa clearance. Saglit po! Ah hello sir? Yes po. Opo..."

"Nako Jamie next time wait for ate Jackie ha?"

"Ok mom"

"Jamie....bakit ka ba pumunta sa CR mag isa? Don't do that again, ok?" Taranta kong sabi after I end the phonecall with my teacher.

"Yes ate. I'm sorry." Sabi ng apat na taon kong kapatid.

"Oh ano na namang requirement ang pinapagawa sa inyo?" Tanong niya habang tinatapos ang niluluto nito

"Group performance daw po mi. Bukas babalik kami sa school."

"Ah ok. Oh dad dali breakfast na para ma abutan natin yung kliyente natin from davao."

"Ok mi. Hi baby Jamie pa kiss nga si daddy."

"Eh ako?"

"Nako nagtatampo ang baby Jackie eto kiss din si dad."

We had our usual family breakfast but then, since wala ng pasok eh mas marami akong time with my baby sister ngayon. May helpers din nan kami dito sa bahay pero mas gusto ko na ako ang nag aalaga sa kapaptid ko.

My parents established a furniture company here in Makati hanggang sa lumago ito. Pero never nila akong pinalaki na spoiled. Thay taught me to handle my money well. And only my close friends know na may business kami. Hindi kasi ako komportable na sabihin sa iba.

Pag balik nila sa bahay ay napakasaya nilang dalawa.

"Oh anong meron?"

"Nako anak mag empake ka na kasi next week pupunta tayo ng...Boracay!" Sabi ni mommy.

"Really?!"

"Yes nak na close namin ang deal sa isang resort sa Davao! Let us celebrate na lang din because you graduated as first honorable mention!" Sabi naman ni dad as he kissed my head

"Yey! Jamie did you hear that? Mag si swim tayo sa beach!"

"Yehey!" Kinarga ko ito at sinayaw

Syempre excited ako. Puro pag aaral lang kasi inatupag ko. My parents are very supportive of me kahit busy sila. I can't wait for this vacation!

🌕

Under the Same Moon [Book#1:Under The Same Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon