Sa kalangitan siya'y ating makikita,
Kumikislap sa maliliit na patak ng kahalumigmigan sa atmospera;
Hatid ay aliw sa mata at ngiti sa puso,
Sa anyong pa-arko, pitong kulay ang bumubuo.PULA, kulay ng dugong sa atin ay nanalaytay,
Kumpyansa't pag-ibig na alay,
Pagmamahal na buong pusong binigay,
Kakatawan sa mesteryosong agos ng buhay.KAHEL, pinaghalong kulay pula at dilaw,
Matingkad at sa mata'y tunay na nakakasilaw,
Dala ay nutrisyon at sangkatutak na ligaya,
Sa pusong napopoot at nagluluksa.DILAW, liwanag sa madilim na landas,
Kasiyahang Hatid ay di makakaalpas,
Enerhiyang magpapalakas sa ating pangangatawan,
Dulot ay ginhawa at magandang kalusugan.BERDE, kulay ng luntiang kapaligiran,
Simbolo ng pera na hangad ng karamihan;
Pag-asa sa buhay ng tao'y hatid,
Pag-aruga sa kalikasa'y hindi mabatid.ASUL, kulay ng dagat at kalangitan,
Simbolo ng katiwasayan at kapayapaan;
Lamig sa relasyon ay isa pang pagpapakahulugan,
Sa dalawang taong kulang sa pagkakaintidihan.ANYIL, mas kilala sa tawag na Indigo,
Pangalawa sa huli na may malalim na simbolismo;
Pinaghalo-halong emosyon at pangyayari,
Minsa'y totoo, kadalasa'y pagkukunwari.LILA, simbolismo ng pagkilala sa sarili at espiritwalidad,
Pag-iingat at pagpapahalaga sa ating Dignidad;
Pagpapasalamat at paghingi ng Tawad,
Sa mga bagay na tanging Diyos ang may gawad.A/N: A person's life is like a rainbow. Different colors, different feeling and different situations.
"Walong kulay na magkakaiba ngunit gandang hindi inakala kapag pinag-kaisa"
YOU ARE READING
A Kind of Big Firecrackers
ŞiirA compilation of my written poems. Have a shot reading some of it. Thank you.