Chapter 7

4 1 0
                                    

"Meghan Lopez, my ex-girlfriend na kamukhang-kamukha mo," panimula niya nang makasakay kami sa kotse niya.

Day off niya raw ngayon at sinabi niya na lang na umabsent muna ako. Hindi naman big deal sa akin dahil importante naman ang aasikasuhin ko.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang playground.

"Gusto mong makilala si Meghan diba? Tara," sabi niya bago bumaba ng kotse

Umupo siya sa swing kaya umupo rin ako sa kabila.

"Kwento na,"

"Dito kami nagkakilala, seven years old pa lang ako nun at siya naman five. Nung una, ayaw ko ng personality niya dahil hindi siya pala-imik at lagi lang nakasimangot." panimula niya

"Simula noon, araw araw na kaming naglalaro dito. Dumating na rin noon sila Case at Daniel. Nagsimula nang matutong ngumiti si Meghan dahil sa amin ng mga kaibigan ko,"

"Dumating ang araw na limang oras kaming nagihintay dito nila Case para kay Meghan. Inabutan na nga kami ng dilim eh. Naghintay pa rin kami dahil baka pumunta siya dahil sobrang hilig niya tumingin sa langit lalo na kapag gabi,"

"Pero..." hindi niya tinuloy ang sinabi niya

"Pero?" tanong ko

"Hindi siya dumating. Pumunta kami sa bahay nila para sana kausapin siya pero pagdating namin wala ng tao at may nakapaskil ng 'for sale' sa bahay nila," malungkot na kwento niya bago tumayo.

"Bakit?" kunot noong ko

"Next location naman," sabi niya bago dumiretso sa sasakyan

"Coffee shop. Dito kami nagkita uli ni Meghan," kwento niya pagakatapos naming umorder.

"Dun siya nakapwesto," turo niya sa table malapit sa counter. "At nandito ako,"

"Sabay na tinawag yung pangalan namin ang kaso nagmamadali ako nun kaya basta ko na lang dinampot yung drinks na akala ko sa akin,"

"Pagka inom ko, napasimangot ako dahil sa pait. Tiningnan ko yung pangalan at nakitang Meghan ang nakalagay," natatawa pang sabi niya

"Nag-away pa kami dahil nang maabutan niya ako sinermonan pa ako. Bakit daw hindi ko muna tinitingnan bago kunin yung inumin ko," natawa pa siya na tila naaalala niya pa lahat.

"Paano niyo nakilala yung isa't isa?" tanong ko.

"Ang sabi niya bago iabot sa akin yung inumin ko 'kapangalan mo pa naman yung kababata ko, pero magka iba kayo. Di yun tanga'," mapait niyang sabi

"Dun namin nakilala ang isa't-isa at nagsimulang maging close uli," tumigil siya sa pagkwento

"Bakit di ka na nagkwekwento?" tanong ko

"Sa next location na tayo pagkatapos kumain yun lang naman memories namin dito,"

"Si Meghan," tumingin siya sa akin pagsalita ko. "Kamukha ko ba talaga siya?"

"Oo naman, sabi mo nga. Walang labis, walang kulang,"

"Paano mo nasasabi na ako si Meghan?" tanong ko

"Last name mo pa lang medyo duda na ako. Vela Lopez diba?"

Tumango ako bilang sagot.

"Lopez lang kay Meghan,"

Kaya siguro hindi ginagamit ni kuya bilang last name yung vela...

"May mga panahon din na saktong sakto yung galaw ninyo," dagdag pa niya

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon