Chapter 4

5 1 0
                                    

"Si Architect?" tanong ni Case bago idikit sa tenga niya ang cellphone.

Tumango lang si LV.

"Hello, di ka maniniwala. Ha? Mamaya na, basta dinner daw mamaya 8pm," sabi niya sa kausap.

Pagkatapos umalis ni Case ay nagpaalam na rin ako na kailangan ko nang umuwi dahil magbibihis pa ako. Nagpaiwan na lang siya sa unit niya dahil may gamit naman daw siya roon.

"Saan ka nanaman pupunta? Gabi na ah," saad ni Andie nang makitang naka bihis pang-alis uli ako.

"May meeting nga diba?" sarkastikong sagot ko

"Nako, umuwi ka mamaya dahil malalagutan ako ng hininga kapag nawala ka nanaman," sabi niya na nakapagpa kunot ng noo ko

"Nanaman?" taas kilay na tanong ko

Napansin ko na natigilan siya nang mapagtanto ang sinabi niya.

"K-kagaya kagabi, diba?" agarang bawi niya

Nagpaalam ako sayo kagabi.

Tumango na lang ako bago lumabas ng bahay. Kanina pa tinext ni LV sa akin ang address dahil wala siyang choice. Gusto niya sana na sunduin ako pero hindi ako pumayag dahil baka makita niya si Andie at kung ano anong sabihin nito sakanya.

[Where are you?] bungad ni LV nang sagutin ko ang tawag niya

"Nagpapark," sagot ko bago patayin ang engine ng sasakyan ko

[I'm waiting for you outside]

"O-okay," sagot ko bago ibaba ang linya

Pagdating ko ay nandun nga si LV, hinihintay ako.

"Let's go?" tanong niya

Tumango lang ako bilang tugon.

"Ayan na sila pre," rinig kong sabi ni Case habang papasok kami sa saradong part ng resto.

"She really looks like her," sabi nang katabi nito

"Charm, this is Case and Daniel. My bestfriends. Case and Daniel, this is Charm," pakilala sa amin ni LV

"Doctor Daniel Lim," sabi nito bago ilahad ang kamay niya

Agad ko naman iyong tinanggap at magpapakilala na sana ngunit...

"Ah," napahawak ako sa ulo ko nang bigla nanaman itong sumakit.

"Wag ka magalala, kami bahala sayo. Gagamutin ko asthma mo kapag naging doctor na ako," sabi ng kaharap ko sa eksenang pumasok sa utak ko. Nasa park kami at kasama sina LV at Case.

"Ok ka lang architect?" napatingin ako kay Case nang magsalita ito

"Sumakit lang ang ulo ko,"

"Are you sick?" tanong ka agad ni Daniel.

"No, I'm fine," saad ko bago ngumiti para ipakita na ok lang ako.

Pagkatapos namin umorder ay nagsimula na silang magtanong sa akin.

"Okay lang ba architect na magtanong kami?" panimula ni Case

"Oo naman, basta kayang sagutin," sagot ko

"Hala," napatakip pa siya sa bibig niya. "Ganyang ganyan rin ang linyahan niya," tila namamanghang dagdag niya.

"Aware ka ba na..."

"May kamukha ako?" ako na ang tumapos sa tanong niya.

Tumango siya.

"Pinakita sa akin ni LV ang picture, kamukha ko nga siya," sagot ko

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon