Chapter 15

5 3 0
                                    

OFF TO PALAWAN/WELCOME TO PALAWAN

Nagising ako ng Alas 8 na ng umaga hindi alam kong anong oras ang flight namin papuntang Palawan hindi naman niya sinabi kong anong oras ito bumangon nalang ako at nagtungo sa banyo para makaligo na.

Binuksan ko ang shower sa banyo agad ko namang naramdaman ang Lamig ng tubig na dumadaloy sa katawan ko nagmatapos akong maligo Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang ng isang tuwalya kaya laking gulat ko ng makita ko si Archer na nakaupo sa kama mygodddd naka tuwalya lang ako.

"Bat andito ka hindi ka man lang marunong kumatok no?" Nauutal kong tanong sakanya.

"Nandito ako kasi bahay koto no!"pangbara niya sakin.

"Alam ko namang bahay mo to no!" "hindi ko naman inangkin to dzuhh ang tanong ko lang bakit ka naparito?" Pagtataray ko sakanya habang deritsong nakatingin sakanya.

"Hinatid ko dito yung maleta mo na pinaglagyan ng mga gamit mo tinawagan ko ang kuya kaninang alas 6 ng umaga para ipag impake ka, buti nalang naging madalu ang pag iimpake nila at gusto kong sabihin sayo na mamaya pang ala una yung punta natin sa Palawan pero kung gusto mo ngayon na pwede naman yun ako naman yung may ari" mahabang sabi niya.

"Oh thanks diko naisip yan kahapon pagod na ako sobra eh" malungkot na sabi ko.

"Tsss oh sige magbihis kana para makapag agahan na tayo mag iimpake pa ako"masungit na sabi niya sakin.

"Sasama ka?" Tanong ko sakanya.

"Aba malamang isla ko yun no!" ayan na naman siya kala naman inangkin ko yung isla niya no.

"Kanina kapa ah?" Naiinis na sabi ko kanina pa siya proud na proud sa mga kayamanan niya kala mo naman aagawin ko hindi na nakakatuwa.

"Tsss aalis na ako magbihis kana baka ano pang gawin ko sayo"nakangising sabi niya.

"Ay linte napaka manyakkkkk mo" sigaw ko sakanya at tinulak ko na siya paalis.

Nang maka alis na si Archer Ay kumuha na ako ng isusuot ko sa aking maleta madali naman akong naka pili ng isusuot naka short lang ako at white t-shirt dito lang naman kami sa bahay niya.

Alangan naman mag gown ako dito wow rich ganun lumabas na ako sa kwarto tska bumaba sa hagdan para makapag agahan gaya ng sabi niya as usual ang daming tauhan na naka aligid sa bahay na to ano bang meron?kala mo naman may gintong nakatago sa bahay nato no? nang makarating ako sa Hapag kainan naabutan ko si Archer naunang lumalamkn nakooooo .

"Kumain kana jan" Sabi niya at nagpatuloy parin sa pagkain tumango lang ako sakanya at nag simula ng kumain.

Tahimik lang kaming kumakain walang nagsalita kahit ni isa samin badmood ata si Archer Oh talagang ganto lang talaga siya hayst bahala siya basta ako kakain nalang ako nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa natapos na akong kumain kaunti lang yung kinain ko kaya nauna pa akong matapos kay Archer.

"Tapos kana?"Tanong niya sakin.

"Oo kita mo naman diba!" Pagtataray ko sakanya.

"Sumagot ka nga ng maayos minsan wag mo akong kausapin ng ganyan" sabi niya sakin.

"Eh ayaw mo naman pala bat ganun ginawa mo sakin kanina ah" nakangiwing sabi ko.

"Eh wala lang ako sa mood nun!" sabi niya.

"So ngayon nasa mood kana?" ha?Pabalang kong sabi.

"Oo hindi ba halata tssss!" nagtataray siya wow bakla ata to.

"Kanina kapa jan sa tsss na tsss mong yan para ka tuloy bakla hahahah" natatawang sabi ko.

"Ano!!!!!!Sabi mo bakla ako" gulat na sabi niya muntik pa siyang mabulunan sa sinabi ko hahhaa ang epic ng mukha niya.

"Oo paulit ulit dzuhh maka alis na nga" sabi ko sakanya sabay talikod.

Bumalik ako sa kwarto ko dito sa bahay ni Archer dito nalang muna ako magkukulong kaysa sa makipag usap sakanya para kaming aso't pusa palaging nagbabangayan nakakahiya sa mga katulong niya .

Mapagkamalan pa kaming mag asawa nito Humiga ako sa kama at dun nagmuni muni sana lang magiging maganda at mag eenjoy ako dun sa palawan habang nag muni muni ako biglang tumunog yung cellphone ko si Gab tumatawag for sure magkakasama tong tatlo nasa paaralan pa sila ngayon sinagot ko agad yung tawag niya dahil ayaw niya talaga na matagalan nagagalit yun.

"HELLO GAB"

"HOY bruha" "bat hindi ka pumasok ngayon ha?"

"Mawawala mona ako ng 1 week gab" .

"Whattt?" "are you serious?" "Saan ka naman pupunta?".

"Pupunta akong palawan manatili ako dun ng 1 week".

"Bat hindi kami kasama" sabi ni Mika sakin.

"Next time nalang isasama ko kayo hindi kasi pwede ngayon eh!"

"Aba'y bakit naman hindi pwede?" tanong ni hezra.

"Basta hindi pwede?"

"Chloe naman may tinatago kana samin ngayon eh noon wala naman ah".

"Gab naman eh wala akong tinatago ha!"

"Eh kung wala kang tinatago bat hindi mo kayang sabihin kung bakit hindi kami pwede sumama papuntang palawan?".

"GAB malalaman niyo din to soon pero sa ngayon wag niyo ng isipin pa mag aral nalang kayo jan para pagbalik ko may makokopyahan ako ng sagot okay hahaha".

"Naks naman chloe hahahaa" natatawang sabi ni Mika.

"Oh siya sige na bye na magpapahinga pa ako mamaya pa fight namin papuntang palawan" paalam ko sakanila.

"Sige byeeee mag ingat ka jan" sabay na sabi nila.

Nang matapos ang tawag ay umupo ako sa kama habang patingin tingin sa Paligid ganun ang ginawa ko ng hindi pa time ng flight namin ng Paalis na kami pinuntahan ako ni Archer Kasama ang isang lalaki at dinala yung gamit ko sa sasakyan.

Nanatiling nakasunod lang ako sakanila ng mapasok na ang maleta ni Archer sa Van Sumakay naman kami sa kotse niya tutok lang sa pagmamaneho si Archer habang ako patingin tingin sa mga puno na madada anan namin at sa mga malalaking gusali na mada anan namin nakarating kami sa Isang malaking Gusali na may nakaukit na F sa gusaling iyon.

Pumasok kami sa loob habang dala ng dalawang lalaki ang mga maleta namin sumakay kami sa Elevator papuntang Rooftop bumungad agad samin ang malakas na hangin sa rooftop at makikita mo ang isang chopper na nakahanda na para umalis ipinasok sa loob ng Chopper ang mga maleta namin pagkatapos umalis naman agad yung dalawa at pumasok na si Archer sumunod naman ako sakanya magkatabi kaming umupo dito umandar na ang Chopper pataas na ito ng pataas nakatingin lang ako sa baba nakatingin lang ako sa mga tanawin napaka ganda pala no sa kakatingin ko sa baba inaantok tuloy ako kaya napagpasyahan kong matulog nalang Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog na.

.........................

Nagising ako ng may tumapik sakin nakita ko si Archer na nasa harap ko nakarating na ata kami.

"WELCOME TO PALAWAN" nakangiting sabi niya wow para kanina lang badmood tas ngayon goodmood na kaninong kaluluwa ang sumanib sakanya.

"THANKYOUUUUUUU" nakangiting tugon sakanya

"Tara baba na ready na yung maghahatid natin sa isla" nakangiting pag aaya niya.

"Okay Let's Goooooo" nauna siyang bumaba sakin nakasunod ako sakanya pagbaba ko nasa isang Airport kami at yung mga maleta namin hawak na ng mga tauhan niya tinanguhan lang niya ang mga tauhan na at agad na itong kumilos ipinasok yung Mga maleta namin sa Van at may isang kotse sa unahan nito at dun kami sumakay ni Archer.

Her JourneyWhere stories live. Discover now