Episode-1 The Normal Day

109 3 2
                                    

6:47am

"Hoooy!! Bangon naaa! Aba tanghali na nanjan ka pa sa higaan, nagkakagulo na ron sa tindahan oh!"

As usual, boses yun ni Mama na umaalingawngaw sa munti naming kabahayan. Ganyan siya manggising, mambulabog ng tulog. To tell you na alas sais palang ng umaga, pero sigaw niya tanghali na.

Well, ganyan sila magdisiplina. Ayaw nila mama at papa na tanghali ako gigising, tamad raw kasi na gawain yun, kapag nagising ka ng alas siyete, aba eh, kabahan ka na dahil sangkatutak na sermon na ang aabutin mo, hindi ka pa makakapag almusal.


Ako nga pala si Jasmine Lau, o diba sosyal, ka-surname namin si fafa Henry OMG! One of the luckiest fan na ata ako, siyempre kaapelyido ko siya eh. Lucky na iyon. Anyway, I'm 19 years old. 4th Year College na this semester. Ni minsan hindi ako nakaramdam ng pagkabored. Kasi dahil maraming ginagawa sa bahay namin, nariyan yung, maya't maya may bibili, hindi ka aalis sa bahay kasi walang magbabantay, o kung aalis ka man, yun ay dahil mamamalengke ka. Haay I need freedom rin naman.

"Oo na Ma! Eto na nga babangon na oh! Kakanta pa eh, kakairita sa paggising ko eh!" Nagsuklay na ako ng buhok at pumunta sa sink para magmumog.

"Dalian mo bumaba ka na ron ah! Lagot ka kay papa mo." Nagkibit balikat na lang ako. Pero swerte pa rin dahil wala pang seven am, kung hindi, wala na naman akong almusal.


"Anong almusal natin?" Tanong ni Papa. Ako naman nagsuggest na ng masarap kainin. "May kanin pa sa ref? Isangag na lang natin!" Sabi ko.

"May kanin nga wala namang ulam. Wala na raw tuyong tinda si Uncle mo eh, ayaw ko naman ng itlog." Aba'y choosy rin si ama.

"Bumili ka na lang ng pansit doon sa dulo. Ayoko ng spaghetti ha." Sabay kuha ko ng pera kay papa. "Ma, ano sayo?" Sigaw ko dahil nasa kusina si mama, nagtitimpla ng kape, na para lang sa kanya. "Annyeong haseyo rin anak!" Joke pa ma. At umalis na ako para bumil ng makakain.


The reason kung bakit maaga akong ginigising ay dahil ako ang bumibili ng almusal namin, kaya nagagalit si papa kapag lumagpas ka sa alas siyete bumangon, yun ay dahil nauubusan kami ng mga nagtitinda ng almusal, nariyan yung, di ka na aabot sa pandesal, mauubusan ng paborito mong champorado, at minsan, di mo na maaabutan yung naglalako ng suman. Kaya saakin nakasalalay ang agahan namin.


Well, ayun nakabalik na ako. "O magtimpla na ng kape."

Di ko na tatanungin si mama kung magkakape siya, dahil mukang mauubos na niya yung laman ng maliit na tasang ginagamit niya. Si papa naman, sa isang malaki at malalim na tasa ang kapehan niya, kahit anong lasa ng kape mo, basta kape, iinumin niya. Ganyan siya kalakas sa kape.

Ako naman mild lang. Pero marami rin ako magkape. Kung tutuusin pareho kami ni papa ng tasa, malaki, pero sabi niya bawas bawasan ko raw ang kape, dahil masama at baka di na ko lumaki, may problema ba kayo sa mga maliliit?

After non, nagdala na ako ng dalawang tasa sa kanan kong kamay, habang may mga plato, kutsara't tinidor at mangkok sa kaliwa. Para di na ko babalik pa sa kusina. Nagkanya kanya na ng salin ang mga dukha, akin ang champorado, palabok ang kay mama at pansit kay papa. At masaya kaming nagsalu-salo.


-- actually guys, may mga gnito akong experience, hahaha maisama lang XD sige enjoy reading po. ^_^ Part 2 ang next

An IDOL but a STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon