Episode-2 Ang Pagkikita

70 3 1
                                    

"Punta ka sa palengke ha? Madami akong ipabibili sayo wala na akong gagamitin eh." Sabi ni papa habang kinakain yung buns na tira pa kahapon sa meryenda. After namin kumain eh naglista na ako ng mga bibilhin, binigyan na rin ako ni papa ng pera atsaka ko kinuha yung bag na pampamalengke ko sa likod ng pinto namin.

"Hoy dalin mo yung payong at mainit!" Sigaw ng nanay ko, ako naman balik sa pinto at kinuha yung payong. Ok aalis na ko.

-vetsin
-sibuyas
-gata
-toyo
-coffee creamer...

Ang dami ko na namang bibitbitin nito. Nako.

Nakarating ako sa kanto ng subdivision namin, at nakita ko ang mga kumpulan ng mga estudyante. May mga nagsisigarilyo, kumakain, nagtatawanan, at nanjan yung mga couples na di maawat sa paglalambingan. Saglit akong napaisip at nalungkot bigla.

"Imbes na bag sa school ang suot ko, bag sa pinamalengke ko ang bitbit ko." Matamlay akong naglakad patungong palengke.


Isang oras natapos akong magpabalik balik sa grocery at talipapa. Wala naman kasing gata at sibuyas sa loob ng grocery diba? Kung meron man, mahal na ang benta, ganon talaga kapag na-aircon-an na.

Marami rami rin ang mga de-lata ko at mga chichirya, ang masaklap pa may tatlong kahon ako ng zesto'ng dala.

"Ang bigaaaatt!" Ang layo pa ng terminal ng tricycle, tatawid pa ko. Pero maglalakad lang ako, para magmuka akong kawawa sa magulang ko, aba malay natin, imbes na 100 ang baon ko sa pasukan, baka maging 150 na, kaya di ko na ininda ko na lang ang bigat at binilisan ko maglakad.


"Tulungan na kita jan..." Biglang may humablot ng kahon ng zesto sa kamay ko, tinignan ko kung sino ang lapastangang balak pa ko pagnakawan-- ay, gwapo!


B-baka naman hindi siya magnanakaw, baka nag-nag-nagmamagandang loob lang, masyado naman ata akong judgmental, d-diba? Wag ganon Jae.

"A-ah.. S-salamat ha?" Nauutal ako, ang gwapo naman nitong lalaki, parang koryano na- basta cute na gwapo. Teka nga lang ha? Parang pamilyar ka ha?

"Teka! Hala!! Daehyun? Ikaw si Daehyun ng B.A.P diba? Hala!" Sa sobrang OA ko, mukang na-shocked ang sistema niya, kaya't mejo nagpanic mode si koya.

"Ah-hoy, hindi ah!" Pero kaagad niya naman na-composed ulit ang sarili niya. "As if naman marunong magtagalog yun!" Kung sabagay, palpak rin naman siya mag English eh! Pero teka panong--

"Pano mo nalamang di marunong magtagalog si Daehyun? At pano mo siya kilala?" Nakakapagtaka. "Kpop fan din ako, obvious ba?" Ay oo nga no, napakamot ako sa batok ko, may point naman siya.

Pero an--? "Waah! Kpop fan ka rin? Hala ano fandom mo! Baby ako!" Ngumiti siya, "Obviously, I'm a strong baby too." At doon nagsimula ang lahat...

***


"Tara tara tropa, tuloy ka." Pumasok kami at dinala ko siya sa may sala. "Mader! Andito na ko!" Lumabas si mama sa may tindahan.

"Oh! Namalengke ka lang may kasama ka ng lalaki?" Tong nanay ko talaga kahit kelan!

"Hindi ma, tinulungan lang niya ako magbitbit ng mga pinamili ko. Eh, nakakahiya naman kung walang meryenda para magpasalamat."


"Hala sige bigyan yan ng sofdrink! Hoy Angelo!" Sigaw ni mama.

"Anong problema mo jan Monica!?" Hala sige magsigawan daw ba? Akala mo naman pagkalaki laki ng bahay.

"Kumuha ka ng pagkain jan sa tindahan, at softdrink, dala na ng anak mo ang mapapangasawa niya!"

"Mama!?" Tumawa si mama. Biro lang daw. Sige pagbigyan. Ang tatay ko tumakbo papunta samen sa sala. "Ano? Di pa nga nakakagraduate mag aasawa ka na nak? Pano na yung mga pinaghirapan ko?" *facepalm* OA ka naman pa, biro lang nga yun. Napangiti naman tong lalaki sa tabi ko. 'Wag ka mag-enjoy samen -_-

Pinaupo ko na siya sa maliit at marumi naming sofa- joke lang. "Oy salamat-- ano ba pangalan mo, kanina pa tayo magkasama, eh hindi nga kita kilala." Binaba niya yung tinapay at drinks niya, ang takaw naman nito.

"A-ako si uhm., si Jude! Tama ako si Jude?" Ok ka lang? Di mo alam pangalan mo.

"Aw... Ako si Jasmin, pero Jae na lang. Saan ka nakatira, bakit parang ngayon lang kita nakita rito?"

"May condo unit ako malapit lang dito. Nakikita mo naman yun siguro. Doon ako tumutuloy." Wow mukang rich kid naman to. Pero kamuka niya talaga si Daehyun, pero napaka imposible naman, kasi wala naman akong nabalitaan na nagaaral pala ng tagalog si Dae, tapos black bair pa tong si Jude, eh si Uppie lang naman ang latest na nagpalit ng hair color sa B.A.P. *kahit hndi namn >_<*


After ilang moments. "Ah, pano yan Jae, aalis na ko. Salamat sa meryenda ha?" Sabi niya at nagayos na ng sarili niya.

"Ok sige, ingat ka ha? Ay mali ihatid na lang kita sa tawiran." Tumango siya.

"Ah, tita, tito, aalis na po ako salamat po ha?" Si mama naman todo smile.

"Sige hijo, balik ka anytime." Nako mama. Style mo. Niyaya ko na siya lumabas at naglakad na kami papunta sa kanto.


"Kung gusto mo, aayain naman sana kitang bumisita sa unit ko minsan, yun ay kung ok lang sayo. Kasi wala pa akong masyadong kaibigan dito sa Manila eh."

Napatingin ako sa kanya. "Ok lang naman, pero may tanong lang ako, foreigner ka ba?" Na sense ko lang, may sakit ba 'to sa puso, at laging nagugulat pag tinatanong ko?

"Siguro? Pero galing ako sa ibang bansa, sa- sa Italy! Tama." Tumango ako, sabagay muka kasi talaga siyang taga ibang bansa.

"Ah sige, Jae, dito na ko."


"Sige, sige ingat ka ha?" After nun tumawid na siya, at ako naman bumalik na sa bahay.


---------------

Guys wag kayo mahiya mag comment ha? Hueheheh, masaya na ko sa comments.. XD

An IDOL but a STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon