01

673 19 9
                                        

Chapter 1: Year 2019

"andreahnna, sagutin mo naman nako" pagmamakaawa ng nangliligaw sakin

nasa gitna kami ng basketball court ng Davis High, maraming nakakakita.

"hindi naman ako pumayag na manligaw ka diba? wala akong panahon sa ganto pasensiya na" sabi ko tyaka siya iniwan.

"may ni-reject na naman si Reject Girl" narinig kong bulong sa isa sa mga kabatch ko

binansagan nila akong Reject Girl dahil halos kalahati ng Davis High ay nanligaw sakin at lahat sila ni-reject ko lang, wala naman kasi talaga akong panahon sa mga kaek ekan na yan masasaktan lang rin naman.

"Tara kain na tayo" aya ni Lanna sakin

"gusto mo lang makita si kevin e" pangaasar ko

"tanga hinihintay niya nako dalian ko" aniya tyaka ako hinila papunta sa cafeteria

habang nakapila kami may lumapit saking lalaki.

"pede ba kitang maging girlfriend?" tanong niya

"hindi ayoko" sabi ko sa kanya

"bakit ayaw mo?"

"wala akong time para magboyfriend"

"andreahnna naman please mahal na maha-" hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil biglang may nagsalita

"ang cafeteria ay lugar para kainan hindi lugar para maglandian" anang lalaki na medyo maputi na balat.

"sino kaba?" tanong ng lalaki sa nagsalita

"pre si Mr. president yan"

"ay sorry aalis napo kami" sabi ng lalaki tyaka mabilis na lumbas

"sorry" sabi ko saka yumuko

"tsh, another sorry" aniya tyaka naglakad palayo

"sungit" sabi ko tyaka umorder

"sino yun ang sungit niya ah" sabi ko kay lanna habang umuupo ako

"si sebastian SSC President kilala bilang Pres, Seb, Elli, Baste or Apollo. Bestfriend siya ni kevin" pagpapaliwanag niya

"ah, parang hindi ko siya nakikita?"

"lagi ka kasing nakatutok sa libro mo wala ka man lang nililingon na pogi" aniya

nakikita ko na yung pangalan na yun kasi president nga kaya lang hindi ko talaga kilala yung mukha.

"grade 8 section B president?!" narinig kong may sumisigaw kaya agad akong tumayo at lumapit

"yes?" tanong ko

"tawag ka ng student council ikaw na lang ang hindi bumuboto" sabi niya tyaka umalis


oo nga pala, doon sana ko pupunta kanina kaya lang biglang may nangharang sakin para pumunta sa basketball court.

agad akong kumuha ng voting sheet tyaka iyon sinagutan, lumapit ako sa isang SSC para magtanong.

"saan to ipapasa?" tanong ko

"doon po" sabay turo niya sa SSC office

agad akong pumunta roon pero naabutan ko yung lalaki na seb daw ang pangalan, tumingin siya sakin pagpasok ko.

"ah dito daw ipapasa yung voting sheet?" tanong ko

"oo at bakit ngayon lang? anong oras na ah?" masungit na tugon niya

Hey President, I Love You.Where stories live. Discover now