Chapter 8

4 1 0
                                    

"Pupunta ngayon si Mal," sabi ni LV pagkatapos namin mag meryenda sa cafeteria. Kakabalik lang namin dito sa opisina niya.

"Kapatid mo?"

"Oo, hindi niya ako tinigilan kagabi. Masyado kasi silang close ni Meghan kaya ganon," paliwanag niya

"Naiintindihan ko," sabi ko bago bumalik sa trabaho.

"Ate Meghan!!" napatingin ako sa kapatid ni LV pagdating niya sa loob ng opisina.

Ngumiti ako sakanya.

"Are you done na?" tanong niya sa amin ni LV.

"Why?" si LV.

"I want to eat with ate Meghan, catch up,"

"Tapos na ako," sabi ko bago isara ang laptop ko.

"I'm going with you," napalingon kami kay LV nang bigla itong magsalita.

"What? Why?" tanong ng kapatid niya

"Ah oo nga pala, you're hashtag jowa goals pala," sagot ni Mal sa sarili niyang tanong.

Napatingin ako kay LV nang bigla itong tumawa.

Nagkibit-balikat lang siya bago kunin ang gamit niya.

"So ate Meghan, kailan ka pa nakabalik?" tanong niya nang maiserve ang pagkain

"Six months ago," sagot ko

"Why did you leave ba? Did you get treated sa US?" sunod-sunod na tanong niya dahilan para tingnan ko si LV

"Mal, kain muna. Mamaya mo na kulitin si 'Meghan',"

Pagkatapos naming kumain ay tumunog ang cellphone ko umalis muna ako sa may table para sagutin ang tawag.

[Nasaan ka?] bungad na tanong ni Andie sa linya

"Nasa resto, kumakain. Bakit?"

[Text mo yung address,] sabi niya bago ibaba ang linya

Sinend ko sakanya ang address. Wala naman na akong pakialam kung makita nila ako na kasama sila LV dahil hinihintay ko na lang naman na bumalik ang alaala ko.

"What did you do nga sa —" naputol ang pagtatanong ni Mal nang bigla nanamang mag ring ang telepono ko.

Kumunot ang noo ko nang mabasa kung sino ang caller.

Agad kong dinecline ang tawag.

"Bakit di mo sinagot?" tanong ni LV

"Unknown number eh," pagsisinungaling ko.

"Ano nga uli yung sinasabi mo Mal?" pag-iiba ko ng usapan.

"Charmaine Abigail!" napalingon ako nang may marinig na pamilyar na boses.

"Kuya?" tanong ko habang papalapit sa akin ang kapatid ko na may galit sa mga mata niya.

"Kuya?" tanong rin ni LV

"Halika na," sabi ni kuya bago ako hilahin.

"Morgan," tawag sakanya ni LV.

Humarap sakanya si kuya at dinuro siya.

"Tangina mo Primo, wag ka makialam," sabi niya bago ako tuluyang hilahin palabas ng resto at isakay sa kotse niya.

"Kuya, may sasakyan ako," mahinang sabi ko

"I don't give a fuck about your stupid car," sabi niya bago apakan ang silinyador dahilan para bumilis ng sobra ang sasakyan.

"Kuya ano bang problema mo?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makarating kami sa loob ng bahay.

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon