Episode-5 Date ba ituu??

62 4 1
                                    

Daehyun's POV

*Yun yes! May POV. Thank's a lot otor!*

Anyways, Kinakabahan akong pumunta sa school ni Jae, not because I have something to tell her, but because kinakabahan akong maligaw! Hindi ko kabisado ang Pilipinas!

But thankfully hindi nangyare iyon.


I know, this past few weeks, medyo naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanya, nagiging crush ko siya na ewan, natutuwa ako kapag dumadalaw siya sa bahay. Although ayoko pa sa ngayon ang ma-in love, pero hindi ko mapigilan yung puso ko na mag-palpitate every time na makikita at makakasama ko siya. I never hoped she will feel the same too. Pero siguro mababaliw ako sa tuwa kapag nangyare iyon. Haaay.

And the issue, iyon ang isa pang humahadlang sa akin para dumiskarte sa kanya. Paano kung malaman niya na ako ang real Daehyun? Paano kung hindi siya matuwa if mangyare iyon? Paano kung kamuhian niya ako!?


Aaaissh! Natatae ako kakaisip sa mga problema ko! Hay! Hindi ko alam kung paano sisimulan ayusin tong mga bagay na bumabagabag sa akin!

At paano ko ba talaga sisimulan na iparamdam sa kanya na gusto ko na siya?

Marami rami rin akong napagisipan ngayong araw na ito. Marami akong na-realize, marami akong gustong gawin! Nai-stress ako sa mga nangyayare sa buhay ko!

Tama! Pupuntahan ko siya! I need to tell her the truth! Ang katotohanan na inosente ako! At ang katotohanang ako si Jung Daehyun. But-- aish!!

"Lintek! Makakain na nga lang muna!"

***


Jae's POV

"I need to tell you so something..."

"Hindi kita maintindihan Jude..."

"Ang sabi ko may gusto akong sabihin sayo..."

*binatukan*

"ARAY!! BAKIT KA NAMBABATOK! INAANO BA KITA?"

"Walangya ka! Hindi ko naman pinapatagalog sayo yung sinabi mo!" Tipong mas matalino pa sa piliposo itong si Jude!

"Eh bakit hindi mo ko maintindihan?"

"So? May karapatan ka nang pilosopohin ako? Ganon?" Aba loko to ha? Wala sa hulog tong lalaki na to eh! Sarap bigwasan!

"Anyways, may klase ka pa ba?"

"Yeah, mga 4:00 pm pa uwi ko? Why?"

"Hihintayin kita rito hanggang sa maguwian kayo. May pupuntahan tayo." After non umalis siya. Hindi ko alam kung saan siya magpapalipas ng apat na oras para lang hintayin ako. At saan kami pupunta?

***

After ng last subject namin, hindi na ako nagatubili pa na magtagal sa school, since kawawa naman si Jude, na kanina pa ata inaamag sa kakahintay sa akin, I called him na.

"Hello Jude nasaan ka? Nasa labas na ako ng campus..."

*I'm so sorry Jae, pero pwede mo ba ko gawan ng favor?*

"What do you mean? At--"

*sumakay ka na lang jan sa tricycle na nasa harap mo. Alam na niya kung saan ka dadalhin.*

Ang taray naman ni Jude may pa-service pa!

And then ayon, naglarga si manong traysikol drayber at dinala ako sa may Korean restaurant na di naman kalayuan sa school.

Pagbaba ko naghihintay sa akin si Jude at masayang nakangiti... He's smile... *sana may rose man lang charot*

"Jude..." Wow... Wait-- ang puso ko! Stop! Hoy!! Di tao yan si Jude! Wag kang tumibok tibok jan!!

This feeling... 'Di ko maipaliwanag ang nararamdaman kong relief every time na makikita ko siyang nakangiti at masaya. Parang bumabagal ang lahat ng bagay sa paligid at parang kami lang ang tao. Yun ang nararamdaman ko.

"I brought you here..." He said...


Not because kamuka niya si Daehyun eh, ibig sabihin mahal ko na siya. Though Jude is different, hindi malayo sa imposible na mahulog ang loob ko sa kanya. Nakakainlaaab! Natatameme ako!. At gusto ko itong magandang nagyayare sa akin. Sa amin...

"... Because I'm hungry..."

AY WALANGHIYA!


-------------------

Comment, Upvote at Support po... Salamat sa mga silent readers,,, ^_^

An IDOL but a STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon