Chapter 10

4 1 0
                                    

"Padating na si boss," rinig kong sabi ni Josh sa tauhan niya pagkatapos kaming itali.

Tinupad naman niya ang sinabi niya, wala siyang ginalaw sa amin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niya pa kaming dalhin dito.

Napatingin silang lahat sa akin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Lumapit sa akin ang isang tauhan at kinuha iyon sa bulsa ko.

Pinatay niya ang cellphone ko at tinapon ito kung saan.

"Kung sinasabi mo lang ang kailangan ninyo, tapos na sana ang usapan," napapikit ako nang biglang magsalita ang kuya ko.

Tiningnan siya ni Josh bago lapitan. Hinawakan niya ang baba ni kuya para tumingin ito sakanya.

"Paano kung sabihin ko na buhay ninyo ang kailangan ko? Ibibigay mo ba? Ha? Bobo ka pala eh," sabi niya bago hayaan ng sampal si kuya

"Wala sa usapan natin yan Josh," saad ko dahilan para hindi niya ituloy ang sampal niya.

Yumuko na lang ako sa sobrang inis dahil alam kong wala akong magagawa.

"Meg," napatingin ako kay Primo nang bigla itong magsalita.

"Ok ka lang?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Masakit yung sugat mo?" mahinang tanong ko

"Kaya lang,"

Pumikit ako para mag-isip ng plano kung paano kami makakalabas dito. Masyaadong kumplikado ang sitwasyon dahil kapag gumalaw kami ni Primo ay si kuya ang pupuntiryahin nila.

"Andie?" agad kong iminulat ang mata ko nang marinig ang boses ng kapatid ko.

Nasa harap ko ngayon ang isang babae na nakasuot ng itim na damit, ang pinsan ko.

"Ako nga, nagulat ba kayo?" sagot ni Andie bago tanggalin ang shades niya

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko kahit mukhang nakukuha ko na kung bakit siya nandito.

"Hindi mo pa ba gets Meghan?" natatawang tanong niya

"Tutal, hindi na rin naman kayo makakalabas ng buhay dito. Sasabihin ko na ang totoo. Ako ang may gawa nito lahat," panimula niya

"Simula sa pag kontra nila tita sainyo ni Primo, sa pagkabugbog ni Primo sa parking lot..." lumapit siya sa akin. "...at sa pagkabangga mo," sabi niya bago ako sampalin

"Hayop ka!" sigaw ni Primo.

"Oh nakalimutan ko pala," umakto pa siya na parang nagulat. "Ako rin ang bumaril sa lolo mo at ako ang dahilan kung bakit namatay ang daddy mo. Car accident diba? Sorry love, nakikialam kasi kayo sa plano ko eh," dagdag pa niya

"Bakit mo ba to ginagawa Andie?" tanong ko

"Kasalanan mo kung bakit ko to ginagawa. Inagaw mo sa akin si Primo,"

"Putangina mo," nang gigigil na sabi ni Primo.

"Putangina ko talaga," natawa pa siya. "Kung hindi ako iniwan ng nanay ko sa pamilya nila Meghan hindi naman ako magkakaganito. Walang nagmamahal sa akin Primo, inakala ko na ikaw yun pero pinili mo ang pinsan ko," walang alinlangan na pag amin niya

"Ano Meghan? Speechless ka ba?" ngumisi siya.

"Kung hindi ko lang iniisip si kuya, kanina ka pa nag-hihingalo dyan,"

"Talaga?" tila namamanghang sabi niya

"Pakawalan niyo sila Primo at Morgan, itira niyo si Meghan," utos niya sa kila Josh.

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon