CHAPTER 11: TRAINING

129 19 0
                                    

Hindi ako nakatiis HAHAHAHA. Ayaw talaga ng brain ko ng module gusto niya update. So yeah, ito na. Enjoy Reading!

xxx

Chapter 11: Training

"Weaponery and Power Training."

Oh great!Just great!

For sure gagalaw kami roon ng sobra sobra at heto ako,busog na busog ang tyan,hirap pa makagalaw dahil sa dami ng kinain.

"Tapos pinakain mo ako ng marami?!" I spat on the man in front of me. He has that 'amuzed' expression again. Ano nakaka-amuzed?

"It will give you energy."

"Energy ka jan! Hirap na nga ako gumalaw!"

Nahiya naman ako bigla dahil nakatingin na silang lahat saken including the other students.

"Woah,did I just witnessed 'Creaston Zyair Smith'  being shouted by 'Syviene'?" tanong ni Harris while emphasizing our names,kinurap kurap pa ang mga mata.

"Akala ko ako lang." gatong naman ng kapatid niyang si Lily. Eh?Anong masama dun?Eh pinakain naman talaga ako ng marami ng lalaking 'to.

"Eh?" I said cluelessly.

"All of you are already done. Let's go to our next class,Sir Houston is waiting for us." sabi ni Creast saka tumayo at nauna ng maglakad.

Tumawa naman si Flare sa tabi ko saka tumayo na rin. "Iwas topic si brad." tumawa rin si ang magkapatid habang si Creg ay tahimik lang. Tumayo na rin ako kagaya nila.

"You're really something,Syv." kumunot naman ang nuo ko sa sinabi ni Lily. Bahala sila jan,kanina pa nila ako nililito.

"Tara na nga!Sir Houston is waiting for us na raw kahit mamayang 30 minutes pa ang klase ni Sir." tawa ulit ni Flare.

"Oh alalayan niyo ang buntis." Harris while acting like guarding my moves. Gago talaga toh!

"Busog ako,Harris,busog!Hindi buntis." binatukan ko siya. Para siyang Jared 2.0,mas masakit pa ata siya sa ulo kesa kay Jared. Speaking of that stupid reckless man,I hope he is fine.

"Aw!So dalawa na pala kayo ni Lily ang babatok saken neto?"

"Deserve." usal ni Lily. At ayon napuno lang kami ng bangayan ng magkapatid hanggang sa makarating kami sa susunod naming klase.

Weird lang kasi imbis na sa isang classroom ay sa field kami tumungo. Of course, Syviene! Weaponery at Power training nga diba?!

Maayos naman ang field medyo may mga bitak lang ng lupa,ang iba naman ay naka-angat at hindi na patag. Ilang araw na ba mula ng entrance exam?5 days? Edi kung sa first day pa lang matapos ang entrance ay paniguradong malala ang resulta ng ginawa ko? Naguilty naman ako bigla,buti na lang hindi ako pinagbayad dahil kung oo ay sobrang lagot ako!

Nadatnan namin si Creast na nakaupo lang sa damo,agad naman siyang dinaluhan nila Creg at naupo rin kagaya niya. Pati ang girls ay ganun rin ang ginawa,I just stayed standing,para naman bumaba ang kinain ko at maayos akong makagalaw mamaya. 30 minutes pa naman daw at mga 5 minutes lang naman ang oras na nilakad namin galing cafeteria dahil malapit lang.

Kinakabahan rin ako sa klase ngayon. For sure malalakas na sila at ako........ito lang. Nakapasa lang naman ako kase nagpadala ako sa emosyon. But I shrugged the thoughts off, nandito ako para matuto hindi para i-down ang sarili.

Natigil ako sa pag-iisip ng isang baritonong boses ang bumati sa amin.

"Good noon." Agad naman silang tumayo at luminya paharap, ginaya ko rin ang ginawa nila at luminya katabi ni Lily. Pinagmasdan niya kami at tumigil lang ang tingin niya sa akin. Lumapit siya sa akin.

CERISE ACADEMY:THE ELEMENTALS [ON GOING]Where stories live. Discover now