Chapter III♕:
I woke up when the ray of the morning light strike my face. Sumasakit pa ang aking ulo, kaya agad akong napahawak dito.
Pagkilos ko naramdaman ko ang malambot na kama, unan at tsaka kumot sa aking katawan. Unti-unti kong minulat ang aking mata, parang biglang nanlamig ako. Sobrang kinakabahan ako. Dahil hindi ko alam kong kaninong lugar ito.
Na s'an ako?
Bakit ako nandito?
Sino ang nagdala sakin dito?
Tiningnan ko ang aking buong katawan. Nakadamit na man ako, pero laking gulat ko na iba na ang damit na suot ko kagabi sa ngayon. Mas lalo akong kinabahan sa aking iniisip.
Wala naman akong natandaan na kasama ko kagabi, nang biglang bumalik ang alaala ko na may brasong nakapulot sa akin bago ako nawalan ng malay. Hindi ko naman kong sino 'yon.
Napahawak ako sa aking ulo ng sumakit pa rin ito. Napataklob na lang ulit ako ng comforter dahil nanginginig ako. Bigla na lang tumulo ang aking luha habang nakataklob ako sa kumot.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto, pero nagpanggap ako na natutulog pa. Naramdaman ko na may naupo sa aking tabi sa gilid ng kama.
"Miss", I heard a baritone voice speaking to me. "Miss hindi ako masamang tao. Nandito ako dahil nakita kita kagabi na biglang nawalan ng malay sa gilid ng daan. Kaya tinulungan kita, 'wag kang mag-alala hindi kita ginawan ng masama. Gentleman ako at isa pa gwapo ako, Miss", mahina pa siyang natawa. Parang ang kapal ng mukha.
Parang gusto ko siyang makita, at makilala naramdaman ko basi sa kanyang pananalita isa siyang mabuting tao, pero ang hangin niya ei. Huminga ako ng malalim at unti-unting inilabas ang aking ulo sa kumot.
Nakita ko ang maaliwalas niyang mukha. I admit it, he is so handsome, nice jaw line, he has a face perfect face shape, adorable gray eyes, thick eye brows,long eye lashes and a kissable lips. Tiningnan ko siya ng mabuti, like I was studying him. Smile plastering in his lips, I am thinking that he is approachable kind of person.
Naramdaman ko ang mahina niyang tawa. "Miss", he give me a sweet smile. "Sumasakit pa ba ang ulo mo? Nanginginig ka pa, dito ka lang kukunin ko lang ang pagkain na inihanda ko sa iyo.", tiningnan niya ako. Tumango na man ako hindi ko kasi alam kong ano ang dapat ko sabihin at gawin.
Pagkalabas niya unti-unti akong umusog para maiangat ko ang aking ulo sa headrest ng kama. Nakapulot pa rin ang kumot sa aking katawan. Naramdaman ko pa rin ang panghihina ng aking katawan, ang pagsakit ng aking ulo at pagnginginig ko.
Maya't-maya pa ay bumalik siya ulit sa loob ng kwarto, may dala siyang pagkain hindi ko alam kong ano pero nakikita ko lang na mainit ito. Ngumiti siya sa akin at umupo sa gilid ng kama malapit sa akin.
"Pasensya kana dito ha? Ito lang ang nailuto ko sa'yo", napakamot pa siya sa kanyang batok. Aaminin ko ang gwapo niya talaga, walang halong biro. Hindi ko inakala na matutulungan ako ng gwapong katulad nito.
Napapikit ako dahil sumakit naman ang aking ulo. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi, ayaw ko mang umiyak sa harap ng isang gwapong stranger daw na tumulong sa akin, pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kaya naman at tumaklob na lang uli ako ng kumot at doon umiiyak.
Naramdaman ako ang pagbuntong hininga niya, pero hinayaan niya lamang akong umiiyak. Hindi man lang siya umalis sa loob ng kwarto. Halos limang minuto hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak, naramdaman ko na may tumatapik-tapik sa aking ulo.
"M-miss, t-tama na 'yan", nauutal at mahinang sabi niya na parang bang nahihiya pa siya. Pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Paano kong hindi ako nakita ng lalaking ito?Sino kaya ang tumulong sa akin? May masama na sigurong nangyari sa akin na hindi ko inaasahan.
YOU ARE READING
Lifetime Series #2: The Eternal Amore (on-going)
Teen FictionJupiter Caelum Martinez and Venus Avyanna Guevarra is an elementary sweetheart but their love breaks at secondary when a greatest destruction of every relationship comes. She hid what she feels towards him. Jupiter Caelum leave her and choose what t...