Eternal Amore:Chapter VI

2 3 0
                                    

                           Chapter VI♕:

     Many days has passed, full of prayers and feeling hopeful na sana maipasa ko ang aking ika-third na take ng aking Examination. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na naipasa ko ang Exam, ganoon din si Carlo.

Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kanyang lugar at mas naging close pa kami. Tinuturi niya talaga akong parang kapatid, na parang kanyang prinsesa. Pagkagising ko sa umaga nakaluto na siya ng aming agahan. Sabay na rin kaming pumasok hinahatid niya ako sa aking pinagtatrabahuhan.

Pagdating ng hapon ay sabay rin kaming umuwi sinusundo niya ako sa aking pinagtatrabahuhan, dahil mahirap na daw ang panahon ngayon.

Palagi niyang sinasabi na titigil na lang daw ako sa pagtatrabaho sa fast food chain sa kanilang company na lang magtatrabaho, pero sinabi ko sa kanya na hindi na kailangan. Kailangan kong maging masipag, paano na lang kung wala na siya. Kaya naman napilit ko rin.

One morning, I wake up early, sinadya ko talagang unahan si Carlo. Maaga akong nagluto para sa aming agahan, alangan namang siya lang palagi ang nagluluto syempre ako ang babae dito.

Kaya naman pagkatapos kong naluto lahat bumalik muli ako sa aking silid para maligo at makapagbihis ng uniform sa aking tinatrabahuan.

Paglabas ko andoon na rin si Carlo at masama ang tingin sa akin, halata sa kanyang mata na bagong gising siya.

"'Di ba dapat ako ang nagluluto?", sabi niya sa akin, habang tinitingnan ako ng madilim.

"Ano ka ba, alangan namang ikaw na lang palagi, babe din ako no?", sabi ko sa kanya sa mababang tono.

"It doesn't matter, kapag babae dapat sila na lang lahat? For me it's a BIG NO", may diin sa boses niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "hindi naman sa ganoon ang sa akin lang ay kailangan mo rin ng tulong ko, hindi naman ibig sabihin na kapag nandito ako sa puder mo, ikaw na lang lahat, dapat 'give and take din'", paliwanag ko sa kanya.

Nang marinig niya ang paliwanag ko, nanlambot ang kanyang expression. Lumapit siya sa akin, "Bestfriend, sorry. Gusto ko kasi na ako ang gagawa lahat para sa'yo. Sorry kasi minsan nasasakal na kita sa aking pagka-overprotected. Sorry kasi--", hinawakan ko ang kanyang pisngi at tiningnan siya sa kanyang mga mata.

"No. Gusto ko lang naman na tulungan ka, hindi naman porket nandito ako, ikaw na lang parati ang mag-aalaga sa akin. Dapat fair. Dapat pantay-pantay, kaming mga babae 'wag niyong gawing 'baby', dahil kaya din namin ang ginagawa niyo", sabi ko sa kanya tumango-tango naman ang mokong sa akin.

"Ma suntok nga!", mabilis ang pag-landing ng kamao ko sa kanyang tiyan. Nakita ko ang sakit sa kanyang mukha, parang hindi naman masakit. Kaya tinawanan ko lang siya habang tumatakbo papunta sa mesa.

"Sumusobra kana, bestfriend ha? Pasalamat ka talaga bestfriend kita, kung hindi--", I cut what he want to say.

"Kung hindi ano? Ha? Aber?", naglakad ako palapit sa kanya habang nakakuyom ang aking mga kamay handang suntukin siya.

Tinaas niya na lang ang kanyang kamay tanda ng pagsuko habang ako naman ay tumatawa. Ganito palagi ang bonding naming dalawa kung hindi roadtrip, kulitan.

Habang kumakain kami, marami kaming pinag-usapan, sharing of ideas at marami pa. Hanggang sa umabot kami sa seryosong usapan.

"What if hanapin ka ng iyong mga magulang, sasama ka?", napatigil ako sa kanyang tanong. Nakayuko lang ako 'bakit hindi ko naisip ito?' tanong ko sa sarili ko.

"Ahhmm. J-just ignore my question, bestfriend. Sorry!", sabi niya halatang pati siya disappointed sa tanong niya.

"Hindi. Hindi ako sasama sa kanila", deretchong sabi ko sa kanya at agad na pumunta sa Ref para kumuha ng tubig.

Lifetime Series #2: The Eternal Amore (on-going)Where stories live. Discover now