Chapter 2

6 1 0
                                    

Tango lang ang isinagot sa akin ni Sir LV.

"Hindi naman po yata pwede yun sir," sabi ko

"Why? I'm the owner of this company and I don't see anything wrong with that," kalmadong sagot niya

"Kung gagawin niyo po yun sir lalo lang silang magagalit,"

"Sa tingin mo ba hindi pa galit sayo ang mga yun?" natatawang sabi niya

"Tomorrow," panimula niya. "I will transfer your office here," dagdag niya na nakapagpa kunot ng noo ko

"H-here?" di makapaniwalang tanong ko.

"Yes. You will also eat with me and mostly, do everything with me," dagdag pa niya.

"Pakiulit nga po,"

"I'm just making sure so that your asthma won't attack again," paliwanag niya bago uminom uli ng tubig.

"Kukunin ko lang po yung gamit ko sa opisina ko," sabi ko dahil mukhang wala naman balak tumanggap ng 'hindi' si Sir LV.

"Diana, bring Architect VL's things here! Now!" awtamatiko akong napabalik sa may harap ni sir nang marinig na tinawagan niya na si Diana.

"Sir, pero CEO po kayo. Hindi ako pwede dito," tanggi ko pa rin.

"Do you shout when you're at work?" tanong niya

"Of course not," agarang sagot ko

"Yun naman pala,"

Sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok doon at pumasok si Diana dala ang bag, laptop, at iba pang gamit ko.

"Sir, gamit po ni Architect" mahinang sabi niya bago ilapag sa coffee table ni Sir LV.

"Did you do anything with her stuff?" napatingin ako kay sir nang bigla niya itong sabihin.

"No sir," nakayukong sagot ni Diana

"Go out,"

"Yes sir," sagot nito bago kami talikuran

"I'm expecting your resignation letter tomorrow," napatigil sa pagbukas ng pinto si Diana nang magsalita si Sir.

"I w-will not resign sir," sabi niya bago humarap at yumuko

"Good to hear that you're willing to suffer. Go out!" sigaw nanaman ni Sir LV.

Pagkatapos ay napag desisyunan ko na ring umuwi. Nag-offer pa si sir na ihahatid niya na raw ako pero ang sabi koay may sarili naman akong sasakyan. Hindi na kami masyadong nakapag-usap ni Andie dahil busy rin siya sa mga ginagawa niya para sa trabaho.

KINABUKASAN, maaga akong dumating sa opisina dahil ayaw ko munang makipag-usap sa ibang empleyado. Dumiretso pa rin ako sa opisina ko dahil baka may chance pa na pabalikin ako dito ni Sir LV.

Laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto, wala ng gamit ang opisina ko. Tanging table at upuan na lang ang natira kaya wala akong choice kundi dumiretso sa opisina ni Sir LV.

"Wow," bulong ko sa sarili ko pagdating ko sa loob. Hindi ko kasi inakala na itatabi ang table ko sa table ng may ari. May space lang nga ng kaunti pero sakto lang dahil ang layo naman ng pwesto ko sa CEO. Halos gayang-gaya nito ang pagkakapatong ng mga gamit sa table ko.

Umupo na ako ka agad para masimulan ko na ang trabaho ko. Tumambak ito dahil sa nangyari kahapon.

Pagkatapos nang mahigit isang oras, nagsimula nang umingay sa labas. Napatayo ako nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir LV.

"Goodmorning Sir LV," bati ko

"Goodmorning, sit down," kalmadong sabi nito. Lumapit siya sa table niya at tinanggal ang shades niya bago maupo.

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon