Chapter 6

4 1 0
                                    

"Ah," napasabunot ako sa buhok ko nang bigla nanaman itong sumakit matapos titigan ang bakanteng lote.

"Dito natin itatayo ang bahay mo, at ako ang magdedesign nun. Dapat maging architect na ako," sabi ko sa eksena sa utak ko

"Bahay natin," LV corrected.

"Anong nangyari?" tanong ni LV.

Umiling lang ako bilang sagot.

Bakit ganito LV? Ano bang gusto mong iparating sa akin?

"Bakit andito ka na?" tanong ni Andie nang makita ako sa bahay

"Pagod ako," sagot ko bago dumiretso sa kwarto.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na rin uli nagsalita si LV at inihatid ako kung saan nakapark ang sasakyan ko.

Gulong-gulo pa rin ako. Ano ba talagang nangyayari?

"Hindi ako aalis Primo," sabi ko sa telepono

[Kaya pa ba natin to?] tanong ng boses ni Primo

"Kakayanin," sabi ko bago ibaba ang telepono para i-text siya na pupunta ako sakanya bukas.

Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko.

From: Primo

Wala na si Lolo, gunshot....

Napabalikwas ako nang mabasa ang text ni Primo.

Dali-dali akong nagbihis para puntahan si Primo.

"Saan ka pupunta?" napalingon ako kay Dad nang magsalita siya habang palabas ako ng pinto.

"Dad, kailangan ako ni Primo," lumuluhang sabi ko.

"Hindi ka aalis," nagsimulang maglakad papalapit sa akin ang tatay ko

Naagaw ni Andie ang paningin ko nang bigla siyang sumulpot galing sa kwarto sa baba. Tiningnan niya ako bago umupo sa sahig at itapon sa akin ang susi ng pinto.

Agad ko itong sinalo at binuksan ang pinto bago man lang makalapit si Dad.

"Hello Primo? Papunta na ako dyan," sabi ko habang tumatakbo palayo ng bahay. Hindi ko nakuha ang susi ng sasakyan ko sa sobrang pagmamadali.

[Pano ka nakalabas? Naka sasakyan ka ba? Umuulan]

"Mamaya na, tatawid ako," sabi ko bago ibaba ang tawag.

"Anak!" napalingon ako nang sumigaw si mommy pero huli na ang lahat. Bago ko man lang makita ang nanay ko ay nasilaw na ako sa ilaw ng sasakyan.

"Mommy!" sigaw ko bago hawakan ang dibdib ko.

Panaginip lang pala, pero bakit parang totoo?

Agad akong dumiretso sa baba para kumuha ng tubig.

"Andie," tawag ko sa pinsan ko

"Oh?" tanong niya habang nakatingin sa laptop niya

"Paano nga ako nagka amnesia?"

Kumunot ang noo niya bago tumingin sa akin.

"Bakit mo naman naitanong?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Diba nga nauntog ka sa bahay sa US?" sarkastikong sagot niya.

"Saan ka nanaman pupunta? Akala ko off mo pa ngayon dahil hindi natuloy yung business trip? Gabi na ah," tanong niya nang pagbaba ko uli ay bihis na ako

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon