Just Another Photograph

8.5K 170 14
                                    

This is the sequel of "A Picture of You" by ilabyellowXD . It is not really necessary to read it first before this pero para lang malaman n'yo 'yung nangyari sa dalawang bida bago ito ay basahin nyo 'yun. Saka mas nakakakilig 'yun eh. :)

At... hindi po ilegal itong ginawa ko. Best friend ko po in real life si ilabyellowXD at humingi ako ng permiso sa kanyang isulat ito. :)))

***

Just Another Photograph (A Picture Of You Sequel) written by iammissred

"Minsan, ang pictures dinadala tayo pabalik sa pain ng past pero nasa atin naman kung titingnan pa natin ang mga litratong 'yun o hahayaan nalang natin silang maging alaala ng nakaraan na bumuo sa atin ngayon."

**

Nakaupo ako ngayon sa bench sa harap ng Photography building ng university na pinapasukan ko. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ang paglubog ng araw. Tatayo na sana ako para umuwi ng may nag-flash na camera.

Lumingon ako at nakita ang isang maputing lalaki na may nakatapat na camera sa mukha. Nakasabit sa kanan nyang balikat ang isang camera bag. Nakasuot siya ng itim na sweatshirt na nakataas ang sleeves hanggang sa may elbows nya. Unti-unti nyang binaba ang hawak nyang camera at nakita ko ang mga mata niyang kumikinang at ang kanyang ngiti na bumubuo sa araw ko.

Nginitian ko sya pabalik habang naglalakad siya papalapit sa akin. Hindi niya tinatanggal ang ngiti sa kanyang mga labi.

Agad ko syang niyakap.

"Sorry, nag-intay ka ulit," bulong nya.

Ang sarap sa feeling na naririnig ko na 'yung boses nya in actual, 'yung hindi sa telepono, sa cellphone o sa Skype.

"Akala ko mag-tetext ka na naman na hindi mo'ko maiihatid eh," sagot ko habang kumakalas sa yakap.

Mula kasi nung nag-college kami, lagi nalang syang busy. Ewan ko ba, parehas naman kami ng course, pero lagi nalang syang ginagabi, tapos super iba pa 'yung schedules namin kaya kahit na nasa iisang building lang kami sa iisang university at may mga times na di kami nagkikita.

"Sorry na, Tine. Busy lang talaga ang club this month eh. Pero light na 'yung sched ko ngayon. More time for you na. Promise," sabi n'ya habang inaayos ang buhok ko

"May magagawa ba naman ako? Pasalamat ka mahal kita eh," sagot ko na parang nagtatampo.

Hinawakan nya ang pisngi ko at nilapat ang labi nya sa labi ko.

"Psh, dinadaan mo naman ako sa charm mo, Leo."

"Effective naman eh," sagot nya sabay kagat nung bottom lip nya.

"Tigilan mo 'yan. I-libre mo 'ko. Babawi ka 'di ba? O simulan mo na ngayon," tapos hinawakan ko wrist nya at hinila sya.

Unti-unti ay ini-slide nya ang kamay nya papunta sa kamay ko hanggang sa mag-cross na ang mga daliri namin.

"Chansing," sabi ko.

"Gusto mo naman eh," pang-aasar n'ya. "Ay wait."

Bumitaw sya at kinuha ang camera nya.

Just Another PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon