SPECIAL CHAPTER

10 1 0
                                    

"Mommy look I gained a hundred thousand followers on tiktok!" excited na sabi ni Merida.

Agad akong ngumiti at lumapit sa anak ko para yakapin siya.

"Congrats," bulong ko

"Where's daddy?" malungkot na tanong niya.

"I'm home," sumigla agad ang anak ko nang makita ang daddy niyang kakauwi pa lang.

Pagkatapos naming ikasal napagdesisyunan ni Primo na mag-aral uli para naman sa sarili niya. Engineering ang kinuha niyang course. Graduating na rin ang asawa ko ngayon.

"Daddy!" sigaw ni Merida.

"Hi love," sabi niya bago ako halikan sa pisngi.

Excited na siyang kwentuhan ni Merida tungkol sa tiktok followers niya pero umalis muna si Primo para mag-shower. Kahit pa galing lang siya sa labas ay kinugalian namin na maligo muna bago lumapit sa anak namin.

"Graduation ko na bukas," kwento niya habang kumakain kami.

"Hindi kami makakapunta," kunyaring sabi ko.

"O-ok lang yun love," sabi niya bago ngumuya.

"May guesting si Merida bukas kaya dapat ko siyang samahan,"

Ang totoo ay na-reschedule next week ang guesting ng anak ko kaya wala naman talaga akong gagawin bukas.

KINABUKASAN , dumiretso na ako sa resto para maisip talaga ni Primo na hindi ako dadating. Pina-video ko naman kay mommy ang speech ni Primo dahil gagraduate siya bilang Magna Cumlaude.

"Congratulations!" sabay-sabay naming sabi ng mga kaibigan niya pagpasok niya sa resto.

Agad na lumiwanag ang mukha ni Primo nang makita kami.

Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap.

"Saglit lang guguluhin mo naman yung ayos ko eh," reklamo ko.

"Kahit anong ayos mo love, maganda ka pa rin," he smiled before winking at me.

"Ay sus, oo na! Kayo na magjowa!" reklamo ni Case

"Mag-asawa," sabay naming sabi ni Primo.

"Love halika," aya ko kay Primo sa parte kung saan kita ang madilim na langit.

"Yes love?"

"Regalo ko," sabay abot sakanya ng isang maliit na box

"Ano to? Engagement ring? Mag-ppropose ka—," hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang mabuksan na ang regalo ko.

"You're p-pregnant?" masayang tanong niya.

"Ayaw mo?"

Tumayo siya para yakapin ako.

"Gusto, gustong-gusto,"

"Mommy! Daddy! I want to join!" napalingon kami sa anak ko.

"What's with the hugging?" naguguluhang tanong niya.

"Baby," panimula ni Primo. "You're going to have a new brother or sister," dagdag niya.

Inabangan ko ang ekspresyon ng anak ko at laking pasasalamt ko nang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Really?"

Sabay kaming tumango ni Primo.

"What do you want? A baby brother or a baby sister?" ako naman ang nagtanong.

"Before,I want a baby sister but now. I want a baby brother,"

"I actually want an older brother since I want to experience how tito Morgan protected mommy. But I guess, I'll be the one to protect my baby brother," dagdag pa niya

Agad namang nabuo ang takot sa puso ko.

"No ana—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang umiling si Primo.

"What do you want to name him baby?" tanong ni Primo sa panganay namin pagkatapos kong magising. Kakatapos ko lang manganak sa isang napaka cute na batang lalake.

"Lawrenz Morgan Villamor," sagot ng anak ko bago ngumiti.

"Why is that baby?" kunot noong tanong ko

"Because I saw tito Morgan earlier," masayang kwento niya.

Nagkatinginan lang kami ng asawa ko.

"Where is tito Morgan?" si Primo ang nagtanong para sa akin

"Here," inakay ng anak ko palabas ng private room si Primo.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang bumukas ang pinto sampung minuto pagkatapos nilang lumabas. Iniluwa nito ang asawa ko kasunod ni Merida na hawak ang kamay ng ...

...kuya ko.

"Kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ako nga Meg," nag-unahang tumulo ang luha sa mata ko nang muli kong marinig ang boses ng kapatid ko.

Lumapit siya sa akin para yakapin ako.

"P-paano?" naguguluhang tanong ko

"Hindi ako ang namatay nung araw na yon, inilayo pa rin ako ni Andie sainyo dahil alam niyang makukulong siya," paliwanag niya

"Pero bakit kamukhang-kamukha mo ang lalakeng iyon?"

"Gumastos si Andie para sa plano niya Meg,"

Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa sunod-sunod na impormasyon.

Isa lang ang alam ko, masaya ako dahil buhay ang kuya ko.

Matapos kong makalabas ng ospital ay naikwento na rin ni kuya na hindi naman siya napuruhan nung baril. Nagtago lang siya at una siyang nagpakita sa anak ko. Lumaki si Meridana tinitingala ang tito Morgan niya dahil sa ginawa nitong pag protekta sa akin.

"Welcome to the Christian World Baby Lawrenz Morgan Villamor!" anunsiyo ng emcee sa biñag ng anak ko.

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon