PROLOGUE

66 1 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission from the Author.

***

"Finally, Pilipinas." sabi ni Andie, paglabas namin ng airport.

Hindi na lang ako sumagot at dinama ang pagaspas ng hangin. Dumiretso ako sa grab dahil hindi pa ako sanay sa gantong panahon.

"Pasok ka na?" tanong ni Andie pagka-umaga nang mapansin na nakaayos na ako.

"Obvious ba?" tanong ko.

"Dapat kasi di na lang tayo umuwi, kailangan pa tuloy nating magtrabaho dito. Bakit ba kasi nagpumilit ka na pumunta dito?" tanong ng pinsan ko.

Kayo. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito dahil alam kong may nakaraan ako dito na hindi niyo sa akin sinasabi.

"Gusto ko lang ma-experience maging mag-isa" palusot ko bago umalis para pumasok sa trabaho.

Pagdating ko sa opisina, pinadiretso nila ako sa lugar kung nasaan ang mga board members. Ganito raw kasi sa kumpanyang to, ipapakilala kayo sa lahat.

"You can come in." sabi ng isang empleyado sa akin. Ngumiti lang ako bago dumiretso sa loob.

"This is Architect Charmaine Abigail Vela Lopez, the new head of arch department." pakilala sa akin ng isang empleyado na nasa tabi ng pinaka boss namin na nakayuko lang. Halatang hindi interesado sa amin.

"Goodmorning" I smiled.

Napatingin ang lahat sa lalakeng naka upo sa gitna nang bigla itong umayos ng upo.

"Your last name is Lopez?" tanong nito sa akin.

"Vela Lopez" I corrected.

"How shall we call you?" tanong pa niya

"Since my last name is too long, everyone calls me Architect VL" sagot ko

"Architect VL, this is Mr. Primo Louis Villamor, the CEO of our company." pakilala muli ng empleyado.

Ngumiti ako bago tumabi sa mga empleyado na naipakilala na. Bago ipakilala ang empleyado may ibinulong muna ang may-ari sa babae na sa tingin ko ay secretary niya.

Pagkatapos maipakilala lahat ng bagong empleyado, sinabihan na kami na pumunta na sa sari-sarili naming office. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo nang pumasok ang may-ari sa opisina ko.

"Sir?" nakangiting tanong ko.

"Get the documents that I want you to see in my office." sabi niya bago ako talikuran.

Huminga ako ng malalim bago sumunod papunta sa opisina niya.

"Do you have an appointment?" harang sa akin ng secretary niya.

"Pinapapunta ako dito ni Sir Primo" sagot ko

"Wait." sabi niya nang tumunog ang telepono sa may table niya. "Yes sir, opo." narinig kong sabi niya.

"Wag mong tatawaging Primo si sir, mapapagalitan ka. Punta ka na daw dun" sabi niya bago ako padaanin.

Bakit naman ayaw niya magpatawag ng Primo? Ayaw niya ba nung pangalan niyang yun?

Yesterday's Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon