Chapter 5

3 1 0
                                    

"Why don't you ask them?" tanong niya

"They won't say anything about it,"

"Wait," sabi niya bago may kalikutin sa telepono niya

"Hello? Yes, speaking. I'm available. Plus three? Yes, thank you," sabi niya bago ibalik sa bulsa ang telepono

"You're going with me," napatingin ako sakanya nang sabihin niya iyon

Tinaasan ko siya ng kilay.

Sa dalawang buwan na magkasama kami nasanay na kami na ganto ang trato sa isa't isa. Sanay na kaming nag aasaran at kung umakto ay parang magka level lang.

"I have a business trip," panimula niya

"You," turo ko sakanya. "Not me," natawa ako.

"Yeah? But they said that I can bring three persons with me,"

"And?"

"I'll bring Case, Daniel, and..." lumapit siya sa akin. "...you," mahinang sabi niya bago lumayo sakin.

Napapikit ako dahil sumakit nanaman ang ulo ko.

"No matter where I go, I will always bring Case, Daniel and..." lumapit siya. "...you" sabi niya bago guluhin ang buhok ko sa eksena na naisip ko bigla.

"Hindi ba busy sila Case? At tsaka bakit kasama ako?" kunot noong tanong ko nang mabalik sa realidad.

"Case and Daniel can always make time," kaswal na sagot niya

"At bakit nga kasama ako?" iritadong tanong ko. Sanay na rin si LV sa ugali kong ganto.

"Just because," he said before winking at me.

Umiling na lang ako at bumalik sa trabaho.

From: LV

The business trip is in three days. Bring clothes for five days.

Napasabunot ako sa ulo ko nang mabasa ang text ni LV, pagkauwi ko. Sanay naman ako mag impake pero sadyang wala lang ako sa kundisyon.

Ok lang yan Charm, atleast makakatakas ka muna dito.

"Business trip? Kelan?" sunod sunod na tanong ni Andie nang ikwento ko ito sakanya habang nag aalmusal. Pareho kaming walang pasok ngayon.

Pumayag si LV na hindi ako pumasok para daw makapag impake ako.

"Sa isang araw,"

"Sa isang araw? Bakit ang bilis naman? Saka sinong kasama mo?"

"Mga head ng department," pagsisinungaling ko

"Hindi kasama si Primo?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Head nga lang ng department diba? Head naman ng kumpanya yun eh," sarkastikong sagot ko

Inirapan niya lang ako.

"Sarado ba ang kumpanya mo ngayon? Bakit ka nag-aaya pumunta sa mall?" tanong ko nang sagutin ang tawag ni LV dalawang araw bago kami umalis para sa business trip.

[The company can run on its own, hindi naman kailangan na lagi akong nandun] tumawa siya

"Kung hindi ka papasok sa opisina, ako kailangan."

[Pero mas kailangan mong sumunod sa utos ng CEO mo, at ang sabi ko samahan mo kami nila Case sa mall.]

Napapikit ako bago tumayo ng ayos.

"Sige, text mo na lang sakin kung saang mall," sabi ko bago ibaba ang linya

Pagkatapos kong magbihis dumiretso na ako sa sasakyan para pumunta sa mall na itinext sa akin ni LV. Mabuti na lang at nasa kwarto si Andie kaya nakaalis ka agad ako.

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon